Chapter 3

25 6 0
                                    

     "Earl we need to talk." sabi ni mama sabay tayo galing pagkaupo sa upoan, malamang naman noh?
"Ano naman po yun?"sagot ko sa kanya habang nakatayo parin sa kinaruru-unan ko.
"Anak alam kong nagkulang ako sayo." nginitian ko lang sya ng plastic, well ganito naman ako makipag-usap sa lahat ng taong nakakausap ko except lang kay Julian at kuya Rhyle.
"Buti alam mo." sagot ko at aakmang lalabas ako sa bahay nang magsalita na naman sya.
"Anak I need to talk to you." aniya ni mama.
" We're already talking ma." sabi ko pero hindi ko sya nilingon.
"Anak alam kung nagkaganyan ka dahil sa pagkukulang namin ng papa mo. But this time, I'm so worried about you." dahil sa inis ko hinarap ko si mama.
"So this time ka lang nag-alala sakin, ganun ba ma?!" dahil sa hindi inasahang pagsigaw ko kay mama nasampal nya ako.
"Earl Andrew Eveleigh! Don't you dare to be rude at me!" hindi ko nalang pinansin at agad akong umupo sa couch sa sala namin para matapos na ang gulong to.
"Good Earl, nalaman ko sa principal ng Norn High Academy na bumaba ang grades mo sa pagkacu-cutting kaya napasyahan ko na ipatransfer ka sa isang public school para matutu kang maging matino at isa na yan sa mga parusa ko sayo." nagulat ako sa lahat ng sinabi ni mama. Ako, itransfer sa isang public school? Iprocess ko nga ng maayos, nag-aral ako sa isang pangmayaman na academy since junior high school tapos ngayong senior high na ako sa public ang bagsak ko?! Hindi pwede yun!
"Ma! Pwede mo naman akong ipunta sa ibang academy, wag lang sa public!" sagot ko kay mama sabay tayo.
"No choice ka kung di ka lang nagcu-cutting sa academy hindi kita ipapatransfer. Pero sabi nga nila anak, nasa huli ang pagsisisi kaya bare with your punishment." aniya ni mama sabay alis, she left me dumbfounded. Dahil hindi ko tanggap ang sinabi ni mama natulog na lang ako ng maaga, di na ako tutuloy sa pupuntahan namin ni Julian. Padabog akong pumasok sa kwarto, at dumiretsong humiga sa kama. Pinipilit ang mga matang pumikit pero kahit anong pilit ko hindi parin ako makatulog. Iniisip ko kasi kung ano ang mangyayari kapag mapunta ako sa public at isa pa, hindi ko inasahang ang katulad kong king of cassanova mapupunta sa isang public school. Ginulo ko na lang ang buhok ko dahil sa frustration. Habang ginugulo ko ang buhok ko, biglang may pumasok sa isip ko. Ba't di ko isama si Julian? Tama! Isasama ko si Julian Xerses Seville.

|Kinabukasan|

Maaga akong gumising para makausap ko si Julian, sasang-ayon kaya yung kumag na yon? Ughh!!! Mamaya ko na yan iisipin baka mabaliw ako nito.

>>> 30 minutes later...

Agad akong bumaba para kumain at hindi ako nagkakamali, andon si mama at papa. Oh shit! Magdedisisyon na ba ako?

Si utak: Tanga ka rin Earl noh?! Hindi mo na kailangang magdesisyon dahil hindi ka naman sinabihan na hinhintayin ang desisyon mo because either you agree or not, wala nang atrasan!

Tss! Highblood utak ko ngayon, ang dami kasing iniisip.

Si utak: Tama ka kaya kung ako sayo kumain ka na lang!

Oo na! Makabalik na nga sa katinuan. Pagkaupo ko sa upoan, agad akong binati ni mama.

"Good morning son." di ko sya sinagot dahil nagagalit pa ako sa nangyari kahapon at isa pa nagmamadali ako.
" Earl, sinabi ng mama mo na denisisyonan nya ang parusa mo sa pagcu-cutting." aniya ni papa, alam kong nag open lang sya ng topic pero nah... Still no response.
"Tama ka honey, dapat lang sa kanya." aniya ni mama habang kumakain.
"Earl, gusto mo ba magsama ng kaibigan?" tanong ni papa dahilan para mapatigil ako sa pagkain ko. Tamang-tama!
"Opo! May isasama po ako!" ako sabay ngite sa kanya ng napakalapad.
"Hay salamat nagsalita na itong anak natin honey." si mama kaya napatawa kami ni papa, kahit lagi silang walang paki sakin may bonding rin kami pero MINSAN lang.
"At sino naman ang isasama mo?" tanong ni papa agad naman akong sumagot ng....
"Si Julian po" bigla namang tumingin si mama sa direksyon ko.
"Ang galing naman ng napili mo. Ang anak pa ni pareng Sanchi."aniya ni papa, na ikanatango ko.

"Opo pa sya po."

"O honey, kinausap mo na ba ang parents ni Julian?" tanong ni papa kay mama, agad namang sumagot si mama ng...

"Kagabi pa honey."

What?! So plinano to ni mama?! Tsk!tsk! Ito talagang ina ko!!!! May pagka-tsundere. So it means di ko na kailangang sabihan pa si Julian dahil alam kong kinausap na sya ng mga magulang nya.
Agad kong tiningnan ang relo ko at nang makita ko ang oras agad akong nagsalita...
"Ma, pa kailangan ko nang umalis. Malalate na ako." ako sabay tayo at umalis.

∆×∆×∆×∆

At School........

Agad kong pinark ang kotse ko sa parking lot ng Academy. Pagkababa ko sa kotse agad akong sinalubong ni Julian. Hahaha, kawawang Julian, nakabusangot.

"Kaya ba hindi ka pumunta dahil sa sinabi ng parents mo?" tanong nya sakin.
"Oo tama ka Julian. Nasabihan ka ba rin ng parents mo?"tanong ko pabalik sa kanya, tumango lang sya. Papunta kami sa classroom namin kaya as usual maraming babae ang nakatingin samin, ang hirap talagang maging gwapo.
Nang nasa classroom na kami, agad syang umupo sa upoan at ganun din ako. Mga ilang segundo rin kaming naging tahimik hanggang sa nagtanong sya.....

"Earl alam mo ba kung saan tayo ipatransfer?" tiningnan ko ang direksyon nya at yun nakita kong busy sya sa phone nya.

"Di ko alam" sagot ko sa tanong nya. Bigla naman syang tumingin sakin.

"Hindi ba sinabi ng mama mo na sa Leyte tayo ipatransfer?" aniya nya dahilan para magulat ako.

Ano?! Sa Leyte? As in LEYTE?! Sabihin nyo nga sakin nanaginip lang ba ako???

Can someone help me?!?!?!?!



'End of Chapter 3'





÷×÷×÷×÷

Hello po sa inyo! Salamat sa pagbasa nito at tsaka advance sorry na lang sa inyo kung hindi agad ako maka update kaya kahit late updater ako, sana suportahan nyo parin also before I forgot😅. Ang mga pangalan ng paaralan, hotel, cafe or etc. ay isa lang piksyon. Yeah gawagawa ko lang ang mga pangalan, pero ang lugar na Leyte or Tacloban City ay totoong bahagi ng Region VIII. Ang mga pangalan lang ng mga schools or kahit anong komersyal sa story ay gawagawa ko lang, I hope you understand and sana hindi kayo magsasawang suportahan ang story ko......

Again Sorry for advance and thanks!

Don't forget to vote, comment and also share this story....

-HunterK_27


The Journey Of Two Idiots In Isle National High School (DISCONTINUED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon