22

257 6 1
                                    

Christienne's POV

Maaga akong nagising, siguro excited lang ako pumasok?

Ewan ko basta ilang araw lang naman ako absent pero tae namimiss ko na sa school eh, ewan ko ba sa sarili ko amp.

Ipinaghanda ako ni mommy ng breakfast since umuwi sila kagabi ni daddy para samahan ako dito sa bahay.

Actually natutuwa ako, ang saya makasama sila.

Bihira lang sila makauwi dito kase sobrang busy nila.

~~

After ko magbreakfast non inayos ko na gamit ko.

Papalabas na sana ako nang tawagin ako ni daddy sabi niya ihahatid na daw niya ako sa school, di na ako tumanggi kase namiss ko rin na ihatid ako ni daddy sa school.

Pagpasok ko naabutan ko kaagad si Lianne busy makipagusap sa kaklase naming si Francesca.

"Lianne!" tawag ko.

Napalingon naman siya saken.

"Christienne!" sigae niya sabay takbo saken at niyakap ako.

"omg sis namiss kita talaga. Kahit binisita ka na namin kahapon still namiss pa rin kita" sunod sunod niyang sabi saken.

Napangiti na lang ako sakanya.

Maya maya pa nakita ko naman si Eya at Andrea.

"Tin!" sigaw nilang dalawa, nagtinginan naman mga ibang estudyante samen.

Nakakahiya talaga.

Tumakbo sila saken at niyakap din ako.

"tangina mo kala ko sa susunod ka pa papasok pota ka" sabi ni Eya, binatukan siya ni Andrea.

Di talaga mawawala yung bad words sa bawat sasabihin niya eh.

"puro ka mura ugok" sabi ni Lianne.

"edi wow" sagot ni Eya.

Maya maya pa nagdatingan na yung iba kong kaibigan malapit nang mag time pero nakatambay kami dito sa tapat ng room namen.

Natanaw ko si Junho na papunta dito, I mean sa room pala.

"junho andito na si tin" sabi ni Eya.

Tae medyo fc tong si Eya pasalamat toh mahal ko toh kung hinde nako Eya.

"ahh ok buti naman" sabi ni Junho sabay pasok sa room.

Natawa naman kame kay Eya kase ginagaya niya yung kilos ni Junho pag pasok niya sa room

"pero ang feeling ko masungit talaga yung si Junho" sabi ni Mika.

"sadyang tahimik lang yun" sabi naman ni Lianne.

Oo nga, tahimik talaga yung si Junho, mahiyain pa.

Pero feeling ko naman mabait siya eh nung pumunta kase siya sa bahay non nakakausap ko naman siya. Pag may itatanong siya ganon.

Actually gusto ko rin maging friend yung si Junho kase nga feeling kong mabait siya.

Base on Erika mabait daw yun saksakan lang ng mahiyain kaya walang gaanong kaibigan except sa X1 and si Lianne, Angela, Thea. Close nila si Junho.

Andaya gusto ko rin siyang maging friend.

❝Silent | Cha Junho❞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon