"Maki, Maki, yes Mama!" Kanta ni Savina sa anak.Hiniram niya ito kay Matthew dalawang araw na ang nakakaraan.Sakto sa paglabas ng kaniyang Mama Miya sa bilangguan.Hiniram niya si Maki kay Matthew para ipakilala ito sa kaniyang ina.Magmula kasi nang isinilang niya si Maki ay hindi pa niya ito nakikita.
Ang totoo no'n ay hindi si Matthew ang totoong ama ni Maki.Ang tunay niyang ama ay si Prince Yuri.
Magkasintahan sina Savina at Prince noong araw.Naging maganda naman ang takbo nang kanilang relasyon hanggang sa umabot ito sa puntong hiwalayaan.Nakipaghiwalay si Prince kay Savina dahil hindi pa raw ito handang magpakasal at magpatali sa isang relasyon.Savina was pregnant that time nang iwanan siya ni Prince sa bansa.
Nagtungo ito sa US para mag-aral nang pagka-Medisina.Hindi na nasabi ni Savina na buntis siya at siya ang ama ng dinadala niya.Dahil sa sobrang kalungkutan at pagkadepress ay nagtungo si Savina sa isang bar kung saan doon ay nakilala niya si Matthew.Mag-isa lang ang binata sa kinauupuan nito kaya naman sinamantala na niya ang pagkakakataon."Wanna join you?" Malanding tanong niya kay Matthew.
"Sure!" Walang pag-aalinlangang payag naman nito.
Nang gabing 'yon ay kapwa sila lasing ni Matthew.Puro hard liqour lang kasi ang itinatagay nila.Nang malasing sila pareho ay dinala ni Savina si Matthew sa pinakamalapit na hotel.Hirap man siya sa pagbubuhat sa binata ay pinilit niya ito upang maikasatuparan ang plinaplanong pangfre-frame up.
Ipapaako niya kay Matthew ang dinadadalang bata dahil ang lalaking nakabuntis sa kanya ay mas pinili ang propesyon kaysa sa kanila.At iyon na nga ang simula kung bakit tinanggap ni Matthew si Maki.At kung bakit nagsama sila binata.
Tinanggap ni Matthew nang buong puso ang pagbubuntis ni niya at paniwalang-paniwala niya itong siya ang totoong ama ni Maki.At hanggang ngayon ay iyon pa rin ang pinaniniwalaan ni Matthew.Dahil si siya lang naman ang nakakaalam ng kanyang pagdadalaang tao at nang buong katotohanan."Maki! Apo ko!" Boses nang kaniyang ina.Napukaw ang pagbabalik-tanaw niya sa nakaraan.Kinuha nito si Maki at kinandong. "Ang guwapo naman nang Apo ko! Manang-mana sa lola," ani Miya sa bata.
"Ma, sang linggo lang si Maki sa akin. Ibabalik ko rin siya agad kay Matthew sa Martes," ani Savina sa ina.
"Bakit isang linggo lang?" ani Miya. "Hindi ba puwedeng sa atin nalang si Maki?"
"Ma, hindi puwede!" Tanggi ni Savina sa ina. "Isa pa, wala akong balak na alagaan si Maki!" tmTutol niyang sabi sa ina.Habang lumalaki kasi si Maki ay nagiging kamukha ito ni Prince.At iyon ang pinakaayaw niya kung maari.Ang makita niyang para silang pinagbiyak na bunga.
"Kung ayaw mong alagaan si Maki, eh, 'di ako nalang?"
Boluntaryong sabi ng ina. "Sa akin nalang siya tutal wala naman akong ginagawa," ani Miya sa anak."Ma, ang kulit mo naman!" Inis niyang sabi sa ina. "Sinabi nang hindi puwede sa atin si Maki! Kailangan niyang tumira kay Matthew! Hindi natin siya puwedeng kunin!"
"Matthew?" Tanong nang kaniyang ina sa pangalang binanggit niya.
"Siya ang ama ni Maki," sagot niya dito.Pero sa ekspresyon sa mukha nang kaniyang ina ay hindi ito naniniwala sa kanya.Maliban pala sa kaniya ay alam din nito ang nakaraan nila ni Prince.Alam rin nito ang pakikipagrelasyon niya kay Prince noon.Pero hindi naman niya nabangit dito na buntis siya at si Prince ang ama.
BINABASA MO ANG
Single Dad meet Nanny
Romans(COMPLETED)Will you risk yourself to be a Nanny to the man you love?