Junho's POV
Andito ako ngayon sa gongcha hinihintay si Christienne.
Wala naman akong planong makipagkita kay Christienne I mean gusto ko kaso nahihiya ako magsabi sakanya.
Kaso etong si Wooseok hyung pinilit ako hanggang sa sila nang lahat pinilit ako kaya wala na akong nagawa.
Gusto ko rin naman eh hehe. Libreng silay kay crush hehe.
Si Christienne crush ko na yon since lumipat ako sa school nila.
Ang talino niya kase tsaka mabait pa nakakahanga talaga.
Ayun nga habang naghihintay ako sakanya nagcellphone muna ako, nakita ko yung post niya. Nilike ko yun at nagpost rin ako.
~~
Cha Junho added a photo
2 minutes agoHehe
639 likes. • 268 comments
~~
Nagpapicture lang ako niyan sa isang fan hehe may maipost lang noh.
"huy kanina ka paba?" tanong nung isang babae saken, nagulat ako.
"ha? Eh di naman kakadating ko lang din" sabi ko kay Christienne.
"bibili lang ako ng milktea ha" sabi niya, tumango naman ako.
Pumunta na siya sa cashier, nakatingin ako sakanya. Di naman niya mapapansing nakatingin ako sakanya kase nakatalikod siya.
Ang ganda niya.
Nagulat nanaman ako nang humarap siya, taena sana di niya ako nahuling nakatingin sakanya.
Hinintay lang namin yung order niya. Pagkatapos non pumunta na kame sa cinehan, bumili kane ng popcorn.
~~
(5:30 pm)
Pagtapos naming manood nang cine kumain pa kame ng fries at shake.
Naglakad lakad kame at nagkwentuhan. Ang saya pala niyang kasama. Kaso feeling ko naboboringan siya saken. Bat ba natatahimik ako pagkasama ko siya.
Di naman ako ganto sa mga kaibigan ko eh.
Pansin ko rin na simula nung naging kaibigan ko si Christienne, naging kaibigan ko na rin yung katropa niya.
Ako nalang talaga may problema mahiyain kase ako talaga.
~~
Hinatid ko si Christienne sakanila.
Sinabi saken nila hyung na umamin na daw ako sakanya.
Kaso nahihiya talaga ako.
Pero wala naman mangyayari kung lagi nalang akong nahihiya.
"christienne" tawag ko sakanya. Humarap siya saken.
Eto na talaga kaya ko toh.
"oy baket?" tanong niya.
Tulala lang ako sakanya.
Tangina nahihiya nanaman ako.
Ayoko na.
Tsaka nalang siguro ako aamin.
Maghahanda muna ako.
Tsaka na ako aamin pag handa na ako, pag hindi na ako dinadalaw ng hiya.
"wala lang, ingat ka" sabi ko.
"ok ingat ka rin" sabi niya sabay pasok na sa bahay nila.
Hay nako naman Junho.
BINABASA MO ANG
❝Silent | Cha Junho❞
Short Story[[COMPLETED]] "uy di kaba magsasalita?" "......" "jusko!"