40

208 4 0
                                    

1 month ago

Makalipas ang isang buwan bihira na lang talaga ako pansinin ni Junho, nakakainis.

Tas di pa nila sinasabi saken yung mysterious girl na nililigawan ni Junho, kabwisit.

Sabi ni Eya may gusto daw saken si Junho pero nah, di ako naniniwala.

Tsaka lang ako maniniwala pag siya na mismo umamin.

Pero sa totoo lang namimiss ko na bonding namin ni Junho.

Mas focus na siya don sa nililigawan niya. Di manlang niya namalayan na nakalimutan na niya ako.

Naiinis ako, ay hinde nagseselos pala.

Nagseselos ako kase iba na kasama niya pero di ko naman kilala kung sino. Baka mamaya mas maganda pa ako don. Joke.

~~

Andito ako sa tapat ng room namen, wala lang nakatambay lang wala pa kase mga kaibigan ko. Napaaga ata ako ng pasok.

Nakita kong papalapit si Junho sa room, tumayo ako at hinarang siya.

"uy Junho gala naman tayo" sabi ko habang nakapout malay mo naman cute ako non noh, joke ulet.

"aalis ako" cold niyang sabi saken.

Sino naman kasama niya? Yung nililigawan niya.

"sige na, ngayon na nga lang tayo makakagala ayaw mopa" sabi ko.

"aalis nga kase ako" sabi niya.

Arghh nakakainis na siya, namimiss ko na nga siya tas ganyan ayoko na.

"sige na please" sabi ko. This time nakakapit na ako sa braso niya.

Lintek na pag toh dipa pumayag sisipain ko na siya.

"ewan ko lang, ichachat na lang kita kapag pwede ako" sabi niya.

Napangiti naman ako.

"yey, thank you" sabi ko.

"para saan?"

"wala lang, makakapagbonding na ulet tayo eh" sabi ko. Tumango naman siya sabay pasok sa room.

Papatulong na ako netoh kung anong susuotin ko mamaya.

❝Silent | Cha Junho❞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon