Happiness 8

69 19 6
                                    

#chasinghappiness8

"Get ready this weekend kasi Intramurals na."

Agad akong lumingon sa likuran ko at tinanaw si Rylle. She smiled at me and gave me a thumbs up, a sign na may balak na naman syang gawin. Binalik ko ang tingin sa blackboard and started writing some important notes.

Some of my classmates were busy taking pictures sa mga instructions na nakasulat sa board, but I didn't mind to use my phone. I prefer handwritten notes. Ganito na ako simula nang nag-aral ako. I like writing. Mas nao-organize ko din yung notes ko kapag handwritten.

"Okay. Class dismissed." Our teacher said as the bell rang.

Hindi pa ako tapos sa pagsusulat. Yung iba, papaalis na. Tinapos ko muna yung sinulat ko tsaka ipinasok yung notebook sa bag.

"Uhm, Keila, may naghahanap sayo." my classmate said, pointing someone at the door.

"Ayieeeeee!"

Almost everyone shrieked out. Ano ba yan.

I saw him waving at me and grinning at his friends na classmate ko. What the fudge is he doing?

"Rylle, una na ako ha?" I said to Rylle. She was busy talking to someone so I have no choice but to leave her. She just gave me a thumbs up again nang makita niyang nasa labas si Keith.

Lumabas na ako dala ang aking bag. Hindi ko na sya hinintuan at diritso lang ako sa paglalakad. Dali rin naman syang nakasabay sakin. Well, he's got long legs.

"Mang-iiwan."

I rolled my eyes at him.

"Punta muna tayo sa cafeteria. Libre mo." he said, grinning at me.

It's been weeks simula noong lakad namin. At sa mga oras na iyon, mas nakilala ko pa sila. They really are nice. More like, they were a one-call-away friends. Especially the boys, they're like my brothers.

At ito din ang dahilan kung bakit mahilig itong isang to na magpa libre sakin. I don't mind, though. Minsan din kasi, sya yung nanlilibre sakin.

Simula noon, palagi ko na silang kasama. And mostly, si Keith ang palagi kong kasama. Kahit saan ako pumunta, palaging sumusulpot.

It's still five in the afternoon, oras ng uwian ng mga estudyante dito. Minsan, na we-weirduhan ako kasi may mga juniors namin na laging tumitingin samin. Is it because of our height? Kasi sobrang taas din niya talaga tapos hanggang balikat niya lang ako.

Nang makarating na kami sa cafeteria na malapit sa building namin, sarado na pala 'yon. Kaya naman wala kaming choice kung hindi ang maglakad ulit papuntang cafeteria na malapit sa school gate.

I looked at Keith and he was just looking in front. Sa mga araw na nakasama ko sya, doon ko lang din nalaman na crush ng bayan pala ito! I mean, he's got the looks, pero I really didn't expect it. Hindi talaga halata! Noong sinabi ko yon sa kanya, the twins were laughing hard habang si Tin at Rylle ay tahimik lang na nakikinig samin. At dahil sa nalulungkot kunwari si Keith dahil ayaw kong maniwala, Rylle justified him.

"Nakatutok ka na naman sakin."

I averted my gaze in front of me and focused on walking straight. Minsan kasi, di ko namamalayan na nakatutok na pala ako sa kanya. And he's always proud kapag napapansin niya yon. Para kasi sa kanya, it only means that I find him handsome.

Though, he's really handsome, added by his personality.

"Minsan, napapaisip nalang ako na may gusto ka sa'kin."

"In your dreams."

We stopped when we reached the cafeteria and thank God, it's still open.

"Tatlong sandwich nga po at dalawang juice."

Chasing Happiness (Chase Series #1)Where stories live. Discover now