Chapter Thirteen

3.4K 103 5
                                    

Maki suddenly cries..They stop gazing at each other.Hindi alam ni Summer ng mga sandaling iyon kung sino ang uunahin niya.Ang iwasan si Matthew sa binabalak nito o ang asikasuhin si Maki na umiiyak?She take a deep breath.She shook her head para matauhan na siya sa kanyang kahibangan.

"S-si Maki...umi-iyak..." Nabubulol niyang sambit. "Baka na-gu-gu-tom na siya," aniya.Hirap pa rin sa pagbigkas.

Agad namang tumalima si Matthew at humingi ng paumanhin sa kanya.Tumango na lamang siya bilang kasagutan.Agad siyang lumabas ng kuwarto.Nang maalalang wala pala siyang dalang damit na bihisan dahil lumayas lang siya sa kanila.
Hinawakan niya muli ng mahigpit ang doorknob.Bumuga siya ng malakas na hangin pambalubag-loob bago binuksan iyon.

Taumalima na si Maki sa pag-iyak at muli itong natulog ng mapagbuksan niya ang mag-ama.Siguro kaya ito umiyak kanina ay dahil nanaginip lamang ito.Mahimbing na muli ang tulog ni Maki habang sinisipsip ang pacifier.Ibinigay siguro ito ni Matthew pagkalabas niya.Lumunok muna siya bago nagsalita.Again she was stunt nang makitang naka boxer lang si Matthew at bakat ang alaga nito.

"Yes?" Nagtatakang tanong ni Matthew ng makita siya.

"Ka-kasi wa-la pala akong dalang damit...baka naman puwedeng makahiram muna saiyo." Madaliang sambit niya.Naiilang na kasi siya sa kaharap.Gusto na niyang makaiwas dito.Binuksan naman agad ni Matthew ang isang drawer nito.Naglabas ng isang malaking damit na kulang nalang ay duster na para sa kanya dahil sa sobrang laki at bagong boxer na hindi pa siguro nito nasusuot ang inihagis nito sa kanya.

"Thank you." Pasasalamat niya bago lumabas ng kuwarto.Agad siyang nagbihis at nagtimpla ng gatas ni Maki.Kumatok muna siya sa kuwarto ng mag-ama ngunit hindi siya pinagbuksan ng pintuan.Sumandal siya at naghintay pa ng ilang segundo ngunit hindi talaga siya inabalang pagbuksan man lang.Kaya naman kusa na niyang binuksan iyon at dahan-dahang pinihit.

Pagkabukas niya ay mukhang tulog na si Matthew.Ang mini lampshade nalang ang nakabukas na ilaw sa kuwarto nilang mag-ama.
Dahan-dahang inihakbang ni Summer ang mga paa patungo sa may crib ni Maki kung saan nasa may gilid lang ng kama.Dala ang natimplang gatas nito.

Why am I doing this?Maktol niyang tanong sa kanyang sarili.Samantalang ang ganda ng buhay ko.Isa akong prinsesa sa pamilya namin.Gosh!Gosh!Am I really so pathetic?Did I really need to do this?Yeah,yeah..sure!Nandito na,eh.Uurong kala ba?aniya sa isang bahagi pa ng kanyang isip.

Yumukod siya sa crib ni Maki.Hinaplos niya ang malambot nitong pisngi.Napangiti siya.Sobrang cute kasi nito.Makapal ang kilay.Mahahaba ang pilik mata at medyo chubby ang pisngi.Ang sarap panggigilan at ang sarap halikhalikan.Patuloy pa rin ito sa pagsipsip ng pacifier nito

"Okay baby, let's get remove this one and time to drink your milk," aniya kay Maki.Mabuti nalang at hindi na ito muli pang umiyak.Naubos nito ang tinimpla niyang gatas."Uhm! Takaw!" Sambit niya.Kinuha ang ubos na bote.Akmang lalabas na siya ng pintuan ng may himila sa damit niya.

Napaigtad siya gulat.Magugulatin type pa naman kasi siya.Napamura pa tuloy siya ng malutong.
"Putah! Naman eh!" Malakas niyang bigkas sabay lingon sa gumawa niyon sa kanya.Kahit alam na niyang si Matthew iyon. "What the heck you're trying do to?" Inis niyang tanong sa lalaki.

"I'm sorry," hinging paumanhin ni Matthew sa kanya. "I just want to say na dito kana lang sa kuwarto matulog."

Single Dad meet NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon