Chapter 4: Second and The Last

8 8 0
                                    

Kieshna's Pov

Kanina pa nakauwi sila Mama.

Kanina pa ako dito sa sahig ng kwarto ko

Hindi ko parin naaayos ang kawawang kamang natadyakan ko.

"Kieshna hindi ka pa ba lalabas dyan? Buong araw ka ng nakakulong dyan." Rinig kong tawag ni Mama mula sa labas.

Napairap ako dahil sa frustration at saka sumagot. "Ok lang ako Ma!" Sagot ko sa kanya.

Tumayo na ako saka inayos uli ang puwesto ng higaan ko.

Kanina pa ako nakapagayos ng mukha at natanggal ko na lahat ng koloreteng nakadikit sa mukha ko simula kagabi pero hindi parin ako komportable.

Nahiga na lang uli ako sa higaan ko at ipinikit ang mga mata ko at sinubukang matulog.

Pagkatapos ng lahat ng nangyari sakin, hindi ko na hinangad na maidilat pa uli ang mga mata ko mula sa pagkakatulog.

Death is never better.

But dying in the place of someone you love seems like a good way to go.

Love

Probably the worst thing you can trust is love.

Love is full of pain and sacrifices.

Love is nothing but a massive pain ready to break your heart anytime.

Ni-hindi ko nga alam kung nage-exist ba yang love na yan.

How can i know?

I groaned and covered my face with a pillow.

Bakit ba hindi na lang ako mamatay?

If my life will be this miserable, i'd rather die.

*
*
*
Kairo's PoV

Hindi ako naniniwala sa love at first sight. Pero bat ganon?

Yep she's beautiful. As in BEAUTIFUL. But her attitude sucks.

I mean sa first impression fail na agad sya.

Pinagkamalan pa akong rapist. Sa gwapo kong toh? Rapist? Huh. Mga babae na ang nagkakandarapa sakin.

"Hoy. Wag ka ngumiti para kang abnormal." Sabi ng isa kong katrabaho.

"Dre. Kahit hindi ka ngumiti mukha ka talagang abnormal. Inborn ba yan dude?" Pagbawi ko sa sinabi nya sakin.

Nagtawanan naman kaming mga kasama ko rito. Break namin ngayon at walang humpay ang pagiisip ko sa babae na yon.

She's so damn beautiful, and sexy i should say.

May boyfriend kaya yon?

Siguro meron.

Imposibleng wala.

"Kai!" Rinig kong sigaw ng isa sa katrabaho ko na galing sa room ng mga manager.

"Oh?" Tumayo ako mula sa pagkakaupo.

"Maaga daw out mo ngayon kase tatlong araw kang overtime." Napakagandang balita nya.

Tangina YES!

Would You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon