ako nga pla si Mark,20 years old nakatira sa Bataan, Sa malapit na bundok ang aming bahay. Kaya nakakatakot talaga doon dahil maraming puno at may ilog pa na pinapaligiran ng mga malalaking bato.Gusto ko lang ibahagi itong kababalaghan na nangyari sakin nung naligo ako sa ilog nung bata pa ko.
Maglalaba si mama sa ilog kaya samama ako at kasama din ang mga kaibigan ko. Marami kami kaya masaya maligo, Nang makarating na kami ay nagtampisaw na sila sa ilog.
Tiningnan ko muna ang tubig subrang labo kasi,kaya di ko matansya kong malalim O mababaw pero sinabi lang nila sakin na hanggang dibdib ko lang daw ang tubig kaya nagtampisaw narin ako. Marunong akong lumangoy sadyang natatakot lang ako dahil may kwento itong ilog na nilalangoyan namin.
Sabi daw ng mga matatanda may kung ano daw sa ilalim ng tubig na nanghahatak patungo sa ilalim ng tubig kahit mababaw pa yan ay makukuha ka daw nila nang di napapansin. Sina walang bahala ko lang iyon dahil masayang maligo dahil malamig ang tubig. Sumandal ako sa malaking bato para di gaanong masinagan ng araw, 11:30am kasi kami pumunta dito para maligo at maglaba si mama. Vacation kasi namin at mainit kaya napagpasyahan na naming maligo sa ilog.
Naka sandal parin ako sa bato. Tahimik langako habang tinitingnan ko ang lugar. Subrang daming bato ang makikita mo dito sa ilog.
Nakatingin lang ako sa bato nang may napansin akong nakatayo sa taas ng bato kulay green sya at mukang isda ang itsura na may pulang mata nagulat ako nung tumalon sya sa malalim na parte ng ilog. Hinanap ko sya kong saan sya bumagsak sa tubig nagulat nalang ako na may maramdaman kong may humawak sa paa ko sa ilalim ng tubig nang aalis na Sana ako ay biglang nahatak na nya ako sa malalim na parte ng ilog pilit kong hinahatak ang aking paa sa kanya di na ko halos makahinga ng lumubog ako dinilat ko ang mata ko at nakita ko sya hinahatak ang paa ko matungo sa ilalim Nang Hindi na koh makahinga ay pumikit na ko at na walan ng malay.
Nang nagising ako niyakap ako ni mama at ang iba kong kaibigan tinanong ko sila kong bakit ako nandito sa bahay sabi nila nalunod daw ako sa kadahilanang may sumabit sa paa ko na makapal na lumot na kulay green di ko na lang sinabi kay mama ang nakita ko siguro Ilussion ko lang yon pero kapag pupunta kami ron ay di na ko naliligo tinulungan ko na lang si mama sa paglalaba dahil ayaw ko na ulit maranasan ang nangyaring yon.

YOU ARE READING
Scary Stories 5
HorrorThis is a true horror stories Pls read it and support my all stories..