Kabanata Trenta: Pagbabalik

4.5K 57 0
                                    

Mallory

Katatapos lang namin mag-tiktok ni Mommy and it was super fun. Feeling bagets si mother dear kaya support lang si ako. It's almost lunch na rin so she has to cook already kaya natigilan kami. Magluluto daw siya ng fried asparagus with black pepper and cottage cheese. I don't know how it will taste but for sure it's delicious.
Naghuhugas lang ako ng mga nakalimutan kong hugasin habang si Mommy naman ay nagluluto nang may biglang kumatok.

"Mom, baka manliligaw mo..." biro ko sa kanya sabay turo sa pintuan gamit ang nguso kong love na love ni Hlioll

"Manliligaw ka diyan. Sa edad kong 'to may magkakagusto pa sa 'kin? Nakakahiya naman sa kaluluwa ko!" sabat ni Mommy at ang cute niya talaga kapag nagagalit o napipikon na siya

"Halaaa. Don't underestimate yourself, sis. Maganda ka kaya tapos may asim pa..." biro ko ulit at natawa siya

"May asim talaga? Anong tingin mo sa 'kin sinigang?" nagtawanan kaming dalawa habang katok nang katok 'yung taong hindi namin alam kung sino

"Hindi naman sinigang. Sweet and sour lang. HAHAHAHA..." tirada ko ulit at halos maluha na kami kakatawa

Dahil parang nabubuang na si Mommy kakatawa, nag-volunteer na lang ako na pagbuksan ng pinto kung sinong alien man 'to. Pagbukas ko ay tumambad sa akin ang isang mukhang hindi pamilyar.

"Sino po sila?" nagtataka kong tanong sa kanya

"I'm looking for Esmeralda Defarez. Does she lives here?" tanong niya kaya sinuri ko siya mula ulo hanggang paa and vice versa

Hindi ko alam kung anong pakay ng Amerikanong 'to sa nanay ko. Hala! Baka chatmate 'to ni Mom or what? Sabi ko na eh! Bakit ko pa kasi siya tinuruang mag- log in sa facebook.

"Wait a minute!" sabi ko at isinara muna ang pintuan

Sa mga panahon ngayon dapat extra careful diba. Baka rapist 'to o ano.

"Mom, may kanong naghahanap sa'yo. Umamin ka nga...tambay ka ba sa facebook kaya may chatmate ka?" tanong ko kaya natigilan siya sa paghihiwa ng sibuyas

Natulala siya ng very, very slight lang naman na parang may iniisip.

"Sabi ko na nga ba eh! Sa dinami-dami ng ka-chat mo hindi mo na matandaan!" sabi ko at nagulat ako nang bigla niyang isinubo ang buong sibuyas sa bibig ko

"Mommyyyyyyy!" sigaw ko at nakita ko siyang patungo sa pintuan

At dahil medyo curious ako sa happenings sa world, pasimple akong nagtago malapit sa pintuan. Saktong may malaking couch kaya hindi ako makikita dito.

"What are you doing here? We were over since long time ago!" narinig kong sabi ni Mom and at that very moment naging proud daughter ako. Ang galing palang mag-ingles ni Mommy. HAHAHAHA. Biro lang!

"Over? I said I will go back to the states to fix my retirement and stuffs and I will come back here for you. You just disappeared without a word! I've been looking for you all over the world..." sabi 'nung kanong chatmate ni Mom at buti pa si Mom pinag-eeffortan. Charot.

"I don't love you anymore..." sabat ni Mom at parang nasa movie lang ako kasi sobrang intense ng mga eksena

"You don't but I do. And that girl...is she my daughter?" sabi ulit ng kano at natigilan ako bigla

Sinong tinutukoy niya? Ako ba? Kasi babae ako eh kaya daughter. Alangan namang son. Pero wait lang...tatay ko siya?!

"Daniel, I don't wanna talk about her...." sabi ni Mom at parang nagka-kutob na ako. Grabe sobrang lakas ng pintig ng puso ko.

"Esmie, just tell me the truth. You can't just deny it 'coz she looks exactly like me..." sabi 'nung kano at sinilip ko siya para tignan muli ang mukha niya

Parang.....oo? I don't know. Kinabahan talaga ako -_____-

"Ye....yes. I told her that you're dead though..." sabi ni Mom at bigla na lang akong naluha. Sobrang sakit sa dibdib grabe.

"I understand. I know you're mad but could you please give me ano---"

Hindi ko na alam kung ano pa yung sinabi ng kano kasi bigla kong nahilo at nandilim ang paningin ko.

-----------------------------------------------------
4/6/20
7:43 A.M

Stay safe everyone! Let's all pray for our safety and this pandemic to end. Also, may we remember Christ this Holy Week. Pray!♥

The Condom King (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon