The Nuptial

7 0 0
                                    

Dedicated to: Gastrea Wrippens & Wridden Alcomendras

"Nuptial"

@𝑠𝑡𝑜𝑟𝑚

Palihim akong pumasok ng aking kwarto habang humahagikgik. Tawa ako ng tawa sa aking nagawa,

"Patay ka sa akin ngayon wridden, crush kita tas di mo ako i-cucrush back? Beri wrong!" ani ko sa sarili na parang may kinakausap.

Wridden's POV

"Fuck you Gastreaaaaa!!!!" sigaw ko sa veranda namin, tangna wala na akong pakialam sa makakarinig.

Tinawagan ko sya at galit na galit na suminghal. "Why did you do that you little brat!"

"May atraso ka kase." kinilabutan ako sa lamig ng boses nya. D-Damn weird feeling.

*Iling-Iling* erase that fucking idea of yours wridden.

"Woi. Kanina pa kita kinakausap Wridden." nagulat naman ako na hindi ko pa pala naibababa ang telepono.

Shit. Dapat naiinis ako ngayon dito eh!

"Bakit ka nagpakalat ng invitations ha? Alam mo bang si mommy at daddy tuwang-tuwa pati tropa ko putcha sayo sumuporta! Nakakainis ka na bwi—"

"Wether you like it or not, papakasalan moko Mr. Alcomendras and i'm gonna be your beloved wife." alam kong ngumigisi sya! At para ipaalam ko sa inyo? Wala akong ibang alam kundi malagot sya sa pinag gagagawa nya.

"Itigil mo yon at sabihin mong prank lang! Tsk kala mo mafafall ako sayong babae ka? Kakawattpad mo yan timang!" and I clicked the end button.

"Putcha." napasapo nalang ako sa noo ko bago nagbihis at umalis.

Gastrea's POV

"HAHAHAHAHA!" Malakas na napahagalpak ako sa lamesa at hawak hawak ang aking tyan. Finally ikakasal na sya sa akin next week!

Unknown number calling...

Accept|Decline

"H-Hello?" para akong binuhusan ng malamig na tubig sa tawag na ito. Shit, kinilabutan ako ah.

"Pumunta ka sa central park ngayon at magbihis ka ng maayos. You have 10 minutes to do that and someone will pick you up. I can see you so do it." ang lamig ng boses nya at tuluyang binaba ang telepono.

Ayoko man gawin pero kailangan.

Dali-dali akong nagbihis at inabangan ang magsusundo sa akin.

~At the park

"Miss, libreng rose for a girl like you." abot sa akin nung lalaking dumaan.

Bakit diko nakita ang mukha nya.

Nakita ko ang maliit na papel na
nakadikit sa tankay nito.

'Will'

"4 roses for it is lovely as you madamé." tulad nung nauna ay umalis sya at di ko namukhaan.

'you let me be'

4 roses and syllables? Cool. Pero baka naman di akin toh hahaha.

"3 roses, I love you."  shet love daw ako ni kuya sabay takbo. Tengene me kay wridden lang eke~

'your husband?'

tengene 3 syllab—wait ha?

"143!?" nagulat ako, dahil alam ko ang ibigsabihin nun.

"Yes wife, I love you." lumingon ako at nakitang bihis na bihis si wridden.

Shet lamunin ako ng lupa ngayon naaaaa!

"A-Ano ginagawa mo dito? Bakit bihis na bihis ka? Bakit? Siguro sasaktan mo nanaman ako dahil may idadate kang iba! Okay lang may mamahalin nalang akong iba! Wala nang kasalan. Buti pa yung nagbigay nitong rosas mahal ako! Letse, di na matutu—"

"Matutuloy ang kasal, and you can't do anything about it Mrs. Gastrea Wrippens-Alcomendras." shet umiigting ang panga amputcha!

"Sinet-up ko ito para ako ang magaaya sayong magpakasal."

"Whaaaaat!?" gulat na tanong ko.

"Yes wife, kala mo hindi kita gusto? Na huhulog na ako, sinubukan kong pigilan, pero wala eh." ngumisi sya at hinolding hands ang kamay namin.

Hinalikan nya ako sa noo at pinasakay sa puting kotseng dala nya.

"We're going to have the wedding today."

Sheeeeet! Kainin na talaga ako ng lupa!

Short Stories for My StormiesWhere stories live. Discover now