Chapter 8: Loud and Clear

6 5 0
                                    

Kieshna's PoV

Pauwi na ako at nakaangaks sa motor ni Kairo. Hanggang ngayon ay nahihiya parin ako sa Lola nya.

*~~•~~*

"Lola wala lang po talaga yon. Naghaharutan lang kami." Paliwanag ko sa matanda.

Binigyan nya lang ako ng nakakalokong ngiti at parang nanunukso pa.

Lokong matanda toh ah may asim pa.

Natawa pa ako sa sinabi ko sa sinabi ko sa sarili ko.

"Lola wala lang po talaga yon Lola napakaharot naman po kase nyang apo ninyo." Pagpipilit ko.

"Ah basta hija kailangan ko ng apo sa tuhod." Sabi nya na nakapagpalaki ng mga mata ko.

Ikaw tutuhurin ko dyan. Charot.

"Lola naman eh."

*~~•~~*

Nanlalamig na yung kamay ko dahil sa kaba at hiya. Hindi rin nakakatulong itong pananahinik ni Kairo.

Tinanggal ko ang pagkakayakap ng isang braso ko sa bewang ni Kairo habang mas lalo ko namang hinigpitan ang pagkakayakap ng isa kong braso. Saka ko hinampas ang helmet nya pero hindi sya kumibo.

"Kairo." Tawag ko sa kanya. Pero hindi parin sya kumikibo.

"Kairo." Mas malakas na tawag ko sa kanya pero gaya ng nauna, wala parin syang kibo.

Demonyo mode: ON

"BAAAABE!" Pasigaw ko na sigaw.

Bigla naman nyang iniliko ang motor at huminto.

Tinanggal nya ang helmet nya saka tumingin sakin.

"Bakit?" Parang naaasar nyang tanong.

"Kiss mo ko." Ngumuso pa ako sa kanya.

"Tigilan mo nga ako." Sabi nya saka tumingin na ulit sa daan at tila paaandarin na ulit ang motor.

"Kairo." Ginawa kong seryoso ang mukha ko at ang boses ko.

Lumingon na sya ulit sakin. Nakita nyang seryoso ako kaya tumingin rin sya sakin ng seryoso.

"Crush kita. Ihihihihi." Sinabi ko saka tumawa ng nakakaloko.

"Hay nako Kieshna tigilan mo ako. Napatagal pa tuloy tayo. Tsk tsk tsk." Sinabi nya saka pailing iling pa.

"Crush nga kita eh. Kulit mo naman." Sabi ko na tumatawa parin.

Pinaandar nya na ulit yung motor.

Ng mas mabilis kaysa kanina.

Huh. Kilig na kilig ka ah. Papakiligin pa kita bwiset ka.

"Kairo. Baby. I love you." Saka ako tumawa ng pagkalakas lakas. Mas lalo namang bumilis ang motor kaya humigpit ang yakap ko sa kanya.

Shet. Pati ako kinikilig eh. Kasi naman ih.

Tumatawa parin ako ng may sabihin syang kung ano pero hindi ko naman marinig.

Maya maya lang ay itinigil nya ang motor sa tapat ng bahay namin. Bumalik yung kaba ko pero kahit na ganon ay isinuot ko ulit ang poker face ko.

Humarap ako kay Kairo para magpasalamat pero pinaharurot nya na ang motor papalayo.

Nagkibit balikat na lang ako saka humarap sa bahay namin.

Naglakad na ako patungo sa pinto pero hindi ko pa nahahawakan ang doorknob ay bumukas na ito.

Oh no Kieshna. You're so damn fucked up.

"Saan ka nanggaling kagabi?" Taas kilay na tanong ni Mama.

"Bakit hindi mo itanong sa magaling mong asawa?" Pasimula ko ng away naming mag-ina.

"Umalis ka ng walang paalam tapos sasabihin mo na itanong ko sa tatay mo? Lumalaki kang paurong. Kung kailan ka tumatanda saka ka nagiging parang bata na kailangan pang bantayan." Simula ng sermon nya.

Umiinit ang ulo ko na tila ba lahat ng dugo ko sa katawan ay duon pumupunta.

"Kung nandito ka kagabi, edi sana alam mo kung anong nangyayari dito." Pinipilit kong kalmahin ang sarili ko habang naglalakad papasok sa loob ng bahay para lang masalubong ang nakakalokong ngiti ng tatay ko.

"Kieshna wag na wag mo akong binabastos. Hindi kita pinalaking ganyan." Dagdag nya sa mga sinabi nya.

"Kailan mo ba ako pianlaki Ma?!" Humarap ako sa kanya. "Kailan ka ba nandito para palakihin ako?! Wala ka naman sa tabi ko ah! Kaya wag mong sasabihin na hindi mo ako pinalaki ng ganito dahil kahit kailan hindi mo ako pinalaki. Wala kang kwe--" Hindi ko pa natatapos ang mga sasabihin ko ay sampal nya na kaagad ang naramdaman ko.

Dahil sa lakas ng sampal nya ay napalingon ako sa kanan at iniinda pa ang sampal. Lumingon ako sa kanya ngunit hindi ko hinahayaang makita nyang umiiyak ako.

"Wag mong isisisi sakin ang mga pagkukulang mo." Saad ko saka naman padabog na umakyat sa kwarto ko.

Naririnig ko mula dito sa kwarto ko ang pagaaway nung magasawa na yun sa baba.

Namamanhid ang pisngi ko dahil sa sampal pero parang wala na lang yon.

Sa akin pa isisisi mga pagkukulang nya. Tangina rin ng asawa nya hayop sya. Tuwang tuwa pang nagaaway kaming mag-ina.

Sa gitna ng pagiisip ko ay bigla na lamang tumunog ang cellphone ko. Nakarecieve ako ng text.

Mula kay Kairo.

"I love you too baby." Basa ko ng text nya kaya naman napakunot ang noo ko.

Siraulo talaga.

Napangiti naman ako na parang tanga dahil sa reply nya. Hindi ko ako nagreply sa kanya.

Huh. Ano sya? Baliw? Hindi ako maghahabol sa kanya. Isa syang stupid muther fudge.

Natawa na lang ako sa utak ko na para bang walang nangyaring drama kanina.

Iba talaga kapag Kieshna.

Ginawa ko na lang ang mga ritual ko bago matulog saka nagpalit ng damit. Saka ako humiga sa kama at ipinikit ang mga mata ko.

Nagisip isip ng mga bagay bagay gaya ng mga kademonyohan ko.

Isa na rin siguro yung "Bakit hindi ako umiyak?".

I was supposed to cry. Alam kong mahina ako. Emotionally. Pero bakit hindi ako umiyak kanina?

Huh. Ganon ba ako kapagod? Pagod na pagod na ba ako ng ganito? Hahaha. Nakakasawa rin umiyak Sa totoo lang.

Nagisip isip pa ako ng iba pang bagay pero dahil nga siguro sa pagod at puyat ay nakatulog na rin ako.

[A/N]
UNEDITED.
919 words.

Sorry if its rushed hehe.

YK💜

Would You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon