Kabanata Trenta'y Quatro: Takeover

4.2K 53 1
                                    

Hlioll

Hindi ko na ginising pa si Mallory kasi sobrang himbing ng tulog niya. Medyo nag-ayos ako ngayon kasi may lalakarin akong importante. Tinext ko pala 'yung lawyer ni Dad na si Attorney James Buencoñeroz kasi magpapasama ako sa kanya sa mga properties na pagmamay-ari ni Dad. I think it's time na mag-takeover na ako. Syempre I don't want all his efforts to end up to nothing din. Una naming pinuntahan ang Irenzo Medical Center. Bigla kong naalala na dito pala nagta-trabaho ang ex-boyfriend ni binibining baby na si Dr. Thaddeus Boy Jorge....ano nga ba lastname 'nun? Ah basta, basta chararat 'yung pangalan niya pati 'yung ugali. I remember that certain time na una kaming nag-meet at tinawanan niya lang ako when I told him that IMC o Irenzo Medical Center is ours. Ngayon tiyak na magugulantang siya once he finds out who his new boss is. Wala akong planong maghiganti or mag-brag. Gusto ko lang ipamukha sa kanya na he should never underestimate a person. Tunay nga na walang binatbat ang diploma mo kung masama kang tao. Kahit gaano katayog ang naabot mo sa buhay kung hindi ka lumilingon sa pinagmulan mo at nangtatapak ka ng kapwa, wala rin. Wala kang hiyang tao, for short.

Pagpasok pa lang namin sa ospital ay ramdam kong nagsisi-tinginan na ang mga staffs sa akin. I'm so sure they already know that I'm coming. 'Yung iba gini-greet na ako ng 'good morning' and so forth. So far this feels like Dad.Halatang he put his heart in everything he does. Too late we never had a chance to reconcile.

Habang naglalakad kami ay parang tinu-tour na rin ako ni attorney kung saan 'yun ganito at ganyan. I've been here when I was a kid but I only have few memories of this place back then. Hindi ko alam na sa Brgy. Santa Monica din pala ako makakatagpo ng babaeng mamahalin ko. The place where we have some businesses. Meron din kaming farm dito pero never sumagi sa isip ko na akin din ang pag-aari nila ni Dad. I never considered myself their child for a very long time. Pero kahit ano palang galit mo, at the end of the day, blood will always be thicker than water. Ang dugo dumadaloy, ang tubig dumadaosdos lang.

Nasa may bandang pharmacy na kami when I bumped into a very familiar face. Guess who.

"Hoy bro. Long time no see ah. Anong ginagawa mo dito? Nagpapa-drug test?" agad na tanong ni Dr. Thaddeus Boy Jorge at napangisi lang ako

Hambog talaga neto since 1,000 B.C pa. Tsk.

Nakita kong pinanglalakihan siya ng mata ni Attorney James, to give him a warning or what, pero parang hindi niya na-gets.

"Baka ikaw ang kailangang magpa-drug test..." sabat ko at tinawanan niya lang ako

"Who do you think you are?" tanong niya na parang nanghahamon na

Tumikhim muna si Attorney bago namagitan sa namumuong tensyon sa amin ni Boy Jorge.

"Doctor Salapsapan, this is Mr. Hlioll Irenzo. He is the new owner of this hospital..." sabi ni Attorney at nakita ko with my own tantalizing eyes kung paano namilog sa gulat at naging maamo na parang tuta ang mga mata ni Boy Jorge

Hindi siya nakapagsalita. Halatang gulat na gulat siya. HAHAHAHA. Who do you think you are pala ah.

"Have a good day, doc..." parang nang-aasar kong sabi at dinaanan na lang siya

Nakaalis na kami sa harapan niya pero siya hindi pa rin nakaka-recover sa nalaman niya.

Kung sa mabuti, mabuti talaga akong tao eh. Ang pinakaayaw ko lang ay 'yung ina-underestimate ako. Kahit na hindi mo kakilala ang tao o kilala mo man, you have no right to belittle him. Lahat tayo pantay-pantay sa mundo. Madadala mo ba sa langit ang mga pera mo 'pag namatay ka? Sus.

------------------------------------------------------
4/12/20
10:20 P.M

The Condom King (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon