lost in 3 weeks

771 32 0
                                    

Maaga akong pumasok sa school,mga 5:30 am,Marami din namang mga students na kagaya ko na maagang napasok,Grade 7 plang ako at hindi ko pa medyo alam ang mga sulok o lugar sa pedhs(👈Pangalan po ng school ko nung HighSchool ).NaSa Sciences bldg ang room ko 3rd floor at mismong dulo pa kung saan malapit sa puno ng alkasya na subrang laki.Pumunta na ako sa room ko at di na ako nagulat ng ako plang ang mag isang napasok sa room.Puro kasi late ang iba kong mga kaklase dahil medyo na tata- traffic sila buti pa ko naglalakad lang at medyo malapit rin naman ang school ko samin,Pumasok na ako sa room ko at binuksan ko ang mga ilaw at dahil masipag ako ay inayos ko na ang mga table at upuan na mga nakatabingi.Nang matapos na ako ay napagpasyahan ko na umupo at makinig ng music sa cp ko at shempre na ka earphones ako nun,Mga ilang Segundo ay may pumasok na sa room namin at subra akong napangiti ng makita ko na si Rina pla iyon na bestpren ko,Nag kwentuhan kami ni Rina habang wala pa ang iba naming mga kaklase,Nang mag 6:30am na at nandito na ang lahat kaming mga studyante At nang dumating na si mam ay Nagturo na sya tungkol sa lesson namin.Walang pumapasok sa utak ko kahit na nakatingin na ako sa mga teacher ko at nakikinig sa kanila para akong lutang kung baga pero kinakagulat ko na kapag may tinatanong ang mga teachers sakin ay nakakasagot ako ng tama.So weird...Kungbaga,Pero masaya parin dahil dagdag point's din iyon sa grade ko,Nang mag uwian na ay nagliligpit na ang lahat sa mga gamit nila at yung iba ay nagpapaganda na...Dahil nakaabang ang mga jowa nila na susundo sa kanila,Grabe Mga Haliparot na mga gr-7,,shempre di damay yung mga matitino,Katulad ko.


Dahil nga sa masipag ako at mabait ay tumulong na ako sa mga cleaners  ngayon pero ang ginawa ko lang ay ang mag ayos ng mga upuan ulit,Laking tulong na kaya yun sa kanila.Nang matapos na kami sa paglilinis ng room ay ako na ang nag lock ng room namin dahil sakin inahabiling ang susi dahil masipag akong pumasok at maaga pang napasok.Nang ma lock ko na ay sabay na kaming naglakad pababa ni rina,Kaso ng maalala ko na naiwan ko pla yung susi dun sa kandado ay nagmamadali akong umakyat ulit ng 3rd floor at shempre sinabihan ko na si rina na mauna nalang umuwi dahil dadaan pa kong palengke para tumulong kay nanay.Nang makuha ko na ang susi ay bigla kong nakita si Rina na nasa dulo ng hagdanan at nakatalikod ito sakin,Nakatingin ito sa malaking puno ng alkasya,sinabihan ko sya na mauna ng umuwi pero bakit narito parin sya.Lumapit ako sa kanya at sinabihan ko sya na "bakit ka pa umakyat dito sa 3rd floor at dapat ay nauna ka nlang umuwi dahil baka gabihin ka sa daan,Traffic pa naman ngayon"Pero di sya nagsalita at bigla nlang itong tumakbo pababa sa 2nd floor.Nagulat naman ako sa inasal niya pero baka may pakana na naman ito na iba sakin kaya napagpasyahan kong sakyan nalang ang trip niya sa buhay.

Bumaba na ko at binilisan ķo ang pagbaba ko pero bigla akong nagulat dahil nasa mismong 3rd floor pa ko pero dapat ay nasa 2nd floor na ko pababa.


Tiningnan ko sa bintana at parang malapit na ako sa 1st floor.

Bumaba ulit ako at ganon ulit ang nanyari nasa 3rd floor na naman ako at mga ilang ulit akong nag try na makababa kaso ganon ulit ang nanyari.Siguro ay pinaglalaruan ako ng engkanto sa may puno ng alkasya,natatakot na ako sa nanyayari at buti nlang ay alam ko kung ano ang gagawin kapag ganito ang nanyari sabi ng mga matatanda na ibaliktad lang ang damit at makakaalis ka na raw sa lugar na paulit ulit mong napupuntahan,Kaya ganon ang ginawa ko binaliktad ko ang aking suot na uniform at bumaba ulit ako pero walang nanyari ganon pa din bumabalik pa din ako sa 3rd floor at nang hindi ko na kinaya ang pagod ay napagpasyahan ko nlang na magpahinga at pumikit ako at nagdasal.



Nagulat ako ng may tumapik sa aking balikat at nakita ko ang security  guard ng school pla at para itong hindi makapaniwala na nakita ang mukha ko.Nagpasalamat  ako security guard ng school dahil nakita niya ko,Nang papatayo na ako ay ngayon ko lang napansin na maraming dugo ang nasa uniform ko at nakabaliktad ito at ang katawan ko ay puno ng mga putik at magulo na ang buhok ko,Sinabi sakin ng security guard na 3 weeks na akong nawawala at alalang alala na ang mga magulang ko sakin.Nagulat ako sa sinabi nya eh mga 3 oras plang naman akong nawawala .pero bakit 3 weeks ang pagkakasabi niya.Tinawagan ng security guard ang parents ko at nang dumating sila ay napa hagulgul sila at niyakap ako ng mahigpit,Napaiyak na rin ako dahil sa kanila.tinanong nila kong saan ako galing at san ako natagpuan.Sinabi ko na sa Science bldg ako natagpuan ni kuya guard at nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ko Sabi nila hinanap na daw nila ako sa buong sulok ng pedhs pero di daw nila ako natagpuan,Pinauwi na nila ako at nagulat ako na nakapaskil sa mga dingding at mga poste ang mukha ko na may nakalagay na Missing.



Dahil sa nanyari sakin ay pinalipat ako ng school ng parents ko.Ayaw na nila akong papuntahin sa dati kong school dahil baka di na ako makabalik pa.

















A/N:Thx sa mga nakabasa nitong story, don't forget to vote and comment paki share na din.😊

PS:Thx kay Jminpark_writer2 ,Follow niyo po sya at pakibasa narin po ng new story na gawa niya #ScaryStories (Base on true story),thanks po.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now