Chapter 6

26 3 0
                                    

Dedicated to lianje_regino

••••••••••••••


    -Julian's POV

Sa wakas nakarating rin kami sa Leyte! Mga 50 minutes lang ang byahe papunta dito, at alam kong alam nyo na kung ano ang ginawa, syempre natulog lang ako. Tiningnan ko ang labas ng bintana ng kotse, oo agad kaming sumakay ng kotse dahil nag-iinarte kasi ang isa! Balik na nga lang sa view.

    "Not bad."

Wala sa sarili kong turan, nagmangha kasi ako sa mga gilid ng kalsada. Di katulad sa Manila nagkandarapa lang ang mga vendors pero dito naka well arrange sila, tapos napaka unique ng mga binibinta nila at isa na sa napaka unique sa kanila ay kanilang lingwahe. Ano nga yun? W-waray??? Ay oo yun ang sinabi ng  assistant namin, nasa Tacloban pa daw kami kaya waray ang lingwahe nila (which is true).   Habang bumabyahe kami, ginagawa ko na ang lahat gigising lang tong si sleepyhead.

  "Oi Earl gumising ka nga! Tingnan mo ang ganda ng kalsada nila! Tingnan mo dali!" turan ko habang hinahablot ang hood nya.

"Tigilan mo nga ako Jul! Makikita ko naman yan mamaya!" may pagkagaspang pa ang kanyang boses dahil sa kakatulog nya. Napapout naman ako sa sinabi nya, napakabad talaga. Di bali mamaya ko nato bwibwisitin, maglalaro muna ako ng Welcome to Mobile Legend. Heheheheheh..........

  

[]•[]•[]•[]•[]


Makalipas ang ilang oras, nakarating din kami sa Palompon, Leyte. At heto ako, nakatunganga sa nakikita ko ngayon, totoo ba ito?! Maliit na bahay ang titirhan namin?! Puntahan ko nga si Earl, nasa kotse pa kasi ang maarte.

  "Oi Earl! Alam mo ba kung gaano ka laki ang bahay?!" masaya kong turan, para naman maniwala syang malaki ang bahay.

  "Oo alam ko kung gaano KALIIT ang bahay." hehehe, alam pala nya😅.

   "Ah.... Alam mo pala eh, tara tingnan natin!"

  "Wala ako sa mood Jul."

   Tss! Palagi naman! Hindi ko na  sinayang ang lakas ko, agad ko syang hinila palabas sa kotse at pumasok sa bahay. Hahahaha, bahala na syang kanina pang nagmumura.

Nang makita ko ang loob ng bahay, hindi naman masama ang desinyo ng bahay ang ayaw ko lang. May maliit na sala, isang banyo wait! Isang banyo lang?! May dalawang maliit na kwarto tsaka maliit na kusina, o diba puro maliit?

Habang abala sa kakaikot ng ulo ko, binalingan ko muna si Earl at yun nagdadalawang umupo sa upoan na gawa sa bamboo. Hehehe, alam ko na hindi sya fan sa mga rough surface.  May biglang  pumasok sa bahay at napagtanto ko na ang assistant lang pala namin ni Earl.

"Sir Earl, sir Julian. Hihintayin po muna natin ang may-ari ng bahay."

Tumango  lang ako at ang Earl naman, nakaupo na sa sahig. Hahahahaa, sinabi ko na sa inyo eh! Mas gugustuhin pa nyang umupo sa malamig na sahig kesa sa kawayang upoan. Maarte kasi!

  "Sa pagoobserba ko sayo Julian para kang nasisiyahang nakita mo akong umupo sa sahig." aniya habang nakabusangot parin. Bigla akong natawa  dahilan na makita ko ang pagmamaktol nya. Hahahaha, pabayaan muna natin.

Hindi pa umabot ng ilang segundo, dumating rin ang may ari nito. Isang matandang babae na masayang nakikipag usap sa assistant namin, nasasalita sa linggwaheng bisaya.

"Anong language ang ginagamit nila?" napalingon ako sa nagtanong, si Earl na ngayon ay nakatayo at pinagpagan ang maong nyang pants.

"Bisaya daw yan sabi ni assistant Bryan." sagot ko, agad naman syang tumango.

Bigla kaming nilingon ng matanda kaya ngumite ako habang si Earl naka stoic lang ang mukha, ipinapakita talaga nyang hindi nya gusto dito.

"Ale eh! Magandang umaga sa inyo! Ako nga pala si  Rebecca Pandac, pwede nyo akong tawaging Aling Ebe." pagiintroduce nya sa kanyang sarili, napanganga naman dahil sa mangha. Ang husay nyang magtagalog ah!

"Oi iho, wag kang nganganga baka mapusakan iyan ng langgaw." natatawa nyang turan. Di ko na talaga mapigilang magtanong.

"Paano po kayo, natotong magtagalog?" bigla naman akong nakaramdam ng mahinang sipa sa paanan ko at napagtanto kong si Earl ang sumipa. Ano bang mali sa tanong ko?

"Hahahaha, kahit hindi ako nag aral nong kabataan ko. Marunong parin akong magtagalog dahil sa mga apo ko." sagot nya ikinatango ko, di naman pala masama kung dito na ako mabagsak sa Leyte. Basta lang andito si Aling Ebe, maiintertainen kasi.

  "Eh kayo iho? Anong pangalan nyo?" tanong nya habang nakangite.

  "Julian Xerses Seville po." sabi ko sabay abot sa kamay nya para magmano.

Sabi kasi ni papa na dapat akong magbigay ng respeto dito para mapadali ang punishment ko. Binalingan ko naman si Earl na nakastoic parin, sinipa ko ang paanan nya kaya tinaliman nya ang kanyang tingin sakin, tinaasan ko naman sya kilay at yun rin ang ginawa nya. Aba! Hindi talaga magpapatinag, nilapitan ko sya at kinausap.

"Earl maging mabait ka muna ngayon sa Leyte para mapadali natin ang ating punishment, alam mo bang sya ang magbabantay satin?" pangungumbinsi ko sa kanya, bigla naman syang nag roll eyes.

"Huh! Akala mo malilinlang mo ako?! Sinabi na ni mama na—"

"Hep! Alam kong  wala syang sinabi na specific date, di natin alam pagsinabi ni Aling Ebe na mabait na tayo dito baka ipauwi  tayo kaagad!"

"Tss, fine!"

Napangite naman ako dahil nagawa ko syang kumbinsihin, napakahirap pa namang kumbinsihin tong haring gangis nato, agad syang nagmano sa matanda at nagsalita....

   "Ako nga po si Earl Andrew Eveleigh, sorry po sa ugali kong ipinakita kanina. Naninibaguhan lang po."

Malapit na ako matawa sa sinabi nya, sos! Napakaamo nya tingnan sabayan pa yung magaganda nyang turan. Mapagkamalan mong mabait at masunurin na bata.

Nakita ko paano nya napangite ang matanda, bigla kasi itong tumawa habang hinahaplos ang fluffy hair ni Earl.

   "Hindi ko akalain na malaki na pala ang anak ng inaalagaan kong bata. Kumusta na si Gio, ang tatay mo?" what?! Papa pala ni Earl ang inaalagaan nya?! Kaya pala mahusay magtagalog dahil na rin siguro sa pamilya ni Tito Gio, sabayan pa ang kanyang mga apo ni Aling Ebe na sapag kakaalam ko ay mahusay ring magtagalog.

"Te-teka?! Ikaw po yung yaya ni papa?!" di mapaniwalang tanong ni Earl.

Alam ko na ang dahilan kung bakit dito kami pinadpad ng mama ni Earl dahil siguro sa matandang to, yaya pala sya ni Tito Gio at siguro kilalang-kilala sya ni Tito kaya dito kami napunta dahil may tiwala sya kay Aling Ebe.

Nakita ko namang tumango si Aling Ebe, may narinig akong tumawa sa likod namin ni Earl kaya tiningnan namin, yun pala si Bryan ang assistant namin.

"Naparami ang usapan ah? Nakalimutan nyo nang matulog."

Tumawa kaming lahat sa sinabi ni Assistant Bryan, oo nga noh? Nagplano pa sana akong matulog tsaka bwibwisitin tong si master.

"Hehehehe, napaganda kasi ang usapan namin. Napakaentertainen kasi ni Aling Ebe ayan tuloy." sagot ni Earl, nakikita ko na talaga ang totoong Earl. Ang masayang lalaki na kaibigan ko, siguro magiging mabait na si Earl dito.  Tsaka masaya naman dito kahit ngayon palang kami nakarating, sa mukha palang ni Aling Ebe nakikita ko na ang hospitable nya kaya masasabi ko talagang

  

Not bad.....

*End of Chapter 6*

 

         

                

The Journey Of Two Idiots In Isle National High School (DISCONTINUED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon