"RAMON, saan natin hahanapin si Gracia? Kung saan-saan na ako lumapit para mag tanong. Pati ang mga kaibigan niya tinanong ko na rin kung may alam sila kung nasaan ang anak mo." hindi pa rin mapakaling saad ni Leticia sa asawa.
"Huwag ka ngang mag-aalala Leticia. Makikita rin natin ang batang 'yon."
"Paano naman ako hindi mag-aalala Ramon? Kilala mo kung paano magalit ang señor Salvador. Paano na lang kung mag demanda 'yon? Ano ang gagawin mo?"
"Oo na! Naiintindihan kita. Kaya puwede ba, tumahimik ka na muna diyan at ako'y nalilito na dahil sa 'yo." anang asawa nito pagkuwa'y tumayo mula sa kinauupuan. "Kinuha mo naman ang passport niya hindi ba?" dagdag na tanong nito.
"Oo, pero baka kinuha niya rin ata kasi wala na roon sa pinaglagyan ko."
Mayamaya ay biglang nagkatinginan ang mag-asawa. Tila iisa lamang ang kanilang iniisip kung saan maaaring mag punta ang dalaga.
"Panigurado akong uuwi siya ng Pilipinas." anang Leticia.
"Kailangan nating matawagan ang lola niya roon."
"Paano? Wala na tayong kontak sa kanila mag mula nang mag away kayo ng kapatid mo. Paano natin malalaman kung nasa Pilipinas nga si Gracia? At isa pa, kahapon lang siya tumakas... panigurado ako na nandito pa siya sa Spain." saad nito. Mayamaya ay muling napaupo sa silyang nasa tapat ng hapag nila si Leticia. "Kailangan nating maibalik dito si Gracia. Panigurado akong mamaya ay nandito na ang mga tauhan ni señor Salvador."
"Huwag ka ng mag-alala. Pupunta ako ngayon sa mga pulis para humingi ng tulong." anang asawa nito.
"Mabuti pa nga. Kakausapin ko na rin ang kapatid ko sa Cavite kung puwede natin siyang mautusan na pumunta sa inyo sa Bulacan para itanong kung sakaling umuwi roon si Gracia."
"AHHH!" malakas na sigaw ni Gracia nang pagbukas ng mga mata niya'y bumungad sa kaniyang paningin ang binata na nanlalaki ang mga matang nakatingin din sa kaniya. Kagaya nito ay gulat ding napabalikwas ng bangon ang dalaga dahilan upang matanggal ang kumot na nakatabing sa hubad nitong katawan. Wala sa sariling napatitig si Octavio sa dibdib ng dalaga. Pero mayamaya ay mabilis din itong nag-iwas ng paningin dito. "Ahhh! Pervert!" muling napatili ang dalaga. Mayamaya ay mabilis nitong dinampot ang kumot at muling itinabing sa katawan niya. Ramdam pa nito ang pag-iinit sa kaniyang mukha dahil sa pagkapahiya. "Ahhh!"
Biglang bumukas ang pinto ng silid at iniluwa roon si Esrael na halatang kagigising lamang dahil sa pambubulabog ng dalaga.
"Away! Saan ang away?" humahangos na tanong nito.
"Fvck you Esrael! What is she doing here? Bakit nandito sa kuwarto ko ang batang 'yan?" galit na tanong ni Octavio kay Esrael pagkuwa'y mabilis itong bumangon sa gilid ng kama at nilapitan ang kapatid. Matalim na titig ang ipinukol nito sa binata. Kung nakakamatay lamang ang titig niya rito, malamang na nakabulagta na ngayon ang Esrael sa paanan niya.
"Chill bro!"
"Chill? Do you want me to kill you Esrael?" singhal ni Octavio. Nanggigigil talaga siya sa lalakeng nasa harapan niya ngayon. Umagang-umaga pinapainit nito ang kaniyang ulo. Kapag hindi siya nakapagpigil dito, panigurado si Octavio na masasapak niya ito.
"Chill. Let me explain first brother. Ang high blood mo naman." anito at nagawa pang ngumiti sa kabila ng labis na pagkainis ng kaniyang kapatid sa kaniya. "Binulabog mo na nga ang masarap kong tulog e!" parang nagrereklamo pang saad nito at nagsimulang humakbang palapit sa kinaroroonan ni Gracia.
"Esrael." nagtitimpi pa ring saad ni Octavio.
"Just wait okay! Mag bihis ka muna, mahiya ka naman sa BATANG ito. Nakabalandra 'yang katawan mo. Hindi ka naman macho." nang-aasar pa ring saad nito pagkuwa'y muling binalingan ng tingin ang kapatid.