Kieshna's PoV
Naalimpungatan ako dahil sa biglaang preno ng sasakyan.
Hindi ba sya marunong magmaneho?
Ano lang alam nya gawin?
Abuso?
Napangisi na lang ako dahil sa nasabi ko sa sarili ko saka dahan dahang iminulat ko ang mga mata ko.
Agad na tumutok ang mata ko sa nanay ko.
She's looking fine, as always.
Hindi na ako nagabalang tumingin sa tatay ko dahil alam ko namang mukha parin syang demonyo.
Inilibot ko ang mata ko sa paligid at napagtantong nandirito na kami.
What the hell?
Eh bakit nya binigla ang preno?
Nananadya ba sya or talagang bobo lang?
Napairap na lang ako sa hangin at tumayo na.
Bumaba muna ako kasama ng bag ko na napakabigat. Saka ko isinunod ang aking bike.
Isinandal ko ang bike sa gilid ng "bagong bahay" namin.
Tinulungan ko na sila na magbuhat ng mga gamit namin.
Amoy bagong varnish lang yung bahay. Gaya ng mga bahay na nalipatan ko na. Maayos naman tignan ang bahay pero parang masyadong maliit para sa isang pamilya.
Tinulungan ko silang magbuhat ng mga gamit para ipasok sa loob ng Bahay.
Pagkatapos naming maipasok lahat ng gamit sa loob ng bahay ay umupo ako sa isa sa mga box na lalagyan lang naman ng mga unan at mga damit.
"Bakit pa ba natin kailangan lumipat ng bahay?" Hindi ko na mapigilang tanungin sa kanila.
"Ikaw lang ang lilipat." Saad ni Mama pagkausog nya ng isa sa mga kahon.
"Ano?" Nagtataka kong tanong.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or hindi. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil malalayo na ako sa kanila at sa kademonyohan ng asawa nya. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko.
Ibig sabihin ba ay dun parin sila titira sa dati naming na bahay?
"Dito ka na titira. Pupunta kami ng tatay mo sa Hong Kong." Sabi ni Mama saka punas ng pawis na nagbabadyang tumulo mula sa noo nya.
"Ano?! Saan kayo kumuha ng pera?" Hindi ko na mapigilang magtaas ng tingin at ng boses.
"Ibinenta namin ang bahay na yon pati ang lupa kaya kami pupunta sa Hong Kong para magsimula ng bagong buhay doon." Pagpapaliwanag nya.
At hindi ako kasama sa bagong buhay ni Mama?
Bakit ganon? Kahit na anong paliwanag nya hindi ako maliwanagan?
Wanna know what's the worst?
Tatakasan ng ng hinayupak na tatay ko yung kababuyan nya.
At wala akong magagawa don.
"Iiwan mo ako dito?"
"Wag ka ngang maginarte. Oo maiiwan ka dito dahil nagaaral ka pa." Sagot ni Mama.
Naglipat lipat ang tingin ko kay Mama at sa asawa nya.
Pilit kong pinipigilan ang nagbabadya ng tumulong luha mula sa mata ko.
Tinignan ko si Mama sa huling pagkakataon saka kinuha ang wallet ko at lumabas ng bahay.
"Keishna!" Rinig ko pang tawag saakin ni Mama pero patuloy lang ako sa paglakad papunta sa bike ko saka sumakay rito.
BINABASA MO ANG
Would You?
RomanceIf she is in a very miserable state of living, Would you give her a hand? Would you save her? Would you be there for her?