Ang nakasaad sa kasunduang iyon ay ang kapalit nang kalayaan niya.Ang magpakasal kay Dr.Prince Yuri.Ang lagda niya ang magiging kapalit nang kalayaan nilang mag-ina.It was an arrange married.Kahit na tutol siya at labag sa kalooban niya ay hindi siya maaring tumangi sa mga ito.Ang hawak ng ginang ay isang marriage certificate.Hindi niya alam kung legal ba o peke lang?
"Kapag ginawa ko ba ang pinapagawa niyo sa akin makakauwi na ako?" ani Summer sa ginang.
"Yes, you can?" ani Miya.Nakangiti itong sumagot sa kanya. "But there's only one condition?" Patuloy nito.
"What kind of condition?" ani Summer.
"You can't leave this house alone. Dapat kasama mo si Prince kapag aalis ka at kapag uuwi ka sainyo." Paliwanag nito sa kondisyong sinasabi niya. "Kapag gusto mong umuwi sainyo ay kailangang magkasama kayo ni Prince? Kapag aalis ka ay dapat magkasama lang kayo," ani Miya sa kanya.
"What?" Gulat niyang reaction sa ginang.Anong nasa isip nito at kailangang nakabuntot ang Doctor sa kaniya tuwing aalis siya?Anong gustong palabasan nito?Parang kulAng nalang ay itali ang Doctor sa kaniya upang hindi siya makawala.At wala rin siyang balak ipakilala si Prince sa mga kapatid.Pangalawa ay wala siyang balak na makasama ang lalaki.Hindi niya alam kung ano ang nakain ng ginang na ito at ganoon na lang kadesperadang ipakasal siya kay Prince.Ni hindi nga siya nito kilala pa at kung sino nga ba siya?
Tumawa si Miya.Nakakaloka ang tawa.Mapang-asar at may halong kaplastikan.Napakunot-noo siya.
"Meron po bang nakakatawa?" ani Summer dito.Para sa kanya ay walang nakakatuwa sa kanyang sitwasyon ngayon kundi nakakayamot.Naiinis siya sa kaniyang sarili.Hindi naman sana siya hahantong sa ganito kung hindi niya tinakasan si Matthew.Siya rin lang ang dapat sisihin kung bakit nasa ganoon siyang sitwasyon."There is nothing funny, hija?" ani Miya sa kanya. "Papel lang naman ang pipirmahan mo? Bakit ka pa nag-aalinlangan sa gagawin mo? Ayaw mo bang makawala ngayon diyan sa kinalalagyan mo? Mas gusto mo bang titigan ang apat na sulok ng kuwartong ito at ang titigan ang kulay ng kisame?" Nang-uuyam nitong tanong sakanya .
"I want too!" Gigil niyang sagot. "Pero kung ang kapalit no'n ay ang pagpapakasal ko kay Dr.Prince,
baka 'wag nalang? Wala akong balak magpakasal sa kaniya dahil hindi ko naman siya mahal! And I don't even know him at all! And actually, this is bullshit after all!" Nanggigigil pa rin niyang sigaw. "Sino ka ba? Sino ba kayo? At ano ang kailangan mo sa akin? Why are you doing this to me?" sunod-sunod na katanungan niya kay Miya."So, hindi mo tinatanggap ang offer namin saiyo?" ani Miya. "You can learn to love him and slowly accept him. Napag-aaralan naman kung paano magmahal,hija. Huwag mong ibase sa tibok nang puso ang desisyon mo? Baka ikaw din ang masaktan niyan?" ani Miya nakataas na ang isang kilay nito.Animo hindi na natutuwa sa kaniya. "Pag-isipan mong mabuti ang kontratang ini-ooffer namin saiyo? I will give you time to think of it until tomorrow? Kapag hindi ka pa nakapagdisisyon ay tuluyang mawawala ang bata sa sinapupunan mo! Isang turok lang saiyo and you will lost it!" Pagbabanta ni Miya sa kanya.Puno parin ng kasamaan sa loob ng katawan.Hindi nagbago at tumino.A devil is always a devil kahit na putulin pa ang sungay nito ay tutubo at tutubo pa rin.
Kung tatanggapin niya ang offer nang ginang at maging ganap na asawa ni Prince sa mata ng mga taong nakapaligid sa kanila ay hindi mapapahamak ang anak niya,ang anak nila ni Matthew.Ano ba tong gulong napasok ko?naisaloob niya.Ang ganda na nga nang buhay ko sa piling ni Matthew tapos nasa ganitong sitwasyon na ako?Lord,ikaw na lang po ang bahala sa akin at sa baby ko.Hanggat kaya ko ay magtitiis ako.Handa kong tanggapin ang kasunduang ninanais nila..kahit na maging sunudsunuran pa ako huwag lang mawala sa akin ang baby ko,ani Summer sa sarili.
BINABASA MO ANG
Single Dad meet Nanny
Romantik(COMPLETED)Will you risk yourself to be a Nanny to the man you love?