“WHERE did you take her?” galit na tanong ni Octavio kay Judas nang makapasok sa opisina niya ang kaniyang kapatid. Magkasalubong na naman ang mga kilay at madilim ang hitsura niya. Kaagad siyang tumayo mula sa pagkakaupo niya sa kaniyang swivel chair at umikot sa unahan ng lamesa.
“I took her home.”
“What? Are you fucking insane?” mas lalo pang tumaas ang boses niya. “Damn it, Judas!” tila nauubusan siya ng pasensiya at napapapikit na lamang nang mariin, pagkuwa’y napatiim bagang din. “That woman still owes me, Judas! She has to work for me so that she can pay what she owes me.” Galit pa ring tinitigan niya ang kaniyang kapatid, pagkuwa’y umupo siya sa gilid ng kaniyang mesa.
Mabilis namang nangunot ang noo ng huli, at tumitig nang seryoso sa kaniya. “Utang?” tanong nito. Iyon din ang sabi rito kanina ni Gracia. “I thought Esrael is the one who bought Gracia’s ticket back here to the Philippines?! I talked to him earlier, but why are you charging Gracia?”
“It’s none of your business, Judas! Just get her back!” tiim bagang na utos niya sa kapatid. Umalis siya sa pagkakaupo sa gilid ng mesa at muling bumalik sa kaniyang swivel chair. “Go!”
“I don’t think I can do that, brother. It’s already working hours.” Kibit-balikat na saad nito at sinabayan pa ng nakalolokong ngiti na siyang naging dahilan ng mas lalong pagdidilim ng hitsura niya.
Matalim na titig pa ang ipinukol ni Octavio sa kapatid, ’tsaka siya muling nagpakawala ng malalim na buntong hininga. “Get her back or else you will be responsible for me. You know me, Judas,” may pagbabanta pang saad niya sa kapatid.
Muling nagkibit lamang ng mga balikat ang huli, ’tsaka ito prenteng umupo sa isang silya na nasa tapat ng lamesa niya. “You know what? I’m just thinking . . . why don’t you try dating Gracia? After all, ikaw naman ang kasama niyang umuwi rito sa Pilipinas, and you seem like a good match,” sabi nito, binalewala pa ang talim at mapamatay na titig ni Octavio. “I mean, para naman maging masaya kahit papaano ang buhay mo. Hindi ’yong puro trabaho ka na lang. You have spent the entire day locked up here in the four corners of your office. Try to enjoy your life Octavio, you’re not getting any younger.”
“Do you want me to kill you right now?” sa halip ay malamig na tanong niya sa kapatid.
Natawa naman nang pagak si Judas na sinundan pa ng pag-iling. “I don’t understand you, Octavio.”
“Then don’t. I just want you to get that kid back again, Judas!” asik niya pa. “Go!” aniya at itinuro ang nakasaradong pinto ng kaniyang opisina.
“O—” nabitin ito sa pagsasalita nang biglang tumunog ang cell phone nitong nasa loob ng bulsa ng pantalon na kupas na suot nito. “Wait a minute,” ani nito at dinukot ang aparato. Kunot ang noo na tinitigan nito ang screen bago muling tiningnan ang kapatid. “Oh! I have an emergency. I need to go,” saad nito at kaagad ding tumayo sa puwesto nito.
“What? You can’t go just like that. I need you to get her—”
“I’ll send you the exact address, okay? Just tell someone else to pick up Gracia first, or you just go to pick her up again,” turan nito, pagkuwa’y mabilis at walang paalam na nilisan ang opisina niya.
Napapabuntong hininga na lamang siya habang nakatitig nang matalim sa nakasaradong pinto. Pigil ang galit sa kaniyang kapatid.
“GRACIA!” anang babae habang may bitbit itong baso ng tubig at iniabot iyon sa dalaga. Umupo ito sa kaibayong silya. “Pasensiya ka na, a!”
Malungkot na nag-angat ng kaniyang mukha si Gracia upang tapunan ng tingin ang babae. Ngumiti siya nang mapait. “Hindi ko man lang naabutan ang lola,” malungkot na wika niya. Inilapag niya sa maliit na mesa ang baso ng tubig, pagkuwa’y muling pinunasan ang butil ng mga luhang naglandas sa kaniyang pisngi.