11

230 6 0
                                    

Junho's POV

Papunta na sana ako sa library nang mag vibrate yung phone ko.

Pagtingin ko si Erika yung nag chat.

~~

Cha Erika
active now

Erika: junho asan ka?

Junho: sa school baket

Erika: si tita sinugod sa ospital

Junho: ha saan?

Erika: text ko nalang sayo dalian mo na kase kailangan ka dito jusko

Junho: puta wag mo nga akong takutin kinakabahan ako

Erika: dalian mo na kase

Junho: oo na eto na isend mo na saken

Erika: oo
√seen

~~

Dali dali akong lumabas ng school. Agad akong pumara ng taxi.

Natatakot ako siguro bumalik nanaman sakit ni mama napaka pabaya kase hays.

Di na ako mapakali, sinabi ko kay hyung na di ako agad makakauwi kase nasa ospital si mommy.

Ok lang daw basta mag ingat ako at ipagdadasal nila si mommy.

~~

Pagdating ko don nakita ko si Erika na nakayuko lang.

"erika!" tawag ko.

Tumayo naman siya agad napayakap naman siya saken, tangina lalo akong kinakabahan sakanya.

"si mommy, kamusta?" tanong ko.

"wala pang balita" sabi niya umupo na muna kame at naghintay sa sasabihin ng doctor.

Ok naman daw si mommy, masyado lang daw napagod. Napagalitan ko pa mga katulong namin sa bahay bat kase nila hinayaan mapagod si mommy nakakainis.

Sa sobrang pag aalala, taranta, halo halong emosyon di ko namalayan na gabi na pala. At si.....

Si Christienne!

Tangina oo nga pala.

"erika naka online ba si Christienne tae naalala ko na di ko nasabi sakanyang di muna tuloy yung tutor" sabi ko.

Tiningnan naman ni Erika yung phone niya.

"hindi eh 12 hours ago" sabi ni Erika.

6 pm na, kinabahan ako baka mamaya ano pang mangyari sakanya pero feeling ko naman uuwi yun pag napansin niyang di ako makakapunta.

Magsosorry na lang ako sakanya dahil di ako nakapunta ng library maiintindihan naman siguro niya yon, mabait naman siya.

"junho magpahinga ka muna, maaga pa pasok mo bukas tsaka kakagaling mo lang sa sakit" sabi ni Erika.

Tumango lang ako sabay alis na sinabi mo na balitaan nalang nila ulit ako sa kalagayan ni mommy.

Sa sobrang pagod ko pagkapalit ko ng damit diretso tulog na ako.

❝Silent | Cha Junho❞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon