Kabanata Dalawampu't-Apat: Reunion

5.6K 53 1
                                    

A/N: Happy 11,000 reads loves! Thank you sa support and though medyo matagal akong mag-update, know that I'm doing my very best to write a story that hopefully you all will love. Lablablab!
------------------------------------------------------

Mallory

Pareho na kaming nakapag-bihis ni Hlioll at pareho din kaming parang mga buang na hindi mawala-wala ang ngiti sa aming mga labi. Nabinyagan muli ang aking pagkababae na kamuntikan nang malanta. HAHAHAHA. Buti na lang at natutunan ko siyang patawarin. Totoo nga noh na if you really love the person, no matter how many times he has done you wrong, you will always find yourself forgiving and accepting him back over again. Aminado akong nandiri ako kay Hlioll the moment I knew who he was in the past. Pero as time and days pass by, na-realize ko na the past of a person shouldn't be a basis of who he will be in the future. Lahat tayo nagkakamali at lahat tayo minsan nang nakagawa ng nga stupid mistakes in the past. Hlioll is an example that it's never too late to be better. I can see that he wants to change and he wants to start and undo his mistakes and with that I am so proud of him.

"Binibining baby, I love you..." bigla niyang sabi out of nowhere

"I love you too, beebee ko!" cheesy kong sabi

"Beebee? Ano 'yan bubuyog?" natawa na lang siya

"Bakit ha? Hindi ba bubuyog ang tingin mo sa sarili mo? Basta-basta ka na lang lumulusob eh..." pati ako natawa na rin sa nasabi ko

"Susss. Gusto mo rin naman na nilulusob kita eh..." kumindat sya at parang kinuryente na naman ang aking namamasang pagkababae


Umayos kami nang biglang pumasok ng bahay si Mommy. Natigilan siya nang makita niya kami ni Hlioll.


"Ohhh? Okay na pala kayo?" tanong niya at nagkatinginan muna kami ni Hlioll, hindi naman alam kung sino ang sasagot

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Auntie, patawad po sa pagsisinungaling ko. Alam ko pong hindi ko na po maibabalik ang pagtingin niyo sa akin dati pero mahal ko po talaga ang anak niyo eh. Sana po payagan niyo po akong muli na mahalin siya..."

Sa puntong 'yun napatingin ako kay Hlioll. Sobrang seryoso ng mukha niya na parang gusto kong pagtawanan siya. Mapapa-" OH, DI NGA?" at "WHEEEEEE?" ka. Lol.

Tinignan siya ni Mama mula talampakan hanggang sa huling hibla ng buhok niya sa ulo. Nag-iisip ng sobrang lalim na parang malulunod na si Hlioll sa tingin niya.

"Unang-una, wala akong pagtingin sa'yo. 'Wag kang ambisyoso, hijo..." paunang sabi ni Mommy at parang matatawa na si Hlioll

"Second of all, wala na akong magagawa eh mahal ka talaga ng anak ko eh. Alangan namang kumontra ako sa kaligayahan niya. Ang sa akin lang, huwag ka nang magsisinungaling pa kasi masasaktan mo lang ang anak ko. O siya sige, magluluto na ako para may hapunan tayong tatlo..." napayakap si Hlioll kay Mommy sa sobrang galak

"Thank you po, Auntie. I love you po!" sobrang saya niya at parang maluluha na ako

"Mai-issue na naman ako na may pagtingin sa'yo eh. Umayos kang bata ka..." sabi ni Mom at nakisali na ako sa yakapan

Thank goodness okay na ang lahat. Thank you, Lord!

------------------------------------------------------
2/25/20
12:35 PM

The Condom King (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon