Kabanata Trenta'y Sinco: Para sa Future

4.2K 54 4
                                    

Mallory

Nagising ako at wala na si Hlioll sa tabi ko. Baka may lakad sila ni Attorney Buencoñeroz regarding 'dun sa company na ipinamana sa kanya at 'dun din sa kasong isinampa sa driver 'nung sasakyan na nakabangga sa kanila ni Dad. Nakakulong na pala 'yung driver ngayon which is dapat lang. Kapag nagkasala ka, you should bear the consequences as well. I hope mabulok 'yung unggoy na 'yun sa bilangguan.

Nasa kwarto pa rin ako at wala pa akong ganang bumangon. Dito natulog si Hlioll kagabi at baka dito na rin siya tumira. Well, for the mean time lang naman kasi may bahay din daw na ipinamana sa kanya. Ayoko sanang iwan si Mommy pero ayaw niyang umalis dito sa bahay eh. Isasama ko sana siya sa kung saan man kami lilipat pero pa hard to get talaga ang lola. Masaya na raw siya sa bahay at dadalawin niya na lang daw kami. Hindi ko pa alam kung saan kami lilipat pero sana malapit lang sa Santa Monica. This is home eh. I want to live here and nowhere else.

"Bruha, gising ka na ba?" kumatok muna si Mom at lumitaw na ang ulo niya sa pintuan

"Ay hindi pa. Tulog na tulog pa ako oh..." biro ko sa kanya

"Suntukin kita diyan eh. Bangon na at huwag kang tatamad-tamad diyan..." sabi niya pa at tinarayan na naman ako

"Hala siyaaaaa. Buntis kaya ako...." rason ko kasi sobrang ayaw ko pa talagang bumangon. I guess dahil buntis ako o dahil malambot lang talaga ang kama ko HAHAHAHA

"Isa lang ibig sabihin niyan. Masipag ka! Ang sipag-sipag niyo ngang gumawa ng bata, sa gawaing-bahay pa kaya?" ratatat niya at natawa na lang ako. Minsan talaga 'yung bibig ni Mommy parang armalite talaga. Sarap niyang ipasabak sa World War II. HAHAHAHA

"MOMMYYYYYY!!!!!!! Nakakainis 'yung bibig mo!" wangal ko at tumawa lang siya

"Bakit ha? Hindi kayo masipag ni toto Hlioll? Hindi ka mabubuntis kung hindi kayo sexually active..." sabi niya pa at mabuti naman kasi medyo nagiging okay na si Mom after 'nung death ni Dad

"Mommy, oo na! Kami na masipag! Happy ka na?"  sabi ko at muli siyang natawa

"Edi inamin mo rin. Bumangon ka na, girl. Magti-tiktok pa tayo pagkatapos mong kumain...." sabi niya bago lumabas ng kwarto ko

Hays. Tiktok na naman. Araw-araw kaya kaming nagti-tiktok. Kulang na lang maging ambassador ng app si Mommy eh. HAHAHAHA.

Few minutes pa at promise babangon na talaga ako. Gutom na rin 'tong si baby eh. Minasahe ko ang tiyan kong may lumalaki ng umbok. Super excited na kami ni Hlioll na makita si baby pero medyo may katagalan pa 'yun.

"Good morning, little chikiting...." sabi ko kay baby

Sayang hindi ko makakasama si Hlioll sa breakfast. Busy kasi 'yun para sa future eh.

Nakahiga pa rin ako nang biglang tumunog 'yung cellphone ko. Baby calling...


"Yes pooooo?" pabebe kong sabat sa call

"Gising ka na pala. Sorry umalis ako nang hindi nagpapaalam. It will be a busy day today, babe. Na-miss nga kita agad eh..." sabi ni Hlioll na ikina-kilig ng sistema ko

"I miss you too, baby. Uwi ka na..." pa-cute ko pang sabi

"Mamaya pa siguro, baby. Sisiguraduhin ko munang may future tayong tatlo..." sagot niya and awwwwwww♥

"Basta ingat ka diyan ah. I love you..." sabi ko

"I love you too, binibining baby. Kain ka na para busog kayo ni baby..." sabi niyang muli

Ilang minuto ding tumagal ang tawagan namin until he had to go at ako naman kailangan na talagang kumain.

Bumangon na ako and then tumunog ulit 'yung phone ko. This time message naman from Hlioll.

From: Baby

Dungaw ka sa bintana, babe.





Hmmm? Anong meron sa bintana? May pa-piging ba si mayor? HAHAHA

Dumungaw ako sa bintana at nagulat ako nang makita ko si Hlioll sa labas ng gate namin. May dala-dala siyang box ng pizza at chicken.


"Tumakas lang muna ako sa mga responsibilidad ko para makasama kang mag-breakfast..." sigaw niya at kinilig na naman ako

'Yung puso ko sobrang tumatambol. Parang magpapa-kantot ako mamaya ah? HAHAHAHA

-----------------------------------------------------
4/15/20
12:16 PM

The Condom King (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon