Kieshna's PoV
Iminulat ko ang mga mata ko kasabay ng pagkirot ng ulo ko at pagikot ng paningin ko.
Vanilla.
It smells like vanilla.
"Wakey wakey." Rinig kong tinig ng isang lalaki na kaagad na nakapagpatayo sakin.
Tarantang inilibot ko ang mata ko hawak hawak ang kumot.
Wala akong ibang nakita kundi isang lalaki, nakahiga sa isang couch at nakapatong ang ulo sa kanyang mga kamay.
"Hey. You ok?" Sya uli ang nagsalita.
"WHERE. THE. HELL. AM. I?" May diin na tanong ko at pilit na kinakalma ang sarili ko.
"Hey relax. Dinala kita dito sa hotel kagabi." Napanting ang tainga ko dahil sa sinabi nya.
Nanlilisik ang mga mata kong tumingin sa kanya. "Anong sinabi mo?"
Parang nawala yung sakit ng ulo ko sa sobrang galit at inis nanararamdaman ko.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama saka lumapit sa kanya.
Tumayo sya mula sa pagkakahiga at hinarap ako.
"How dare you?" Saad ko saka hinampas hampas ang dibdib nya. "Anong ginawa mo sakin?! Pinagsamantalahan mo ang kahinaan ko!" Ulit ulit kong sinasabi at patuloy paring hinahampas ang dibdib nya habang pinipilit nya iyong salagin.
"A-aray! Ouch. Masaket!" Sigaw nya.
Tuluyan nya ng nahawakan ang mga kamay ko.
"Anong bang sinasabi mo? Ha?!" Naiinis na sabi nya habang hawak parin ang kamay ko.
"Bakit mo ako dinala dito?! Ha?! Ni hindi nga kita kilala tapos tatanungin mo ako kung ano ang sinasabi ko?! Siraulo ka ba?! Bitawan mo nga ako!"
"Kumalma ka ok. Wala akong ginawa sayo." Sahi nya saka bitaw ng kamay ko.
"Paano mo naman mapapatunayan ha?"
"Una sa lahat walang nabago sa damit mo kagabi."
Bahagya akong napatingin sa damit ko at wala ngang nabago rito.
"Pangalawa, talagang dadalhin kita dito dahil hindi ko naman alam ang bahay ninyo. Hindi rin naman kita pwedeng isakay sa motor ko at wala kang malay." Sabi nya na parang batang nagdadahilan dahil pinagalitan kase lumalabas ng bahay.
May point sya.
Pero kahit na.
"As a matter of fact, you are supposed to thank me." Sabi nya saka cross arms.
"Thank your face. Im leavi--"
"Alam mo saan ang daan?" Tanong nya sa akin at hindi na ako pinatapos magsalita.
Napahinto ako saka napayuko.
Damn the manipulation.
"Hindi." Mahina kong sabi.
"Kung ganon. Ihahatid na lang kita." Suwestyon nya.
"Hindi pwede."Tanggi ko.
"At bakit?" Sabi nya habang kumukuha ng tuwalya.
"Dahil hindi pwede." Sabi ko.
"Ano gagawin ko sayo? Sa bar ka titira?"
"Sa bar." Parang may kuminang na bumbilya sa taas ng ulo ko. "Sasabay ako sayo papunta sa bar. Tapos uuwi na ako."
BINABASA MO ANG
Would You?
RomanceIf she is in a very miserable state of living, Would you give her a hand? Would you save her? Would you be there for her?