Buhok

2.1K 57 1
                                    

Annyeong!My name is Anne,25 yrs old by now,Ibabahagi ko lang po ang horror experience ko sa inyo sana ay maraming magbasa nito.

Nasa bahay ako at Sabado ngayon,Nanonood lang ako nang cartoons sa tv,Mag-isa lang akong nanonood dahil ang dalawa Kong kapatid na lalaki ay naglalaro sa labas at ang mga magulang naman namin ay umalis sandali dahil may Importante silang kikitain.So habang nanonood ako ay nakaramdam ako nang gutom kaya pumunta ako nang kusina para kumuha nang makakain.Kumuha ako nang potato chip at nilagay ko sa bowl para mas madaling kumuha at kumuha din ako nang soda.Bumalik na ako sa sofa para manood ulit.Habang ngumunguya ako nang potato chip ay parang may kung ano akong nakakain at nakabara ito sa ngala ngala koh..tumigil ako sa pag nguya at pinasok ko ang kamay ko sa bunganga ko.Nang mahawakan ko na yung nakabara ay hinila ko na ito at nagulat ako dahil isa iyung Buhok.Halos di ko na kayang huminga dahil ang haba nang Buhok na nakukuha ko pero sa bandang huli ay nakuha ko na ito.Hinawakan ko ang leeg ko dahil sumasakit ito nang kaunti.Halos masindak ako sa nakita ko isang piraso nang buhok na napakahaba.Hindi mahaba ang Buhok ko dahil hanggang leeg ko lang ito Ganon narin sa Mama ko Ang pinagtataka ko ay pano ko ito nakain eh tinitingnan ko naman ang kinakain Kong potato chip habang nanguya ako.

Nang makauwi sila mama at papa sinabi ko ang nanyari kanina pero di sila naniwala dahil nang sinabi nilang nasaan daw yung Buhok ay wala akong maipakita dahil nawala ito.Tanda ko ay nilagay ko ito sa plastic pero nung ipapakita ko na sana sa kanila ay plastic nalang ito at wala na dun yung buhok.Pinag tawanan lang ako nila mama at papa pati narin ang mga kapatid Kong lalaki.Pumunta nalang ako sa kwarto ko dahil naiinis ako.Humiga nalang ako at natulog pero Bigla rin akong nagising nang may marinig akong humingi nang tulong at sumisigaw na babae.Nagulat ako sa aking nakita dahil sinasakal nung babae yung matanda gamit yung mahabang buhok nito.wala akong ginawang kilos dahil natatakot ako sa nanyayari.Nang Napatay na nang babae yung matanda ay umiiyak at tumatawa ito na parang baliw habang tinitingnan ang matanda na nakabulagta sa sahig.May nakita akong picture frame at nagulat ako nang makita ko silang dalawa doon nakayakap ang babae sa matanda habang lahat nang mga tao ay nakangiti sa litratong iyon.Kung ganoon ay pinatay nang anak ang kanyang ina pero bakit?Nang tumingin ako sa gawi nila ay nasindak ako dahil nakatingin yung babae sakin at tinatanong kung sino ako at kung bakit ako nandito.pero nung di ako sumagot ay mabilis nyang kinuha ang isang kahoy at akmang ipapalo sakin nang Bigla akong nagising. Nakita ko ang mama at papa ko na nasa harap ko na umiiyak sabi nila na di na daw ako humingiha at namumutla na daw ako kanina pero laking pasasalamat nila na buhay ako ngayon.Nandito rin pla yung Tito ko na doctor at tiningnan ako maituturing daw na himala ang nanyari sakin dahil dapat ay patay na ako ngayon dahil heart attack ang nanyari sakin kanina.

Natuwa ako dahil buhay pa ko at natakot rin dahil sa napanaginipan Kong yun...Di ko alam kung totoo ba yun na nanyari noon o masamang pangitain lang.Pero sana ay gawa gawa lang iyon nang aking isip.At yung sa buhok ay hanggang ngayon ay di ko parin matukoy kung totoo ba yun.pero sana ay di na yun maulit pa.










A\N:thx ate Anne sa pag share nang story mo!Natakot talaga ako habang ginagawa ko to feeling ko natatakot na ko sa buhok..Charr lang😂✌Mahal ko po buhok koh😘😂,pls vote kung nagustuhan nyo yung story.Kamsahamida😊

Scary Stories 5Where stories live. Discover now