"Where should we start?" I asked him.
Nagkibit balikat lang sya at tumingin sa ice cream na dala ko galing sa freezer.
"Hoy sagot."
Tumingin sya sakin at may nakakalokong ngiti. Kinabahan naman akonsa ngiting iyon dahil baka kalokohan na naman.
"Truth or Dare." Suggest nya at agad akong napatayo.
"Umuwi ka na. There's no way on--"
"Easy. Truth or Dare lang eh. OA mo naman." Natatawang sabi nya.
Umupo ulit ako sa harap nya at tinignan sya ng masama.
"Kairo umayos ka. Kapag may kalokohan ka na namang gagawin i swear sisipain kita palabas ng bahay KO." Inemphasize ko yung word na 'Ko' dahilan para manlaki ang mga mata nya at tila kunwaring natatakot.
"Opo madam." Saad nya saka kinuha ang phone nya.
May kung ano ano syang pinindot sa phone nya at saka iniharap sakin ang screen. "Your Turn."
"Truth." Confident kong sabi dahil alam ko namang mas okay ng sumagot ng tanong kaysa gumawa ng isang bagay na hindi ko naman alam.
Have you ever tried to take a sexy picture of yourself?
"Never." Sagot ko sa tanong nya saka kuha sa kanya ng phone.
"Truth or Dare?" Tanong ko sa kanya at pinindot nya ang button na dare.
EVERYTHING YOU SAY FOR THE NEXT 5 MINUTES MUST BE SUNG TO THE TUNE OF "HAPPY BIRTHDAY".
Para namang nalugi ang mukha nya dahil sa dare na natapat sa kanya.
Binuksan ko ang isang ice cream saka sinimulang kumain.
"Ang matalo maliligo ng napakalamig na tubig." Suggest ko.
Napabuntong hininga sya saka pumindot uli sa cellphone nya.
"Truth or Dare~~"
Hindi ko napigilang matawa sa sinabi nya at ginwa talagang tono ng Happy Birthday.
"Truth."
How many pancakes have you eaten in a single sitting?
Natawa na naman ako dahil kinanta nya ang question sakin.
"Dalawa." Natatawang sabi ko.
Nagpatuloy lang ang masayang paglalaro namin at malapit narin maubos ang mga pagkain.
Natapos na ang dare ni Kairo pero tawa parin ako ng tawa dahil sa mga tanong at dare na natatanggap nya.
Meron ng kumain ng tissue tapos iluwa den ipunas sa mukha. Meron ng push ups na 25. Tapos yung ilulublob mukha sa tubig ng 30 seconds.
Puro na kami tawanan at asaran for about 30 minutes.
Nothing crazy happened. Nothing naughty.
Nag agree na kaming tapusin ang game at last round na. Truth ang pinili ko.
Have you ever kisse--
Hindi ko pa man natatapos basahin ang question sa aking utak ay pinindot na ni Kairo ang forfeit button at pinindot ang dare na para sa kanya. Hindi na ako nagreklamo sa ginawa nyang pagskip ng question dahil pabor naman sa akin iyon.
"Panalo ka." sabi nya ng hindi na ganon kacheerful.
"Teka teka ano yung dare mo?" taking tanong ko dahil hindi ko manlang sya nakitang gumalaw or gawin yung dare. kahit yung mismong dare hindi ko alam.
"Wag mo na tanungin. Di ko kayang gawin kaya iniskip ko." paliwanag nya saka tumayo na.
Tumayo na rin ako at ngumiti ng nakakasar sa kanya. "Maliligo ka na ng malamig na tubig." sabi ko saka tumawa ng malakas.
"Yeah right." parang bored na sabi nya at umirap pa.
Patalon talon naman akong pumunta sa kusina at kumuha ng mga yelo.
Kairo's PoV
Dare.
Make out with someone in the room.
nope.
Bago pa man makita ni Keishna ang dare sa akin ay iniskip ko na ito.
I need to be sensitive Lalo na't hindi ko alam ang mga pinagdadaanan nitong babaeng toh. And kissing her because of aa dare is a big disrespect.
"Panalo ka." Sinabi ko sa kanya still upset dahil nadaan na naman sa utak ko na hanggang ngayon hindi parin sya comfortable sa akin at hindi manlang makapag open up.
"Teka teka ano yung dare mo?" Sabi nya tila nagtataka.
"Wag mo na tanungin. Di ko kayang gawin kaya iniskip ko." Para naming nakontento sya sa sagot ko at hindi na nagtanong pa. Imbes ay tumayo sya at ngumiti ng nakakaloko.
"Maliligo ka ng malamig na tubig." Sabi nya saka tumawa ng malakas.
"Yeah right." sabi ko saka umirap para lang makumbinsi sya na ako ang talo at sya ang panalo.
Patalon talon syang pumunt sa kusina at iniwan akol rito sa maliit na sala.
Hindi ko iniisip ang pakiramdam ng maligo sa malamig na tubig. Iniisip ko kung bakit ganito ang vibe ng Bahay nya. Kung iisipin at titignan maliit lang talaga ang Bahay. Pero sa pakiramdam parang napakalaki. Ang lungkot ng pakiramdam sa Bahay na toh. Parang walang nakatira.
"Hoy dalian mo na." Tawag sakin ni Kieshna kaya't nabalik ako sa realidad.
"Damit ko." nakasimangot kong sabi. Para lang hindi na matuloy yang malamig na tubig na yan. Para naming nagets nya agad ang sinabi ko.
"Okay sige."
Yes!
"Sa ulo na lang may mga tuwalya naman dun."
No.
Akala ko naman ligtas na ako sa parusa na yan.
Bahagyang napakamot na lang ako sa aking batok.
*
*
*
*
*Napahiyaw ako sa sobrang lamig ng tubig na dumaloy sa buhok at ulo ko habang tawang tawa naman sya na lumalayo sakin.
"Tuwalya!"
"Bahala ka dyan wahahaha."
tumakbo ako papunta sa kanya saka winisikan sya ng tumutulong tubig sa buhok ko.
"Kairo ano ba!"
"tuwalya nga kase Kieshnaaaa!"
"Dun sa Bahay nyo umuwi ka kumuha ka tuwalya." pangaasar nya pa saka tumawa ng malakas.
Wala na ako maisip na gawin kaya pumasok ako sa Bahay nya ng tumutulo ang tubig sa ulo.
"Hoy wag ka magkakalat dyan!"Tumatakbo nya akong sinundan sa loob ng Bahay nya pero di ko sya nilingon.
Ng biglang makakarinig ako ng matining na tili galling sa kanya.
Nilingon ko sya at agad napatawa ng malakas.
"WHAHAHAHA. ILANG ISDAA?!" Tawang tawa kong tanong sa kanya habang nananatili syang nakaupo sa sahig.
"Manahimik ka nga!" Tumayo na sya at patuloy parin ang pagtawa ko.
"Karma is a bitch." sabi ko sa kanya at nilapitan nya naman ako.
Binatukan nya ako at agad naman ako natahimik.
"Titigil na po." Sabi ko pigil ang pagtawa.
[A/N]
Unedited.
996 wordsYK💜
BINABASA MO ANG
Would You?
RomanceIf she is in a very miserable state of living, Would you give her a hand? Would you save her? Would you be there for her?