KUNG IKAKAMATAY KO

3 0 0
                                    

KUNG IKAKAMATAY KO

Ako si Ina, sabi nga nila'y may angking kagandahan ang aking pagkatao. 

Isang dilag na desente, maipagmamalaki.

Sya naman si Tekno, isang matikas na lalaki. Aking mangingibig, na hindi nagsawang alayan ako ng ekstra-ordinaryong mga bagay.

May 'Telepono'
'Kompyuter'
At mga 'Bulaklak na plastik'

Iilan lang yan, ngunit hangang-hanga ako.

Sa sobrang kahangaan ko'y pinasok ko ang kanyang mundo,

Magulo, marumi, nakakasulasok.

Nakakamatay, masama para sa akin.

Ngunit sa kabila ng kanyang pagkatao'y nanatili ako.

Tanggap ko sya, tinanggap ko kahit na kapalit nito'y kamatayan ko. Minamahal ko sya, kahit pa minsa'y nasasaktan ako.

Di nagtagal ay naging kami, ngunit loob ng relasyong meron kami, ay nararamdaman ko na ang aking nalalapit na kamatayan.

Kanyang titig sa purong itim na mata, ay nilalabanan ng berde kong mga lense. Nagtititigan, nagpapalagayan at nagmamahalan naghapon, magdamag, hangga't makakaya pa.

Tinangka nyang tumapak sa mundo ko. Sya'y pinagbabantaan na ito'y banal para lamang sa aking tapat na nilalang.

Natatandaan ko pa noong makatapak sya sa isang hardin na aking pagmamayari. Kanyang itim ay nagbadyang kumalat hanggang sa mga ugat ng tanim, namatay.

"t-tekno, pangalagaan mo ang mga anak natin. alagaan mo sana ang mga tao." di sya nakasagot at nanatiling nakatitig sa mga mata kong malapit nang bumigay.

'Mahal kita tekno, mahal na mahal.'

'Mas mahal kita Ina, pero sadyang bawal tayo sa isa't isa' kanyang mapupungay na mata ang sumalubong sa aking paningin.

"Tekno, mahal ko. Mamatay na ako." naglandasan ang kanyang mga luha, at dumistansya sa akin.

"Hindi pwede, m-mahal! Patawad dahil kasalanan ko ito! Dyos ko! Anong nagawa ko?" pasigaw habang lumuluhang ani nya.

Nilapit ko ang mundo ko, sa mundo nya.

"Ikaw na ang maghahari sa henerasyong susunod sa atin, tuluyan na akong mawawala, unti-unti na akong kakalimutan ng lahat." huling litanya ni Ina, at sa pagbagsak nya'y umagos ang libo-libong tubig dagat na nagsilbing luha nya.

Mga Bulkan na nagsi sabog sa galit at pait, mga halamang namatay sa sakit, at ang mga punong dati'y kapayapaan ang hatid.

Tuluyan na syang nawala, at dun nagsimulang ayusin ni tekno, gamit ang kanyang teknolohiyang taglay, masaya ngunit wala na ang kapantayan ng kalikasan at teknolohiya, dahil wala na si ina, wala na ang kalikasang minahal nya.

Short Stories for My StormiesWhere stories live. Discover now