Its been a month.
No contact with Kairo.
Personally.
Ngayon ang flight paalis ng mga magulang ko. At excited akong umalis sila.
They started packing their things at babyahe na sila.
"Wag mo kakalimutang i-lock ang mga pinto pagaalis at paguuwi. Mag-aral ng mabuti." Maiksing habilin nya na bagong bago sakin.
Tumango lang ako saka sila sinamahan papalabas. Hindi ko pinapansin ang presensya ng asawa nya na nasa tabi nya.
Humarap ulit si Mama sakin at ngumiti sa mantalang nananatili ang walang ekspresyong mukha ko. Ginulo nya ang buhok ko bago sumakay sa sasakyan ng asawa nya at nagdrive papaalis.
Nanatili akong nakatayo sa bakuran namin at pumikit. Inaantay kong maramdaman ang paninikip ng dibdib ko at ang paginit ng magkabilang dulo ng mga mata ko.
I waited.
But there was nothing. Not even a single drop of tear.
I opened my eyes once again.
BAKIT HINDI AKO UMIYAK?
I chuckled and shrugged my shoulders. Pumasok na lang ulit ako sa bahay at saka napahawak sa bewang.
I should fix this mess.
Tumuwad ako para itali ang buhok ko saka nagsimulang iusog usog ang mga funitures.
*
*
*
"Aack! Hindi ko na kaya." Sambit ko saka bumagsak sa sahig pawis na pawis at puro alikabok ang katawan.Habol habol ko ang sariling hininga. Inilibot ko ang tingin sa buong bahay.
Napakakalat. Sobrang makalat.
How to rewind time?
Tinignan ko ang wall clock at nakitang halos isa't kalahating oras na akong naguusog usog ng mga kung ano ano dito.
Nakatulala't nagiisip pa ako kung paano gumawa ng time machine ng biglang magbeep ang cellphone ko.
Hindi ko na lang iyon pinansin saka tumayo at nagsimulang magwalis ulit.
Nagwalis ulit.
Nagusog ng sofa.
Naglampaso.
Bumagsak ulit sa sahig.
"Ayoko na talaga." Napagdesisyonan kong magcellphone na lang at mahiga sa sofa na inusog ko at humarang na sa pinto ng kusina.
Inabot ko ang cellphone ko saka nahiga sa sofa na nakaharang sa pinto ng kusina. Pagkabukas ko ng cellphone ko ay agad na bunulaga sakin ang isang message.
"Aack!" Nasambit ko ng malaglag sa mukha ko ang cellphone.
Kinuha ko ang cellphone ko ag tinignan ulit ang screen para siguraduhing hindi ako namamalikmata.
Kairo 45 min ago
I'll be there in an hour. See ya."Ow shit."

BINABASA MO ANG
Would You?
RomanceIf she is in a very miserable state of living, Would you give her a hand? Would you save her? Would you be there for her?