Hlioll
Agad nakatulog si Mallory matapos kaming magtalik. Damn. Hanggang ngayon nakatayo pa rin si putotoy ko. Hihirit pa sana ako ng isa kaso hindi na talaga kaya ni Mal. Naawa din ako sa binibining baby ko kaya awat na muna. Marami pa namang next time eh kaya sa susunod ko na lang sasagarin. Pinagmasdan ko siya habang natutulog and I suddenly felt the urge to kiss her forehead. Hmmm. Mahal ko na yata 'tong babaeng 'to. Pero tatanggapin niya kaya ako if ever malaman niya ang past ko?
Tumayo na ako at kinumutan siya. Ipagluluto ko na lang muna siya ng dinner para naman masiyahan siya pagka-gising niya.
Lumabas na ako ng kwarto ni Mal at tutungo na sana sa kusina kaso natigilan ako nang marinig kong may kausap si Auntie Esmie.
"Okay na naman siya ngayon. May boyfriend na siya at masaya na..." narinig kong sabi ni Auntie at hindi ako nakiki-chismis. Sadyang narinig ko lang talaga.
"Mabuti naman po. Akala ko kasi hindi pa siya nakaka-move on. Ang hirap po kasi pagsabayin ng medical school at lovelife dati eh..." the moment sinabi 'nung lalaki 'yun, napagtanto ko agad na siya 'yung ex ni Mal na doctor na ngayon
Thaddeus yata 'yung pangalan eh. Idk.
"Pero sinaktan mo pa rin siya. Masaya na sana kayo dati eh kaso kasalanan mo lahat...." naramramdamang kong nanggigigil na rin si Auntie Esmie sa kanya
"Tita, I'm really sorry. Things had been so difficult before and I didn't mean to hurt her. Kaya nga ako nandito ulit...baka patawarin niya pa ako..." sabi 'nung doctor at naramdaman kong umigting ang aking panga
Gago pala 'to eh. Anong mapapatawad? Wtf. Anong akala niya sa baby ko, batang inagawan lang ng lollipop? Akala niya yata ganun lang kababaw lahat. Gago!
Hindi na ako nagdalawang-isip pa at pumasok na ako sa eksena. Gago talaga. Sarap ibitin!
"Auntie, nakatulog po pala si Mallory. Ako na lang po ang magluluto ng dinner..." sulpot ko agad at nagulat 'yung lalaki nang makita niya ako
"There he is. Siya pala ang boyfriend ng Mallory ko. Hlioll, siya 'yung nagpa-iyak sa anak ko..." sabi ni Auntie and that's one thing I like about her, halata kung sino ang manok niya sa aming dalawa
"Hey. Hlioll nga pala..." bati ko sa lalaki at wala akong pakialam kung ang angas ng dating ko
"Hi. I'm Thaddeus nga pala. Doctor ako. Ikaw ba?" sabi niya at ipinagyabang pa talaga ang propesyon niya ah!
"Ahh. Saang ospital ka nagta-trabaho?" tanong ko
"Sa Irenzo Medical Center o IMC..." sabat niya at napangisi ako bigla
"Amin 'yan. Anak ako ng may-ari niyan..." sambit ko at natawa siya
As in 'yung sarkastikong tawa. 'Yung tawang hindi naniniwala.
"You gotta be kidding me. Isa lang ang anak 'nung may-ari. Wake up, pare. Ang aga pa para managinip ka...." sabi niya at sobrang hambog pala ng gagong 'to eh
"Whatever. Anyways, magluluto na lang muna ako. Baka kasi magutom ang GIRLFRIEND KO eh..." nilakasn ko talaga ang pagbigkas ng salitang girlfriend
------------------------------------------------------
Mallory
Nananaginip yata ako. Bakit ko kaya naririnig ang boses ni Thad? Hala uy. Nabubuang na yata ako! Jusko.
Bumangon na lang ako at napansin ko lang na wala si Hlioll sa tabi ko.
Baka umuwi na 'yun. 'Ni hindi man lang ako ginising para magpaalam. Grrrr.
Naglakad ako papuntang kusina at bigla akong natigilan nang makita ko ang hindi ko gustong makita. Halaaaaaa. Anong ginagawa niya dito?!
"Hey..." tumayo pa siya at naglakad papalapit sa akin
"Bakit?" 'yan lang ang tangi kong nasabi kasi na-shock talaga ako na nandito siya
Ngayon lang kasi kami muling nagkita and to be honest, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa kanya or how should I act in front of my ex-boyfriend.
"Kamusta ka na? It's been a long time since we saw each other..." bumeso siya sa akin at wala lang akong ginawa...nangisay lang ako at gulat pa rin kung bakit siya muling nagpakita
"Okay naman yata..." sabi ko at ang bobo ko talaga minsan eh
Hinahanap ng mga mata ko si Hlioll kaso hindi siya nito mahagilap. Nasaan ka na ba, baby? Huhuhuhu.
Just in time when I badly needed him, sumulpot siya mula sa kusina at may suut-suot pang apron.
"BABYYYY! Gising ka na pala. Tara kain na tayo. I made you breakfast...." nilapitan niya ako at hinalikan sa labi
Hindi lang siya as in simpleng kiss lang. Alam niyo 'yung torrid talaga...'yung laplapan kung laplapan. Shit. Nakakahiya! As in sa harap pa talaga ni Thad at ni Mommy.
"I love you, binibining baby ko..." sabi niya at hinalikan pa ako sa noo
"I love you too..." sagot ko at wala akong pakialam kung medyo may pa public display of affection kami dito
"Edi kayo na ang may lovelife. Anak, kumain ka na. May niluto si toto Hlioll para sa'yo..." sabi pa ni Mommy at hindi naman masyadong halata kung sino ang manok niya diba
HAHAHAHAHAHA. Love you, Mommy!
"Sige po. Bye..." tinignan ko ng masama si Thaddeus at halata sa mukha niya na nagsisisi siya na pumunta pa siya rito
Pumunta na kami ni Hlioll sa kusina at nagulat ako dahil andami pala ng niluto niya.
Kaso may problema.
"Sunog lang ang iba sa mga 'yan pero ikaw ang nasa isip ko habang nagluluto ako..." sabi niya sabay turo sa bacon at ham na medyo nasunog...slight lang naman and besides, it's the thought that counts naman diba?
"Bakit mo nga pala ako ipinagluto?" tanong ko habang inaalalayan niya akong umupo
"Kasi mahal kita at lahat gagawin ko para sa bukod tangi kong prinsesa..." sabat niya at parang may papalit na kay Balagtas sa sobrang pagka-makata nito ah HIHIHIHIHI
"Mahal din naman kita eh..." sabi ko at nag-ngitian lang kaming dalawa
"Tayo na lang kaya? Payag ka ba?" hinawakan niya ang isa kong kamay and I don't know...I've never felt this happy and blessed
"Sige..." tango ko at bigla siyang tumayo at niyakap ako
"YES!!!!!!!!! I LOVE YOU!" sigaw niya at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin
------------------------------------------------------
Author's note:
Sana all diba? Sana all minamahal at hindi sinasayang. Kayo ba guys, anong team kayo? #TeamMinamahal o #TeamSinayang?
Comment down din your facebook names para ma-add ko kayo. Lablab.
10/1/19
10:05 A.M
BINABASA MO ANG
The Condom King (COMPLETED)
RomanceWarning: Super SPG Lahat tayo may kadiliman. Lahat tayo may tinatagong sekreto. Lahat tayo may libog na elemento. Lahat tayo naging sino kay kanino. Mukha at katawan ang puhunan ng modelong si Hlioll Irenzo. Dating pariwara at itinakwil ng mga m...
