CHAPTER 15

6.8K 197 3
                                    

“S-SIR OCTAVIO?” gulat na sambit ni Gracia sa pangalan ng binata nang madatnan niya ito sa labas ng bahay ng kaniyang lola. Ang sabi kanina ni Marie sa kaniya nang nasa sementeryo pa sila ay may lalaki raw na naghahanap sa kaniya kung kaya’y nagpasiya na muna siyang umuwi at babalikan na lamang ang abuela mamayang bandang hapon. Hindi naman niya naisip na ang masungit na si Octavio pala ang lalaking naghahanap sa kaniya.

Teka! Paano nito nalaman ang kaniyang lugar? Si Judas ba ang nagsabi rito kung nasaan siya ngayon?

Mula sa kinatatayuan ay nagbaling ng tingin ang binata sa gawi niya. Suot sa mukha nito ang hindi maipintang hitsura.

As usual, magkadikit na naman ang mga kilay nito at matalim ang titig sa kaniya.

“S-Sir—”

“Let’s go!” saad nito upang putulin ang kaniyang pagsasalita. Walang ibang sinabi ang binata, pagkuwa’y nagsimulang humakbang at nilagpasan siya upang muling bumalik sa sasakyan nito.

“P-Pero, sir,” wika ni Gracia at nagmamadaling sumunod dito. “Sir, nakausap ko na po si Sir Judas kahapon.”

“I don’t give a damn. Sa ’kin ka may utang, kaya ako dapat ang sundin mo,” tiim bagang na saad nito at muli siyang hinarap.

Wala sa sariling napayuko naman siya kasabay ng paglunok ng kaniyang laway. Nag-uumpisa na naman kasing bayuhin ng kaba ang kaniyang dibdib dahil sa takot sa binata. Parang mangangain na ito ng buhay.

“Hangga’t hindi ko sinasabing umalis ka, ibig sabihin, hindi ka pa bayad sa utang mo sa ’kin. Kaya kung ayaw mong ibalik kita sa pinanggalingan mo, do what as I say. Understand?”

“O-Opo, sir,” tanging naging tugon niya habang nakayuko pa rin sa harapan ng binata.

“Get in! You are wasting my time.”

“Gracia! Saan ka pupunta? Sino ang mga lalaking ito?” nagtatakang tanong ni Marie nang makalapit ito sa puwesto niya at makita ang sasakyang nakaparada sa tapat ng bahay ng Lola Sita niya.

Kaagad namang nag-angat ng kaniyang mukha si Gracia upang tapunan ng tingin ang kaibigan. “Um, Marie, puwede ba akong makisuyo sa ’yo? Puwede ba na ikaw na muna ang bahala rito sa bahay ni lola?”

“Huh? Bakit? Aalis ka? Sino ’yang lalaking ’yan?” usisa pa na tanong nito habang nakatingin sa magara at mamahaling sasakyan ni Octavio. Lulan na roon ang binata.

“A-Ano . . . b-boss ko. Siya ang tumulong sa ’kin na makauwi rito sa Pilipinas. E, kailangan ko kasing magtrabaho sa kaniya para makabayad sa utang ko. Maaari ba na ikaw na muna ang bahala rito sa bahay?”

“Oo, sige! Huwag ka nang mag-alala at kami na ni mama ang bahala rito.”

“Salamat. Hahanap na lang ako ng paraan para makontak ka habang nasa Maynila ako.”

“Huwag mo nang isipin ’yon. Mag-iingat ka,” ani nito at bahagya pang nagpakawala nang matamis na ngiti sa kaniya.

Matapos makipag-usap at makapagpaalam si Gracia sa kaibigan ay sumaglit pa siya sa loob ng bahay ng kaniyang abuela upang kunin doon ang ibang gamit na kakailanganin niya. Mabuti na lamang at may mga damit doon ang kaniyang lola na hindi na yata nito nagagamit noon at kasya naman sa kaniya, kaya kinuha na niya at siya na ang gagamit n’on. Dinala niya rin ang isang picture na magkasama sila ng kaniyang abuela.

Pagkalabas niya ng bahay ay muling bumungad sa kaniya ang matalim na titig ng binata. Lihim na napapalunok na lamang siya ng kaniyang laway. Mainit na nga ang panahon, mas lalo pang nag-iinit dahil sa hitsura nitong hindi maipinta.

“What took you so long?” galit na tanong nito.

“S-Sorry po, sir,” aniya, pagkuwa’y niyakap ang bag na bitbit at muling nagbaba nang paningin dito. Hindi niya talaga kayang salubungin ang matalim na mga titig nito. Para kasing ano mang sandali ay malalagutan siya ng hininga kapag nagtagpo nang ilang segundo ang mga mata nila.

BRIDE FOR SALETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon