Chapter 9

8 2 0
                                    

Dedicated to mayooniz


-Ashley's POV

     Hahay.... Ito na naman ako, naglalakad sa malamig na daan. Hehehehe nakalimutan ko kasi ang pamasahe ko kaya ito na ang nangyari sakin.  Hindi kasi matanggal sa isip ko yung napanaginipan ko, may tratranfer daw sa aming paaralan. Heh! Ayan na naman yang walang kabuluhang panaginip, sa aming paaralan may tratranfer?

Eh tinagurian na nga yung Haunted School dahil maliit lang ang nag aaral don. Actually, hindi naman sya haunted since grade 7 pa ako dyan. Ang kaso lang dyan ay maliit lang nag eenroll, ewan ko ba kung bakit mas pipiliin pa nilang pumunta sa lungsod eh kung tutuusin maganda naman kung dito lang sa barrio. Hehehehe, di ko agad naisip mas pinipili na ngayon ng mga tao ang private. Di bali, saludo naman ako sa mga loyal na students sa Isle. Ayaw ko mang pagtiwalaan yung panaginip eh sana magkatotoo yun para naman madagdagan ang mga tao sa school. Palagi na lang kami nalalait ng ibang school!

Tsk!  Mukha na akong tanga dito, naglalakad mag isa tsaka ah!!!! Ang lamig! San ba kasi yung best friend kong baliw?!

"Ashley Hyacinth Torregoza!!!!!"  ay yes! Dumating rin ang mantikaing kong kaibigan!

"Hoy bilisan mong tumakbo!!!! Justine Rose Marquez!!!!!" sigaw ko pabalik sa kanya. At ang baliw naman, mukhang tangang tumatawa habang tumatakbo. Baliw nga, pano ba sya makakatakbo ng mabilis kung tawa ng tawa sya?

Hintayin ko na lang nga baka pagdating namin sa paaralan hindi na madradrawing ang mukha nito.

"Oi burandat! Ba't ngayon ka lang ha?" tanong ko sa hingal na hingal kong kaibigan.

"Ay? Di ka pa nasanay? Palagi naman akong late pero ngayon masaya ako na nakalabas ako ng bahay ng ala sais! Alam mo ba masaya ako na—"

"Oh tigil na tigil na! Alam ko kung gano ka kasaya dahil first time mong maagang  magising."  sabat ko sakanya. Nah mahirap na't maabutan kami ng eight dito.

"Oo naman! Pero bakit ka ba naglalakad papunta sa school?" ayan, sabi ko na nga eh. Dadating rin ang punto na sasabihin ko ang katotohanan.

"Am... Ano kasi, am... Naka—"

"Nakalimutan mo ang pamasahe mo?" Tanong nya dahilan ng pagtango ko.

"Eh ikaw Jus, ba't ka naglalakad papuntang school? Diba palagi ka namang hinahatid ng papa mo?" tanong ko pabalik sa kanya.

"Pano kasi, nahigh blood si papa dahil kay kulot."

"Ganon ba?"

Hindi maipagtatanggi na hindi sila close ng kapatid nyang si Arcie a.k.a 'kulot'.

Hay nagpapasalamat talaga ako na nag iisang anak lang ako sa pamilya namin, alam ko rin kasi na hindi kami magkakaintindihan kung may kapatid ako.

"Buti pa Jus bilisan na nating maglakad baka kasi maabutan tayo  ng siyam siyam dito." Suhistyon ko kay Justine, agad naman syang tumango.

     Sana maganda ang mangyayari ngayon.

   

………………………

-Earl's POV

     
  Ngayon nagsisimula na naman ang bagong kalabaryo.
Kahapon lang kami naenroll ni Aling Ebe, o diba? Nahiya na ako para sa aming sarili, isang matanda ang nag enroll samin.

Ang arte kasi ni mama, ang gusto nya surprise kaya si Aling Ebe ang kanyang pina enroll  at ngayon, mukha nga kaming na surprise.

Ang dati kong routine sa umaga kapag may pasok, 9:30 ang gising ko. Pero ngayon, kinakailangan na naming gumising ng 5:00 dahil malayo ang lalakarin.

The Journey Of Two Idiots In Isle National High School (DISCONTINUED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon