katok

411 23 4
                                    

Nung bata pa ko sa manila kami nakatira, Maayos ang buhay namin sa manila. May kaya pa kami sa buhay non. Pero nang mag away sila mama at papa at naghiwalay sila ay nag iba agad ang buhay namin, sumama ako kay mama at naiwan mag isa si papa sa manila.

Tumira kami ni mama sa probinsya nila. Isang maliit na bahay ang tinitirahan namin nun. Tanging Ipad lang ang libangan ko dun dahil ayaw ni mama bumili ng tv dahil masikip raw dito sa bahay buti nalang may signal sila dun pero ang bagal nga lang.

Wala akong naging kaibigan ron dahil di nila ako maintindihan dahil di sila marunong mag-tagalog. Di rin ako marunong mag bisaya kaya kapag kinakausap nila ako ay di ako umiimik.

Nung gabi habang mahimbing ang tulog namin ni mama ay bigla akong nakarinig ng may kumakatok pero hindi sa pintuan kundi sa bintana namin. May malaking bintana kasi ang bahay namin at glass sliding window iyon at tanging sa loob mulang iyon mabubuksan.

Hindi ako tumayo dahil tinatamad ako tumayo nun. Ang himbing himbing na nang tulog ko eh tapos may istorbo pa. Kinapa ko yung ipad ko para i-check ang oras. 2:55 am palang nun, di parin tumitigil yung kumakatok sa bintana. Sinilip ko si mama sa baba Dooble deck kasi ang gamit namin. Tulog na tulog si mama kaya di ko na ginigising. Wala na kung magagawa kundi puntahan yung kumakatok dun sa bintana.

Bumaba ako at hahawiin ko na sana yung kurtina ng bintana nang may maalala ako. Bakit may kumakatok sa bintana namin kung pwede naman sa pintuan? At yung bintana namin ay mataas at walang pwedeng tungtungan dahil malalim na kanal yung sa labas at di maabot ng tao ang bintana namin.

Tumingin ako sa bintana pero wala akong makita dahil nakapatay yung ilaw at itim pa yung kurtina namin sa bintana.

Niyugyug ko si mama para magising pero ayaw niya magising. Bakit ganon  parang malamig si mama. Nakatalikod sakin si mama kaya di ko makita yung mukha niya. Biglang lumakas yung katok sa bintana parang mababasag na yung glass ng bintana sa katok nung tao na yun o kung ano man yun. Pinatatag ko ang loob ko para tingnan yung nasa labas ng bintana. Hinawi ko yung kurtina at nagulat ako ng makita ko yung payong ni mama na pula at hinahampas iyon sa bintana.

Unti unti akong lumapit sa bintana upang makita kung sino yung may hawak ng payong ni mama. Sinilip ko at parang gusto kong mahimatay ngayon dahil nakita ko si mama sa labas ng bahay at may sinasabi siya at tinuturo yung pintuan.

Panong nasa labas si mama eh nandito siya natutulog ngayon. Unti unti akong lumingon kung saan natutulog si mama at parang mababaliw ako sa nakita ko. Wala roon si mama.

Agad agad akong umakyat sa taas at sabay talukbo ng kumot. Iyak ako ng iyak dahil may multo akong kasama. O kung ano man yun.

Biglang umilaw yung ipad ko at tiningnan ko iyon. Si Mama nag text at ang sabi ay buksan ko raw ang pinto kanina pa raw siya kumakatok sa bintana. Nagulat ako ng makita ko yung unang text ni mama sakin at sabi dun na mala-late raw siya ng uwi kaya isarado ko raw ang pintuan at bintana.

Agad agad akong bumaba at tumakbo sa pintuan at binuksan ko iyon. Agad kong niyakap si mama. Sermon agad ang bungad niya sakin dahil ang tagal ko raw buksan yung pintuan. Di ko pinansin ang sermon niya. Binuksan ni mama ang ilaw at napatingin ako sa baba ng tinulugan nung multo na akala ko mama ko.













A/N; Thanks sa nag shared ng story nato at sa ibang nag shared ng story. Thanks po sa inyo:) salamat rin sa mga Readers nito, pls vote and comment.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now