Chapter 1

65 7 0
                                    

Earl Andrew's POV

         Hey guys! Ako nga pala si  Earl Andrew Eveleigh, o mas kilalang 'The King of Cassanova'. Alam ko na maraming gwapo dito sa Academy but to tell you honestly, ako ang pinakagwapo,pinakasiga at pinakamayaman. Dahil nga sikat ako, maraming babae ang nangangarap na makuha ako. Hahahahaha, mga kawawang babae katawan lang ang habol ko sa inyo! Kung marami man akong fans, marami rin akong basher. Ang palagi namang comment ng mga fans ko ay ang gwapo ko daw, actually hindi naman maitatanggi (A/n: Sanayin nyo na ang pagiging mahangin ni Earl)  at ang comment naman ng mga basher ko iisa lang din, ang babaero ko daw. Tsk! Para sakin,matatawag ba akong 'King of Cassanova' kung hindi ako babaero.  Hay! Gusto ko talagang sabihin sakanila na ang bobo nila o sadyang tanga lang. Habang nasa imagine land pa ako , biglang may humalik sa pisngi ko na syang nagpabalik sa katinuan ko, alam kong wala nang gagawa non kundi ang famous dito sa Academy, si  Diana Villanueva.
"Hi babe, 'san punta mo?" tanong nya sakin sabay kapit sa braso ko. Yuck! Kadiri talaga tong babaeng to! Tawagin ba naman akong babe!
  "Diana, wag mo nga akong tawaging babe. Dahil wala namang tayo ah!" sagot ko sakanya sabay tanggal sa kamay nya na nakapulupot sa braso ko.
"Earl my loves, di mo naman sinabi na break na tayo!" pagmamaka-awa nya habang humihikbi. Sos! Kala nya matatablan ako sa dramang ginagawa nya.
"Tsk! Stop playing dumb Diana! Kilan naman kita niligawan? When and where?! Diba wala? Cause you take me force, kaya para sayo lovers tayo pero para sakin hindi.   So if you don't like that I am the one who will announce the truth, we should do the oh-so-called 'BREAK UP'."  Paliwanag ko sakanya. Tama naman ako ah, wala namang kami. Pero para sakanya merong kami , hahahaha, tanga talaga nitong babaeng to.

"What no?! I can't let you go! You are mine Earl! You are mine!" sigaw nya at aakmang hahalikan ako. Pakshi! Obsessed na to! Bago pa lumanding ang labi nya sa labi ko agad ko na syang tinulak. At ayon lumanding sya sa damuhan dito sa likod ng building ng academy. Pasalamat talaga akong nasa likod kami dahil panigurado issue na naman!

"Listen Diana, ito dapat ang isalpak sa utak mo. Pagsinabi kong walang tayo, wala talaga yan!" inis kong pagkasabi sabay alis. Dumiretso na  ako sa canteen dahil alam ko namang tapos na ang first class ko, at di ako nagkakamali. Nasa last table ang annoying friend ko na si Julian.

"Hey dude! Anong nangyari ba't nakabusangot ka?" tanong ni Julian sakin habang kumain ng spaghetti. By the way meet Julian Xerses Seville, sya lang ang best friend ko at bakit? Kasi sya lang tinatawag na 'The Prince  of Cassanova' dito sa Norn High Academy, ang galing diba?

"Si Diana."sagot ko sabay tabi sa kanya.

"Hahahahahah, napaka obsess talaga ni Diana sayo."aniya sabay bigay sakin sa extra plate na may lamang spaghetti w/ drinks. Napangisi naman ako sa ginawa nya.

"Jul. Kilan ka naging generous?" tanong ko habang nakangite, kahit ganito si Julian may puso pa naman to.

Si utak: Malamang may puso talaga yan Earl! Pano sya mabubuhay?!

Shut up utak di kita kinakausap! Ang mga readers ang kinakausap ko!(kung meron🤣) At tsaka alam kong may puso sya, I mean may mabait rin syang ugali!!!

Si utak: Okay!Okay! Chill! Side comment ko lang naman yun!

Tss! Bumalik na nga lang sa katinuan....

"Alam mo Earl, mabait naman talaga ako...sa kaibigan ko lang." aniya sabay tapik sa balikat ko kaya napatawa ako. Ang galing umarte!

" Oy Earl anong tinatawa-tawa mo dyan? Epekto na ba yan sa ginawa ni Diana sayo?"  tanong nya sabay kamot sa batok, napatigil naman ako sa pagtawa.

"Walang ginawa si Diana sakin." sagot ko sabay subo ng spaghetti.

"Yun naman pala eh." aniya at kumain.

Mga ilang minuto rin kaming nag usap at tumitingin sa mga magagandang babae sa canteen bago nag bell. At bilang 'mabait' na mga anak ng Eveleigh at Seville pumasok kami ng classroom.

    



*End of Chapter 1*

The Journey Of Two Idiots In Isle National High School (DISCONTINUED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon