GALIT habang nagpaparoo't parito ang lakad ni Leticia sa loob ng kanilang maliit na sala habang ang asawa naman nito at ang señor Salvador ay naroon sa labas ng kanilang bahay at seryosong nag-uusap. Hanggang ngayon ay nagpupuyos pa rin sa galit ang ginang dahil sa ginawang pagtakas ng kaniyang anak. Sobra rin itong nahihiya sa señor dahil sa ginawa ng dalaga. Nakapirma na sila kanina tungkol sa kasunduan ng kasal nang dalawa at sa bayad na matatanggap nilang mag-asawa galing sa señor Salvador, ngunit laking gulat na lamang ni Leticia nang biglang tumakas si Gracia.
"Mis disculpas nuevamente señor Salvador. No te preocupes, encontraremos a mi hija lo antes posible. Ella volverá en poco tiempo. Y como prometimos, la boda continuará." Humihingi po ulit ako ng paumanhin sa inyo señor Salvador. Huwag po kayong mag-alala, hahanapin kaagad namin si Gracia. Babalik po kaagad siya. At kagaya po sa pangako namin sa inyo... matutuloy po ang kasal. Hinging paumanhin at pagpapaliwanag na rin ng ama ni Gracia sa señor.
"Para ser honesto, me decepcionó el comportamiento de su hija." Sa totoo lang, nadismaya ako sa ginawang ito ng anak mo. Seryosong saad ng matanda. Mayamaya ay nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga. "Leticia y yo ya hablamos sobre esto. Ella me dijo que todo está arreglado, ¿qué pasó ahora? Tu hija se fue." Nag-usap na kami ni Leticia tungkol dito. Ang sabi niya okay na ang lahat, pero ano ang nangyari ngayon? Umalis ang anak ninyo.
"Por favor señor." napapatungo na lamang na saad ng lalake sa matandang kausap.
"Usted ya pirmó el contrato señor Calderón. ¿Qué hay sobre eso? No quiero desperdiciar mi dinero por nada." Nakapirma ka na sa kontrata natin Mr. Calderon. Paano naman 'yon? Ayokong masayang ang pera ko sa wala lang.
"Sé que el señor Salvador. Te pedimos perdón de nuevo. Mi esposa y yo aún nos aseguraremos de que no este decepcionado con nosotros. Encontraremos a Gracia pronto. El dinero que paga nunca se desperdiciará." Alam ko po iyon señor Salvador. Humihingi po ulit kami ng patawad sa inyo. Sisiguraduhin po naming mag-asawa na hindi kayo madidismaya sa amin. Hahanapin po namin kaagad si Gracia. Hindi po masasayang ang perang ibabayad ninyo. Muling saad nito at ipinagsalikop pa ang mga palad. Matamang sinalubong ang mga mata ng serñor Salvador. Mayamaya ay lihim itong napalunok ng kaniyang laway. Nakakatakot ang matanda kung tumingin. Parang anumang sandali ay maaari kang panawan ng ulirat sa sobrang kaba.
"Quiero ver a tu hija mañana por la mañana. Si no, sabes lo enojado que estoy Ramón." Gusto kong makita agad bukas ng umaga ang anak ninyo. Kung hindi, alam mo kung paano akong magalit Ramon. Anito na tila may kasama pang pagbabanta.
"Mañana por la mañana nuestra hija está aquí. Pido disculpas de nuevo señor." Bukas ng umaga ay nandito na po ulit ang anak namin. Humingi ako ng tawad muli sa inyo señor.
"Bueno!" anang señor Salvador bago ito nag lakad palapit sa kaniyang Mercedes Benz at lumulan doon.
"ANG SABI ko naman sa 'yo Octavio huwag ka ng magdala ng pagkain. Marami naman dito e!" anang babae na papalapit sa kinauupuan nang dalawang lalake habang kalong nito ang anak. "Ayan tuloy ang nangyari sa 'yo."
"Isabel, kilala mo naman 'yang si Octavio... kung ano ang sabihin niya 'yon ang gagawin niya. E, gusto niya raw magdala ng pagkain so he did. Ang malas niya lang at nauwi lang sa wala ang mga pagkain niya." mabilis na singit ng asawa nito. Ang kaibigan ni Octavio.
Napapailing na lamang ang binata pagkuwa'y nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga.
"By the way, nasaan na ang babaeng sinasabi mo?" tanong ng kaibigan niya.
"Nasa cr. Sinamahan ni Esrael para mag linis ng katawan." tila wala sa mood na sagot nito. "I'm sorry kung hindi man ako nakaabot sa binyag ng anak mo kanina." hingi na rin nito ng paumanhin sa lalake.