10

268 8 0
                                    

Christienne's POV

Andito ako sa corridor hinihintay ko mga kaibigan ko late nanaman siguro yung mga yon.

"bagal ng mga ugok na yun" sabi ni Lianne. Actually kami ni Lianne pinakamaagang pumapasok, pinakalate naman si Angela.

Habang hinihintay namin sila nakita namen si Junho, papasok ng room.

"junho!" tawag ko sakanya, lumingon naman siya.

"oh?" sabi niya.

"sunget mo naman kaaga aga eh, mamaya ah sa library wag kang malate" sabi ko.

"ok" sabi niya sabay pasok na sa room.

Inirapan ko nalang siya sabay lapit kay Lianne nakita ko namang natatawa siya.

"masunget yung si junho noh hahaha" sabi ni Lianne.

"di rin siguro, sadyang tahimik lang" sabi ko.

"sayang pogi pa naman" sabi niya.

"baliw, uy teka sila Mika na yun oh, Mika!" tawag ko sakanila.

"oh kanina pa kayo?" tanong ni Thea samen.

"di pa naman, tara pasok na tayo gagi magbebell na" sabi ni Eya.

"kaya nga wala naman tayong mahihintay, nasa singapore yung laging late satin" sabi ni Andrea.

Kaya pumasok na kami sa room, nakita ko si Junho nagbabasa lang, yun tahimik nanaman.

Napagisipan namin na uwian nalang ako mag tutor sakanya para makapaglunch ako at siya.

At ayun pagtapos naming pagusapan yun bumalik na siya sa pakikinig.

Boring nanaman buong klase ko neto.

~~

Busy sa pakikinig kay sir tong katabi ko, ako naman di makapag focus nagdadaldalan kase yung nasa likod namen. Sina Dongpyo at Eya.

Ewan koba kung bat nilipat tong dalawang toh sa likuran namen tae di na napayapa buhay ko.

Maya maya pa nag bell na. Sabi ni Junho bibili lang daw siya ng makakain saglet kaya mauna na daw ako. Aba di manlang ako yayain netoh.

Lagi nalang akong gutom netoh kaya lagi rin akong lutang sa klase, kinakabahan na nga ako baka mamaya netoh bumaba grades ko.

~~

Pagkaredister ko hinanap ko si Thea pero himala wala ata siya, ichachat ko sana kaso naiwanan ko naman yung cellphone ko sa bahay.

Umupo nalang ako ay yumuko, sobrang inaantok ako di ko kase natapos agad yung project ko dahil nagtutor nga ako kay Junho kaya gabi ko siya ginawa, napuyat ako.

Ilang minuto na wala si Junho napasarap ata kain nun, tsk samantalang ako dito hinihintay siya andaya.

Isang oras nang wala si Junho, hinanap ko siya sa canteen pero wala na siya, kahit mga kaibigan ko wala na rin maaga kase sila nauwi eh.

Asan naba yun takte baka napasarap yung pagkain non, di bali antayin ko pa siya idlip lang muna ako sa library siguro naman pag nakita ako non gigisingin niya ako.

~~

6:30 pm.

"iha gising kana, anong oras na bawal na mga student pag gantong oras" rinig kong sabi ng librarian.

Inangat ko yung ulo ko, medyo madilim na nga sa labas.

Tae so ibig sabuhin di talaga pumunta si Junho?

Tangina?

Uy hala di po ako nagmumura huhu pero....

"tangina" bulong ko.

"ano?" tanong ng librarian saken.

"ha? Wala po. Salamat sa paggising po" sabi ko tumango naman saken yung librarian.

Palabas na ako ng library, nakakainis di manlang ako pinuntahan ampotek talaga.

Papalabas na ako ng school biglang bumuhos yung ulan.

Wala akong ginawang masama pero bat ako minamalas ampotek yaw kona ;((

Wala na akong nagawa kundi tumakbo kase wala eh nasa labas na ako alangang bumalik pa ako sa loob ng school.

Medyo pahirapan pa bago ako makasakay kaya potek eto basang basa ako amp.

Nakakailang mura na ako ngayong araw ha kasalanan mo toh Junho.

~~

Sa sobrang pagod ko den pagpasok ko sa tinutuluyan kong condo di ko na nagawang maligo pa.

Nagpunas lang ako at nagpalit ng damit tsaka natulog.

Bukas ka talaga saken Cha Junho.

~~

SUPPORT "BLIND FOR LOVE" NG AB6IX CAUSE OMAIGHAD KINIKILIG AKO SAKANILA YIEEEVJAKVKAMD!!

❝Silent | Cha Junho❞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon