Gabi ako umuwi ng bahay dahil may tinapos kaming project para sa events bukas, Mag Isa nalang ako na tumatawid ng tulay dahil sila Ella at Amanda ay sa kabilang diretsyon dahil taga-taas Ang bahay nila,ako naman Taga baba Kung saan kailangan ko pang tumawid ng tulay na gawa sa bakal upang makauwi.
Ang baba ng tulay ay malalim na ilog at subrang mabato. Wala pa naman na didisgrasya sa ilog pero may kwento-kwento Ang tulay sa ilog.
Sabi ng mga matatanda ay may babaeng nakaputi daw sa gitna ng tulay na nakaabang at kapag titignan mo siya sa mukha ay mawawala ka daw sa tamang pag-iisip at itutulak ka daw nito pababa ng ilog.
Natatawa ako sa mga kwento ng mga matatanda,dahil alam Naman ng iba ay panakot lang nila iyon sa mga bata para magsi-aga silang matulog sa Gabi.
Nang sa gitna na ako ng tulay ay wala namang Kung ano don, may mga ilaw naman sa mga kabahayan at may poste sa dulong bahagi ng tulay Kung saan na may ilaw.
Nagulat ako ng biglang mag ring Ang cellphone ko non Kaya nabitawan ko. At dahil medyo madilim dahil nasa gitnang bahagi ako ng tulay ay kinapa ko ang bawat sulok Kung saan nalaglag Yung cellphone ko.
Nang mahanap ko na ang cellphone ko ay tumayo ako at halos di ako makagalaw sa Nakita ko sa gitna ng tulay..
May nakatayo doon na babaeng nakaputi na may mahabang buhok kaya di ko makita Ang itsura niya, Titig na Titig Lang ako sa kanya pero sa loob loob ko non ay gusto ko ng kumaripas ng takbo at magsisigaw kaso di ko magawang humakbang man lang, bigla siyang gumalaw at inaalis Niya Ang harang na buhok sa kanyang mukha, kitang kita ko Ang matatalim niyang mga kuko habang inaalis Ang harang na buhok sa kanyang mukha, Gusto Kung ipikit Ang mga mata ko kaso Hindi ko magawa.
Unti unti ko nang nakikita Ang mukha Niya pero biglang may tumawag sakin mula sa likuran ko, Bumalik si Ella at sinabi Niya na naiwan ko sa kanya Yung id ko at Yung susi ng room kanina pa daw siya tumatawag sakin sa phone kaso daw namatay Kaya bumalik siya, lumingon ako sa likod ko at Wala na don Yung babaeng naka puti. Agad na hinila ko si Ella at tumawid na ng tulay.
Sinabi ko sa kanya Ang nanyari at kinalabotan siya sa kwento ko, buti nalang ay bumalik siya dahil baka Kung ano ang nanyari sakin Kung natuloy yun.
Nakauwi ako ng bahay ng ligtas at kada daan ko sa tulay ay nandoon padin Ang takot na baka makita ko siya Ulit,Ang babaeng nakaputi.
A/N: Sorry po Kung Ngayon Lang ulit nakapag publish ng story😅.
YOU ARE READING
Scary Stories 5
HorrorThis is a true horror stories Pls read it and support my all stories..