05

314 10 0
                                    

1 week ago

Christienne's POV

Papasok nako sa school kasabay ko si Eya, kinukulit niya ako na pakopyahin ko daw siya dun sa assignment namen sa math.

"sige na tin pakopyahin mona ako huhu" sabi niya habang nakapalupot yung kamay niya sa braso ko.

"oo na nga ang kulet" sabi ko.

"yehey salamat" sabi niya.

Naglalakad kami papunta na ng room kaklase ko kasi siya.

"uy si junho yun diba? Junho!" sigaw niya nagtinginan mga tao sa amin.

Kahit kelan talaga Eya walang hiya hiya.

"uy junho kamusta?" tanong ni Eya, minsan sumasagi sa isip ko san ba nakukuha ni Eya confidence niya.

"oo, ok na ako" tipid na sabi ni Junho.

"buti naman, nga pala diba si Tin yung magtututor sayo sige maiwan ko na kayo. Bye!" sabi niya sabay takbo.

Hihilahin sana siya kaso mabilis siyang nakaalis.

Bwisit, humanda ka saken mamaya Eya

Pagkaharap ko nandon parin si Junho nakatayo lang tas nakatingin saken.

"uy hehe mamaya ah sa library tayo dalhin mo yung science book mo at english book pa pala" sabi ko sakanya.

"ah ok" sabi niya saken.

Haba ng sinabi ko tas "ah ok" lang response niya? Tae naman.

"at sabi nga pala ni sir na sa tabi ko na daw ikaw uupo since ako nga magtututor sayo" sabi ko pa.

"ok" sabi niya.

Tangina?! Di ako palamurang tao pero, putangina. Jusko.

"yun lang ba sasabihin mo?" tanong niya.

Buti naman humaba yung sinabi niya saken kase tae masasapak ko toh pasalamat siya pogi siya. Charot ay Christienne humaharot kana.

Eto ata natututunan ko sa mga kaibigan ko.

"Christienne" tawag niya saken.

"baket?" tanong ko.

"sabi ko kung may sasabihin ka pa ba saken" sabi niya.

"ah wala naman na" sabi ko.

Tumango lang siya sabay alis.

Actually si Eunsang talaga katabi ko sa upuan at si Junho naman si Eya katabi since nagpalit sila ni Eunsang, katabi ko na si Junho at si Eunsang naman katabi si Eya.

Sa pag obserba ko tahimik talaga si Junho sa klase, mag sasalita lang pag mag rerecite, tas ang cold pa ng awra niya tae.

Feeling ko magiging boring na ako sa klase netoh.

❝Silent | Cha Junho❞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon