Chapter Eleven

4.2K 115 15
                                    

Sa pagtakas ni Summer ay alam niyang magiging delikado ang buhay niya kung hindi siya mag-iingat.
Walang nakakaalam kung saan siya pupunta at kung saan siya ngayon titira.Wala siyang pinagsabihan sa kanyang mga kapatid.

"Pick me now!" Mapang-utos na bigkas ni Summer kay Matthew.Kausap niya ito ngayon sa kabilang linya.Tinawagan niya ang lalaki ora mismo.

"Where?" Sagot ni Matthew.

"Dito sa building nang kompanya mo." Bumalik siya doon pero pagdating niya sa kompanya ng lalaki ay wala na pala ito.Naka-uwi na pala sila ni Maki.Ayon sa secretary nito ay may kinasagutan daw itong babae kanina.Bigla ay nagbalik sa kanyang alaala ang babaeng nakasalubong niya kanina sa elevator.

"What are you doing there?" Nagtatakang tanong ng lalaki.

"What am I doing here?" Inis niyang balik tanong kay Matthew. "Gusto mo ba akong sunduin o susunduin mo ako?" aniya,medyo may pagka-irita ang boses.

"Okay, we are coming to pick  you," sagot ni Matthew sa kanya.Wala narin siguro itong  choice  kundi puntahan siya at sunduin.At base na rin sa tono nito ay alam niyang napapailing na lang ang lalaki dahil sakanyang  kagagawan.

Naghintay siya ng mga kalahating oras bago nakarating ang mag-ama.Gulat pa rin ang nakita niyang ekspresyon mula sa mukha ng lalaki dahil siguro ganoon pa rin ang kasuotan niya at lalo na ang ayos niya.

"What?" Inis niyang tanong kay Matthew.Kasi ayaw na  nitong kumurap at tila walang balak pasakayin siya sa sasakyan nito.

"Nothing," maikli nitong  sagot. "It's just that...you're looking so weird?"

"I know? Temporary lang naman 'to!" At agad siyang sumakay  sa sasakyan nang lalaki.Sa may tabi ni Maki na-upo.Naglalaro ito at mukhang nasa good mood.Tumikhim muna siya bago nagsalita muli. "Tumakas lang ako sa amin," amin niya sa lalaki.

"What reason?" Nakakunotnoong tanong ni Matthew. "Huwag mong sabihing na si Maki ang rason mo?"

"The reason is...ayaw kong pumunta ng State. So I decided na tumakas nalang," pagsisinungaling ni Summer.Half lie lang pala kasi ang totoo no'n ay wala nga talaga siyang balak pumunta sa States. "And the truth is want to be Nanny to Maki," nakangiting sabi  niya .

"You're giving me a headache, bitch! What's on your mind? Baka ipahanap ka ng family mo sa mga pulis and then next what?" Tarantang sabi ni Matthew sa kanya ."You are  nuts!" anito.Napasuntok pa sa steering wheel ng kanyang sasakyan dahi sa maling ginawa niya.

"Shut up!" Sigaw ni Summer kay Mathew. "Walang makaka-alam kung nasaan ako basta manahimik ka lang," aniya dito. "And besides, wala naman akong kuwenta sa mga kapatid ko kaya mas mabuting umalis na lang muna ako sa poder nila. Ang tingin kasi nila sa akin ay walang silbi," patuloy pa niya. "And it's really crazy to say that...sa tanang buhay ko ay hindi ko pa nararanasang mag-trabaho. They threat me like a lazy Princess in the family. So, now it's my turn to settle about myself. I don't care what they are going to do about me!"

Bigla ay napamura si Matthew.Hindi ito bobo para hindi nito alam ang kanyang  ginagawa.Hinarap siya nito.
"Alam mong kailangan ko ng mag-aalaga kay Maki but this is not what I  really wanted? Dapat nagpaalam ka sa kanila kundi ang magiging kalalabasan ng ginawa mo ay, someone kidnap you or whatever? Nag-iisip ka ba talaga ?"

"Ano bang kinakatakot mo?" iñInis na tanong ni Summer diti. "Sa tingin mo kapag nagpaalam ako sa kanila papayag sila sila sa kagustuhan ko? They will all reject it! So, I don't have to!" May papadyak niyang  paliwanag sa lalaki.

"Okay, fine! But please, don't put us in danger," ani Matthew sa kanya.

"I won't. I'll promise," ani Summer. Walang kasiguraduhan sa sinabi dahil oras na malaman ni Matthew na ang babaeng nakasalubong niya kanina sa kompanya nito ay ang babaeng hinahanap niya siguradong trouble ang kalalabasan.Sympre,dahil ina iyon ni Maki.Napabuntonghininga nalang siya sa naisip.

Nang mga sandaling iyon ay naging abala naman ang mga kapatid ni Summer sa pag-aasikaso kay Thunder.Makakalabas na kasi ito sa hospital.Nag-hired na lang sila ng private nurse para magbantay dito  at para may katulong na rin sa pagpapa-inom ng gamot.

Nang matapos na nilang  asikasuhin lahat ay inuwi na nila ang binata.Walang nakapansin o nakaalala man lang kay Summer hanggang sa makauwi sila sa kanilang bahay.Pagdating na pagdating ay hinanap agad ni Thunder ang kanyang ate Summer.Pero ang sabi ng mga katulong ay umalis ito dahil may aasikasuhin.

Mayamaya pa ay pinakuha ni Thunder ang kanyang cellphone at tinawagan si Summer.Sinagot naman agad ng ate niya ang kanyang tawag.
"Nakalabas na ako ng hospital. Nasa bahay na rin ako. Nasan ka?"  Tanong ni Thunder sa kabilang linya.

"Listen, may inaasikaso si ate ngayon. And I'm happy na nakalabas ka na ng hospital. Paki sabi ki na Storm at Rain na hindi muna ako uuwi diyan," aniya sa kapatid.

"Why?" Nagtatakang tanong ni Thunder.

"May aasikasuhin nga ako," aniya,nayayamot sa pagsasalita. "Basta, huwag kayong mag-aalala sa akin. Malaki na ako. Alam ko na ang ginagawa ko. Bahala na ako sa sarili ko."

"Are you sure you can take care of yourself?" Thunder teasing at her

"Of course Boo!" Inis niyang sagot. "Ano'ng akala mo sa akin? Paslit?"

"Okay, relax. Sinisiguro ko lang naman kung nasa maayos kang kalagayan," anito.

"I'm fine! Don't worry about me. Tatawagan na lang kita ulit," aniya.Pinatay na niya ang tawag bago pa humaba ang kanilang usapan.Baka pagpinahaba pa at pinatagal pa niya ang kanilang pag-uusap aybaka mapaamin pa siya ng tuluyan.

Nakarating na sila sa condo ng lalaki.Pagdating nila ay nakatulog na si Maki.Kahit sobrang lakas ng tono ng boses niya sa pakikipag-usap sa kapatid ay hindi man lang ito nagising.Napagod siguro sa biyahe kaya naman napasarap na ang tulog nito.Si Matthew na ang bumuhat kay Maki..

Pagkabukas ng pintuan ay sabay silang nagulantang dahil naroon si Savina.Kampanteng nakaupo ito sa sofa at umiinom ng wine.Ngumisi ito ng nakakaloko sa kanila. "Nagulat ko ba kayo?" Nang-uuyan nitong tanong. "Did you forget na may susi din ako sa condo na 'to?" aniya kay Matthew.

Bigla sikang natuhan sng humalakhak si Savina.Kaya naman sabay silang naglakad papasok sa loob.Inihiga ni Matthew si Maki sa crib nito.
Kinumutan at nilagyan ng unan sa paligid bago hinarap si Savina.
"Ano'ng ginagawa mo dito, Savina?" Baling niya sa babae.

"O, come on, Honey. Hindi mo ba ako na miss?" Malandi nitong tanong kay Matthew.

Parang gustong masuka ni Summer sa inaakto ni Savina.Kahit kasi ingudngod na niya ang nguso nito kay Matthew ay todo namam ang pang-iiwas nito.Siguro ay nawalan na ng gana sa kanya si Matthew.Isa pa ay nung tinatanong niya kung nasaan ang Nanay ni Maki ay  sobrang galit siyang pag-usapan ito.

She's not worth it to be your wife! Hindi siya nababagay saiyo," naisaloob niya."Eh, sino  ang nababagay sa kanya, ikaw? kunsinti ng isang bahagi ng isipan niya. Why not cucunot, chock nut!  kinikilig niyang naisip.Pero first thing first bago ang kilig ay kailangan niya munang makakuha ng ibedinsya dito.Tingnan mo nga naman ang pagkakataon?Umaayon sa plano niya. Kailangan nitong pagbayaran ang ginawa niya kay Thunder! Kailangan  niyang  maipaghiganti ang kapatid.

Next....

Single Dad meet NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon