"Why don't you answer your phone?" Tanong ni Thunder sa kanya.Ilang beses na kasi itong tumunog pero panay cancel button ang pinipindot niya.
"I can't!" aniya.Iniiling ang ulo.Natakot siya na baka mabuking siya nito.Na ang pagiging Nanny pala ang napasukan niyang trabaho.
"Sino ba yang tumatawag saiyo?Kung importante 'yan bakit hindi mo pa sagutin?"
"Ah! Eh...'yung hiniraman ko 'to, kaya ayaw kung sagutin,"
pagsisinungaling niya."What? May utang ka sa ibang tao?" Hindi makapaniwalang tanong sa kanya ni Thunder.
"Hindi! I mean, nag-order kasi ako ng mga products, so...hindi ko pa nababayaran," alibi niya sa kapatid.
"What's wrong with you sis? Bakit kailangan mong maging maluho sa mga bagay na hindi naman dapat?" Sermon nito sa kanya. "You just don't even care?" Maktol nito sa kanya.
Naiyuko niya ang ulo.Ganoon na ba talaga kababaw ang kaligayahan niya?Nahiya tuloy siya.Naturingan pa naman siyang panganay sa lahat.Oo nga't naging gastadora siya,naging maluho pero pinagsisihan naman na niya iyon ngayon mismo.Hindi naman niya ini-expect na magiging ganito bigla ang sitwasyon niya,eh.Ang inaakala kasi niya ay magiging forever walang silbi siya.Ang gagawin lang niya sa buhay ay kumain,matulog, at gumasta ng pera.Pero biglang nagbago ang lahat ng 'yon.
"Ipapa-refund ko na nga," aniya. "Pinag-bebenta ko na nga sa online 'yung mga ibang bags at shoes ko," proud pa niyang sabi kay Thunder.
Umiling lang ito.Mayamaya naman ay text na ang natanggap niya kay Matthew.Iyak daw ng iyak si Maki.Mainit daw ang buong katawan nito.Napamura siya.Ano'ng alam niya pagdating sa baby?Nireplyan niya si Matthew na dalhin nalang nito si Maki sa hospital para masigurong maging maayos ang kalagayan nito.Pero ang gusto ni Matthew ay samahan niya ang mga ito.
"Shit ka naman, eh!" Mura niya sa lalaki.
"Are you angry with me?" Iritadong tanong ni Thunder.Inakala nitong siya ang minumura niya.Mukhang hindi na rin natutuwa ang kapatid niya sa inaasal niya.
"No. Not you," aniya sa kapatid. "Hetong ka-chat ko kasi mahirap umintindi, eh. Mahirap paki-usapan, sinabi ko namang mag-babayad ako pag may pera na ako, eh," pagsisinungaling niya.
"How much money do you owe him?" Tanong ni Thunder.
"Around ten thousand," ani Summer sa kapatid.Kailangan niyang kupitan ito para magkaroon siya ng extrang pera.Hindi kasi siya sigurado kong magkano ang sasahurin niya kay Matthew buwan-buwan sa gagawin niyang pag-aalaga sa anak nito.
Sasagot sana ang kapatid niya ng biglang may truck na nawalan ng preno at bigla itong bumanga sa kotse ni Thunder.Wasak ang salamin sa harapan ng sasakyan nila.Nawalan ng malay si Thunder at hindi na rin alam ni Summer kung ano pa ang sumunod na nangyari sa sobrang gulat.Niyugyug niya ang balikat nang kapatid upang gisingin ito pero wala itong response sa kanya.Ang natatandaan lang niya ay ang huli niyang nakitang duguan si Thunder habang nakayuko ang ulo nito sa steering wheel ng sasakyan.
Wala agad remosponde sa kanila ng mga sandaling iyon.Kahit na nakapikit siya dahil masakit ang kanyang ulo na tumama sa dash board ng kotse ay alam niyang may humila sa kanya sa loob ng sasakyan.Inilabas siya doon.May naririnig rin siyang mga boses at ingay sa paligid.Mayamaya pa ay naiilumpangatan na siya.
"Ang kapatid ko! Tulungan niyo siya!" aniya sa mga taong naroon. "Thunder! Thunder!" Malakas ang boses na tawag niya sa kapatid pero hindi pa rin nito inaangat ang kanyang ulo. "Thunder wake up!" Sigaw niya dito.
BINABASA MO ANG
Single Dad meet Nanny
Romantizm(COMPLETED)Will you risk yourself to be a Nanny to the man you love?