Kieshna's PoV
Wala kang choice Kieshna. Wala kang choice. Lamunin mo yang pride mo.
Nagsisimula ng umagos ang luha mula sa mata ko.
Itinigil nya ang motor sa harap mismo ng bahay namin.
Kumalabog naman ang pinto ng kwarto ko at alam kong ano mang oras ay mabubuksan nya na iyon.
"Kairo." Tawag ko sa pangalan nya pero hindi nya ako naririnig.
"Kairo! Shit ka." Napamura na ako pero hindi nya parin ako naririnig.
"Kairo!" Tinapik tapik ko na rin ang salamin para mapukaw ang atensyon nya.
Tumingin sya sa direksyon ko at parang nalilito.
Ikinaway ko ang kamay ko sa paraang pinapalapit sya.
Lumapit naman sya. Nagsimula akong lumabas sa kwarto ko na dumadaan lang sa bintana.
"Anong ginagawa mo?" Pabulong nyang tanong sa akin mula sa baba.
"Saluhin mo ako please." Pagmamakaawa ko sa kanya at patuloy parin ang pagiyak.
Pumuwesto na naman sya para saluhin ako.
Tumalon ako pababa at agad nya rin akong nasalo.
Wala pa akong kahit na anong suot sa paa ko pero wala akong paki.
Narinig kong nasira na ng tuluyan ang pinto sa kwarto ko.
Hinila ko kaagad si Kairo papunta sa motor nya.
"Bilisan mo please." Sumakay na sya sa motor at ganun din ako saka nya iyon pinaharurot papalayo sa bahay.
Mahigpit akong napayakap kay Kairo dahil sa bilis ng motor nya. Walang tigil ang pag-agos ng mga luha ko.
Itinigil nya saglit ang motor saka bumaba. Wala syang sinasabi kahit isang salita saka pumunta sa likod ko kung nasaan ang compartment.
May kinuha syang parang wallet. Saka binulsa iyon. Sumakay sya uli. "Kumapit ka ng maigi baka mahulog ka. Hindi kita masasalo." Sabi nya kaya agad akong napayakap sa kanya.
Pinaandar nya uli ang motor at tumigil din sa isang Tire supply and vulcanizing shop.
Bumaba sya saka humarap sakin. "Anong paborito mong kulay?" Tanong nya sakin.
Weird.
"Black." Maikli kong sagot sa kanya.
Kinausap nya yung isang lalaki saka nagturo ng dalawang helmet.
Bibilhan nya ba ako?
"Kairo." Tawag ko sa kanya pero hindi nya ako nilingon.
Ng maibigay sa kanya ang dalawang helmet ay iniharap nya sakin iyon.
"Pumili ka sa dalawa." Sabi nya.
"Pareho naman para sa ulo yan eh."
"Pumili ka lang kung alin dyan yung gusto mong black."
"Pareho naman black yan eh."
"Pipili ka o hindi?"
"Eto na lang." Sabi ko saka hila sya kanya ng helmet na pinili ko pero hindi nya iyon binitawan.
"Hindi ka marunong." Sabi nya saka suot ng helmet nya.
"Isuot mo yan tapos ako ang magaadjust."
BINABASA MO ANG
Would You?
RomanceIf she is in a very miserable state of living, Would you give her a hand? Would you save her? Would you be there for her?