Resort ni Tita

3.2K 88 8
                                        

I'm not sure kong matatakot kayo pero this is true horror story na nangyari sakin sa tanang buhay ko. Btw I'm Nicole, ibabahagi ko lang ang nanyari 2 years ago nung nag vacation ako sa tita ko.

Nandito ako sa resort ni tita Elaine walang asawa si tita tanging mag isa lang sya sa kanya resort dito sa subic,
maganda ang resort ni tita at magaganda pa ang tanawin mula dito sa kwarto ko.Nakikita ko ang dagat at ang mga torista na nag punta dito, di medyo madami ang pumupunta
dito, Dahil narin siguro ito sa kumakalat nah kwento ng mga matatanda sabi daw nila lahat daw ng kwarto dito sa resort may kung ano daw nang gagambala sa iyo..Gising ka man o tulog may makakasama ka daw nah isang nilalang at Hindi Tao. Isang multong babae na bali bali ang buto.Pero di ako naniniwala dahil di ko pa naman nararanasan iyon nung minsang nag vacation ako dito.Pero ngayon may kakaiba ng nangyari
kagabi may tumatakbo kasing mag asawa na nakita ko at nakikita kong takot na takot ang mga ito..lumapit ako at pinakinggan ang pinag sasabi nila Kay tita. Ang sabi ng mag asawa may nakita daw silang babae sa cr nila na kulay itim at lumalapit sa kanila pero tumakbo kaagad ang mag asawa kaya di na nila nakita yung itim na babae. Di ako naniniwala sa kanila dahil pinuntahan Namin ang room ng mag asawa pero wala naman kaming nakitang babae na itim.

Tinanong ko si tita kong bakit naniniwala sya sa mag asawa na may multo sa resort nya. Ang sabi nya lang may nag pakamatay daw na babae naka itim sa resort ni tita.dalaga plang nun si tita at ang mga magulang nya ang nagpapatakbo ng resort nato dati,yun lang ang sinabi nya at mag isa akong pumunta sa room ko habang binubuksan ko yung pintuan may nakita akong naglalakad sa gilid ko naririnig ko ang yapak ng paglalakad nya nilingon ko sya nakasuot syang itim na bestida at maganda sya at maputi..Huminto sya sa kalapit ng room ko...Siguro dun sya sa room na yun...Nahulog nya yung susi nya at ako nah ang kumuha dahil malapit lang sakin.Binigay ko sa kanya at ng maramdaman ko yung kamay nya subrang lamig pero sinawalang bahala ko nalang dahil malamig talaga ang simoy ng hangin ngayon.Di sya nagpasalamat man lang sakin at pumasok na sa room nya.Pumasok narin ako sa room ko at napagpasyahan ng matulog.

12 am nagising ako para kasing may sumisigaw ng tulong dun sa kabilang kwarto natakot ako baka kasing may magnanakaw na pumasok dito sa resort, tumayo ako at kumuha ako ng dos por dos para pang dipensya sa magnanakaw..dahan dahan akong pumasok sa kabilang room Naririnig ko ang babae na umiiyak at humihingi ng tulong don nang gagaling sa kwarto nung babae yung ingay..at nung buksan ko yung pinto..Babaeng nakatalikod sakin na naka itim na dress lang ang nakita koh.. "OK ka lang bah?Bakit Sumigaw ka nang Tulong kanina?" Sabi ko sa kanya habang sya ay naka talikod parin..Nagtaka naman ako kaya lumapit ako sa kanya.. "Miss??OK ka lang bah?"pag ulit ko nang sabi sa kanya..unti unti siyang humarap at nasindak ako sa nakita koh..wala sya mga mata at ang buong mukha nya ay agnas at inu-uod nah..Nang gumalaw na sya at unti unting lumalapit sakin ay mabilis akong lumabas ng kwarto pero nung makakalabas na sana ako ay bigla nalang sumirado ang pinto .Pilit ko itong binubuksan kaso ayaw nya talaga kaya naghanap nalang ako nang mapagtataguan..Nag tago ako sa ilalim nang lamesa..lumabas na sya nang kwarto at naglalakad sa direction Kong San ako tumakbo kanina..tinakpan ko yung bibig ko para di ako mapa hagulgul sa iyak..Huminto sya sa tapat nang mismong lamesang
pinag-tataguan koh.Nagdasal ako ng Ama namin at pagkatapos koh mag dasal ay di ko na nakita ang paa o prisensya nya..lumabas ako sa pinagtataguan ko at may bigla akong naramdaman na prisensya sa likod koh..nararamdaman ko sya at bumibilis na ang tibok nang puso koh at pinag papawisan na ako sa kaba at takot..pumikit ako at nang dumilat ako ay mag ka Face to face na kaming dalawa at hinawakan nya ang mukha koh..at may bigla syang sinabi pero di ko na narinig dahil bigla nalang akong bumagsak sa sahig..at nang dilim na ang paligid.

Nagising ako at nakita ko sina Mama at papa sa tabi ko at hawak ang kamay koh.."Bakit Ako nandito sa Hospital Mama?"tanong koh.."Anak..kaya ka nandito dahil na Comatose ka mga 1 year nah at salamat sa diyos na nagising ka Anak"sabi ni Mama."Panong Nanyari na na comatose ako eh..Nasa resort ako ni Tita Elaine? "Tanong koh..Nakita ko nah Nagulat si Mama At papa sa sinabi koh," Anak,2 yrs nang patay ang Tita Elaine mo diba nga Nag pakamatay sya dahil sa lintik na lalaking nangloko sa kanya!.Alam Kong Close kayong dalawa ng tita Elaine mo...Nang nabubuhay pa sya pero sana mag Move on na tayo sa kanya anak."Nagulat at di ako makapaniwala sa sinabi ni Mama..Napaiyak nalang ako at niyakap ko si Mama..Na realize koh na, ako nalang pla ang di maka move-on sa pagkamatay ni Tita ..at kaya pla ako na hospital ay nabunggo pla ako ng kotse at na Comatose.. Panaginip lang pla ang nanyari sakin sa RESORT NI TITA..










A\N:Sana maintindihan nyo ang story ni Nicole..Thx pla sa mga nag share nang horror experience nila sakin..and thx sa nagbabasa nito..pls vote and comments paki share narin guys!
Thx a lot sa inyong lahat..😊😘

Scary Stories 5Where stories live. Discover now