Happiness 11

39 8 0
                                    

#chasinghappiness11

"Paturo naman nito Tin."

"Kay Rylle ka magpaturo."

"Paano ba to?"

"Kambal nga kayo. Parehas kayong nagpapaturo."

I was busy answering the sheets that our subject teacher gave to us. Coincidentally, magkaparehas pala kami ng teacher sa 21st Century kaya naisipan namin na mag group study— or more like sharing our ideas and answers.

Actually, nagulat ako kasi honor student pala silang lahat. Honor student rin naman si Rylle pero hindi kasi halata sa kanya. Hindi kasi sya masyadong competitive sa classroom, but I'm happy that she's actually an honor student.

Since classmates naman si Tin at Keith, sila yung nagkakasundo sa answer sheets na ibinigay din ng isa pang subject teacher nila. Hindi naman classmates yung kambal pero nagtuturoan din naman sila.

Ilang araw na ang lumipas at tapos na ang three days Intramurals. Sa totoo lang, hindi na namin na-enjoy ang second and third day. Halos lahat kasi ng booth ay napasukan na namin. At maliban din doon...

For the mean time, since classmate naman ni Keith si Tin, sya muna ang halos kasama ni Tin noong mga nakaraang araw. Kasama naman namin ni Rylle ang kambal.

Nakatitig si Ervin kay Tin na may ginagawa sa kanyang notebook. Tin's creased forehead made him look like a strict person. She was playing her ballpen while thinking about something and then layer on, she'll write down notes.

Ever since that day, hindi na namin sila nakikitang nag-uusap. We observed them, like almost everytime that we're together at hanggang pasulyap-sulyap lang silang dalawa.

Kung tutuusin, hindi ko rin naman inaasahan ang nangyari noon.

When Ervin kissed him on the lips, which is only a smack, agad naghiyawan ang mga tao. Pati yung mga taong naglalakad lang ay napapahinto at nakikichismis.

Nakatulala lang si Tin kaya nang ibinigay noong pari ang papeles sa kanya, si Ervin na ang kumuha.

"Let us now welcome the newlyweds!"

Agad nagpalakpakan ang mga tao. Ni hindi na namin nagawang pumalakpak dahil sa gulat. Pero nang tingnan ko ang mga kasama ko, kitang kita ko sa mga mukha nila ang gulat— gulat na parang may alam sila sa nangyayari.

Lumapit naman kami sa kanila para magpa-picture. Kahit sa picture ay kitang-kita yung kaibahan sa ngiti ni Tin doon.

Matapos kaming magpa-picture ay agad kaming umalis doon. Hila-hila ko si Tin kasabay si Rylle habang nauna na sa paglalakad ang mga lalaki.

I looked at Rylle and signaled me to keep silent. I just nod at her and looked at Tin.

Naghanap kami ng mauupuan at nakita namin na walang nakaupo sa cottage ay umupo kami doon. Mukhang okay naman si Tin kung titingnan ko. Pero there's something wrong. I wonder what it is.

"Keila, sabihan mo muna sila Keith na mamayang hapon nalang tayo magkita." she said and pointed Keith who's now looking at me. Agad naman akong pumunta sa kanya at nang nasa harap na niya ako ay agad na akong nagsalita.

"Mamaya nalang daw tayo magkita sa hapon. We'll just text you or something..."

He nod at me and looked at Tin. Gusto kong umalis na pero gusto ko ring magtanong kung anong meron. It feels like something is going on that I don't know.

"Puntahan mo na sila. Tin needs you." he said and walked away.

Keith may be weird, funny and annoying sometimes, but when it comes to serious things, he always have this aura that tells me that he's serious. Nang makita ko syang nakasunod na sa kambal, lumingon ako sa cottage na inuupuan namin.

Chasing Happiness (Chase Series #1)Where stories live. Discover now