Chapter Nine

3.8K 122 6
                                    

Pagkalabas ni Summer sa back gate ay walang nakahalata sa kanya.Paano naman kasi hindi naman siya namumukhaan ng mga guwardiya nila.Naglagay pa siya ng malaking nunal sa may kanang pisngi at nag-suot ng malaking reading glass.Mayamaya pa ay malaya na siyang nakalabas.Sakto namang may dumaang taxi ng oras na 'yon.Nagpahatid siya sa opisina ni Matthew.

Pagdating niya sa opisina ni Matthew ay pinagtitinginan siya ng mga employado niya doon.May palihim na ngumingiti.May palihim na nagbubulong-bulungan at may deadma lang.You don't know who I am!naisaloob ni Summer sa mga taong judgemental na nakakita lang ng taong naka uniform ng pang-katulong ay akala mo na kung sinong mataas sa lipunan.Pare-pareho lang naman tayong tumatae!dagdag pa niya.

"Why are you wearing like that? At bakit ganyan ang hitsura mo?" Nagtatakang tanong ni Matthew ng makarating siya sa opisina nito.Nagtataka rin siguro ito kung bakit naka-disguise siya.

"Para makatakas ako," aniya.Tinanggal ang suot na eye glass. "Marami kasing bodyguard na nakabantay sa lahat ng sulok ng bahay namin!" Pairap niyang sagot kay Matthew. "I'm grounded dahil sa nangyari sa amin ni Thunder. Kailangan daw todo bantay ako para wala na raw mangyaring masama akin. Over protected sila!" Napahagikgik niyang paliwanag.

"Ow, I'm sorry for that. But, anyway I like your outfit," sinserong sabi ni Matthew sa kanya.

"Bagay ko ganoon?" May pagkainis niyang tanong kay Matthew. "Bakit mo pala ako pinapunta dito?"

"So, anyway, pinapunta kita dito dahil I really need you," anito.

"You need me?" Hindi makapaniwalang tanong ni Summer.Tila naloka siya sa part na 'yon.She's not ready yet.

"No, I mean," Biglang bawi nito. "I need you to help me take care of Maki? 'Di ba sabi mo kagabi free ka?"

Tumango siya.Na wrong empression siya doon.Masyado siyang nag-asume na kailangan siya nito.
"I know? Nangako ako na tutulungan kitang mag-alaga kay Maki pero give me a week," ani Summer. "May aasikasuhin pa kasi ako bago ako maging permanent sa pag-aalaga sa anak mo. I make sure with that? Pero sa ngayon ay kailangan ko ng umalis. Tatawagan nalang kita," ani Summer kay Matthew. "Baka makahalata na kasi 'yung mga guwardiya sa bahay at hindi pa ako bumabalik," paalam niya kay Matthew.

Walang nagawa si Matthew ng kumaripas na nang lakad si Summer palabas ng opisina niya.Pinagpatuloy nalang niyang pinirmahan ang mga papeless na naroon at uuwi na sila ni Maki.Kailangan niya munang mag-leave sa office ng one week.Napahawak siya sa kanyang sentido ng mga sandaling iyon.Actually ay puwede naman talaga siyang kumuha ng yaya ni Maki sa mga agencies pero bakit parang mas gusto niyang si Summer ang mag-alaga sa anak niya.Napailing siya.Tiningnan ang anak na natutulog sa sofa.Napangiti siya.

"I'm bless, I have you." Nakangiti niyang sambit habang nakatitig sa anak. "Tita Summer will be your Nanny in a week," ani Matthew.Nakangisi pa rin.

Nang biglang bumukas ang pintuan ng kanyang opisina.Ang akala niya ay bumalik si Summer kaya naman nabanggit niya ang pangalan nito pagkabukas ng pintuan.Ngunit hindi pala si Summer iyon.Ang babaeng nang-iwan sa kanila ni Maki ang nabungaran ng kanyang mga mata.

"Who's Summer?" ani Savina. "One month pa lang akong wala sa piling ni'yong mag-ama may kapalit na agad ako?" Komprantang tanong ni Savina kay Matthew.

Hindi sinagot ni Matthew ang katanungan nito bagkus ay kinunutan niya ito ng noo. "What are you doing here?" Tiim bagang tanong niya kay Savina.Hindi niya napaghandaan na pupunta ang babae sa opisina niya.Mabuti nalang at hindi sila nagpang-abot ni Summer.
Pinagpasalamat nalang niya iyon dahil ayaw niyang makilala ni Summer ang ina ng kanyang anak.

"Ganyan ba ang dapat na pagsalubong mo sa akin?" ani Savina na yumukod pa sa lamesa ni Matthew.Nakasuot ito ng sexy dress na sleeveles kaya naman bakat ang boobs nito at niluluwa na ng kanyang bestida ang boobs niya sa may harapan.Kahit na nanganak na ito ay maganda pa rin ang hubog ng katawan nito.Pero pumangit na ang mukha dahil sa mga pinaglalagay nitong beauty products.Tanadtad pa nito nang make-up ang kanyang mukha.

"What do you want?" Tanong muli ni Matthew sa babae.Ganoon parin ang tono ng boses nito.

"Look, masama bang dalawin ko ang anak ko?" ani Savina. "Don't tell me na bawal ko siyang dalawin at puntahan? Hindi porke't wala na tayo ipagdadamot mo na siya akin?"

"Hindi masama, Savina. Pero kung maari lang ay makakaalis kana dahil marami pa akong ginagawa!" Pagtataboy ni Matthew dito.Ipinakita ang pagkairita sa babae.

"Is that how you treat me now?Parang wala tayong pinagsamahan, ha? Isa pa, anak ko rin si Maki!"Matigas ang boses na sabi ni Savina sa huling sinabi nito. "Dadalaw ako kung kailan ko gusto! Besides, ako pa rin ang ina niya."

"Hindi ka na namin kailangan kaya makakaalis ka na," ani Matthew kay Savina. "Dapat inisip mo noon 'yan na isa kang ina kay Maki bago mo kami iniwan at sumama sa lalaki mo! Do you want to be a great mom at him now? It's to late Savina.Dahil may lamat na sa aming dalawa."

Humalikpkip si Savina saka matalim ang mga matang na hinarap si Matthew. "Sinong pinagyayabang mo? Ang babaeng tinawag mong Summer? Para sabihin ko saiyo, walang babaeng mag-kakagusto saiyo dahil sa ugali mo! Alam mo ba kung bakit kita iniwan? Because your nothing compared to my man!" Pagyayabang nito sa kanya.

"Ganoon naman pala, eh? Bakit ka pa bumalik dito? Dahil ba talaga kay Maki?" Nang-uuyam niyang tanong kay Savina. "O baka naman dahil mayaman na ako at marami na akong pera kaya kaya bumalik?Kanina ka pa nakatayo diyan pero imbis na siya ang lapitan mo ako ang inuna mo. Huwag ako, Savina. Tapos na tayo. Kung ano man ang mga pinaggagawa mo sa buhay mo ay labas na ako doon. Labas na kami ni Maki. Kaya kung may respeto ka pa puwede ba? Umalis ka na," ani Matthew pinilit pa rin niyang magpaka-gentleman.

Dahil sa kahihiyan na natanggap ni Savina kay Matthew ay padabog niyang inawan ang lalaki.Nagngingit ang kanyang kalooban. "Hindi ako basta sumusuko!" ani Savina.

Ano na naman kaya ang problema ng babaeng iyon at nagpakita pa.Pagkatapos silang iwanan ay bigla nalang itong babalik.Muling bumukas ang pintuan ng kanyang opisina.

"Hindi pa tayo tapos, Matthew!Babalikan ko pa kayo ni Maki!" ani Savina at pabalibag nitong isinarado ang pintuan ng kanyang opisina.

Kaninang palabas si Summer sa opisina ni Matthew ay may nakabanggaan siyang babae.Dahil siguro sa suot niya ay hindi siya nito namukhaan.Pero siya ay namumukhaan niya ito.Parang nakita na niya ang mukhang iyon.Hindi siya maaring magkamali.At ang mga mata nito.

Nakaramdam ng kaba ang dibdib ni Summer pagkatapat niya sa babae kanina.Tila iba ang pakiramdam niya ng nga sandaling iyon.Bumilis ang pagtibok ng kanyang puso.Siya ba ang taong bumangga sa amin?Why?Ano ang koneksiyon niya sa buhay namin?nalilitong tanong ni Summer sa sarili.
Pauwi na siya ng mga oras na iyon pero hindi pa rin nawawala sa isipan niya ang mukha ng babae.
"Shit! Shit!" Mura niya. "Imposibleng siya 'yon? Hindi magagawa ng mukhang iyon, pero siya talaga 'yung nakita ko," ani Summer.Kinakausap ang sarili.

Mayamaya pa ay tumunog ang kanyang cell phone.Sakto namang nasa loob na siya ng bahay nila.Tinawagan siya ni Rain.Gising na raw si Thunder.Puwede na nila itong dalawin sa hospital.Kaya naman agad siyang pumanhik sa kanyang kuwarto na walang nakakahalata.Magbibihis lang siya at pupunta sila ng Ninang Jackie niya sa hospital para dalawin si Thunder.

"Don't worry my little brother. Kilala ko na kung sino ang nakabangga sa atin. Just give me time para mahuli siya. Kung walang ibensiya ang mga pulis sa aksidenteng iyon, ako ang bahalang gumawa ng paraan para mapatunayang siya nga ang bumangga sa atin. Hindi niya puwedeng takbuhan ang krimeng ginawa niya. I have a plan," ani Summer.Pinangako niya sa sarili na magbabayad ang taong gustong nanakit sa kanila.

Next....

Single Dad meet NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon