Chapter 6: Overnight

5 7 0
                                    

Kieshna's PoV

Hindi na ako pamilyar sa lugar na dinadaanan namin dahil nga sa bago lang ako sa lugar na ito at hindi pa ako nakakapunta rito.

Bumabagal na ang takbo ng motor ni Kairo kaya baka malapit na kami kung saan nya man ako dadalhin.

It's kinda weird na nagaaway kami everytime na magkikita kami.

Well yeah, ako lang naman nangaaway saming dalawa. Kaya nakakahiya na sya pa mismo yung nandito kapag kailangan ko ng karamay.

Anmng weird lang kase nung nakaraang araw nagkaaway kami pati kanina tapos biglang kasama ko sya hinahayaan ko syang dalhin ako kung saan kahit hindi ko naman talaga alam kung sino sya.

To be honest, he's a conplete stranger. Alam ko lang ang first name nya at ang trabaho nya and that's it. Same with me. We're both strangers. Pero hinahayaan naming makasama yung isa't isa and i find it weird. Hindi ko alam kung ako lang ba nagiisip ng ganito dahil introvert ako or what.

"We're here!" Masiglang sabi ni Kairo. Bumaba naman kami pareho at tinanggal nya ang helmet ko.

Tumingin ako sa paligid. May mga bahay pero hindi ganoon karami dun banda sa bahay namin.

Ito na ba yun?

Hinila na ako ni Kairo papunta sa isang bahay. Dirty White ang color at hindi masyadong malaking bahay. Para sa tatlong tao kasya na ito.

May kinuha sya sa bulsa nya at base sa tunog na ginagawa nun ay malamang susi iyon.

"La? Nakauwi na po ako." Pagbati ni Kairo pagkabukas nya ng pinto.

Sa loob ng bahay ay maayos naman maliban sa isang espasyo na may sewing machine at nakakalat na mga tela.

Bigla namang may lumabas na dalawang babae sa isang kwarto. Isang batang babae at isang matandang babae.

"Kairo hijo. Nandito ka na pala." Lumapit sya saamin at agad naman kinuha ni Kairo ang kamay ng matandang babae para magmano.

Tinignan naman ako ng matanda at ngumiti ng nakakaloko.

"Magandang gabi po." Bati ko saka inabot ang kamay nya para magmano.

"Kairo hindi mo naman sinabi na may gelpren ka na pala at kay ganda ganda pa ah." Sinabi ng matanda.

"La. Hindi ko pa po sya girlfriend." Depensa naman ni Kairo kaya napatango tango ako.

"Hindi PA. Ibig sabihin may chance?" Sabat sa usapan ng batang babae parang mga 7-8 years old.

Nagkibit balikat lang si Kairo at ngumiti rin ng nakakaloko.

"Titignan natin." Sabi nya saka tingin sakin. Hinampas ko naman ng mahina ang braso nya kaya natawa sila pareho ng matanda.

Inaya nya kaming maupo muna sa isang sofa.

"La. Si Keishna po. Girl na friend ko po." Di ko maiwasang mapahawak sa noo at mapayuko sa sinasabi nito.

"Keishna, Lola ko nga pala then ayang bata na yan makulit yan. Chesca pangalan nyan." Pagpapakilala sakin ni Kairo.

"Good Evening po ulit. Hello Chesca." Pareho silang ngumiti sakin ng matamis.

"Maganda na magalang pa aba. Kairo wag mo ng papakawalan iyan." Biro ng matanda.

"Sino ba nagsabing papakawalan ko toh La?" Patol naman ni Kairo.

Nararamdaman kong sobrang umiinit na ang pisngi ko sa hiya.

Kahihiyan lang.

Kahihiyan.

Would You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon