Chapter 8

35 4 0
                                    


Continuation........

"Ma kung galit ka sakin, pwede naman nating pag usapan at ma alam kong—"

"Wag mo nga akong pangunahan kang bata ka!" sigaw ni ina dahilan para maputol ang sasabihin ko. Hehehehe, pasensya naman naging advance mag isip lang ako. Pwede naman yun diba? Thinking advance is better than nothing, right?

Tss! ano na naman kaya ang impormasyon nito? Tanungin ko nga.

"Eh ano ba kasi kailangan mo ma?"

"Wow! Paulit ulit lang ang peg? Hindi ko ba nabanggit sayo about sa punishment mo mahal kong brat?"

Aba grabe sya! Kung makabrat sya mukha namang hindi ako brat. Oo na! Inaamin ko na, isa akong brat! Okay walang lalaban.

I just let out a sigh and my mother start to talk about our money, of course yan ang kailangan namin.

"Before we start about your punishment, let's talk about yours and Julian's money. I know na hindi kayo nagdala ng pera dyan dahil nasabihan ako ni Aling Ebe." panimula ni mama, edi sya na. Alam nya lahat.

"And gusto kong kayo dalawa ni Julian ay blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah..."

I sighed again because of frustration. Sino naman ang hindi! Kanina pa akong nakikinig sa kanya pero sya, nagsto-story telling pa sya kung pano nya nalaman ang nangyari.

"Ma pwedeng straight to the point na lang ma?" suggest ko kay mama, bigla namang tumikhim si mama at bumalik sa kaseryosohan.

"Bukas, magpapadala ako ng pera para sa sayo at kasali na si Julian non." sagot nya. Yan naman pala eh.

"At about naman sa paaralang papasukan nyo. Sa Isle National High School kayo mag-aaral."

Teka? May paaralan bang Isle National High School dito? Wala naman akong narinig sa lahat na nabanggit ni Aling Ebe na paaralan. Baka gawagawa lang ni mama ang Isle National blah blah dyan.

"Ma sa pagkakaalam ko lang walang paaralang ganyan ang pangalan,tsaka wala ring isla dito para doon itarak ang isang paaralan." sagot ko kay mama, agad syang sumagot.

"Earl hindi mo pa nalibot ang buong lungsod kaya ang akala mo walang Isle National High School dyan. Remember nasa barrio ka lang." pangungumbinsi nya sakin.

Siguro baka nga.

"Kelan po kami magsisimula?" tanong ko sa kanya. Kahit ayaw kong mag open tungkol sa bago naming papasukan na paaralan. I-open ko na lang.

"Sa Lunes kayo magsisimula."

"Ah okay."

"And about sa biography mo, i search mo na lang kung ano ang meaning then isulat mo yan kapag nakatapos ka ng MAAYOS dyan sa paaralang papasukan mo. Earl note ko sayo, mag-aral ka nang mabuti kung ayaw mong dyan ka na manirahan." hala grabe naman, dito talaga manirahan?

"Ma hindi ko pa alam kung kakayanin ko maging mabait dito at mag aral ng maayos." totoo naman sinabi ko dahil nong sa Manila pa ako. Wala akong ginawa kundi magcutting.

Hala nakalimutan ko! About sa load! Buti nga hindi pa cinall ended.

"Mama!!!" Sigaw ko. Hehehe, ginawa ko talaga yon para naman sa pay back. Ginawa rin nya yon sakin, yang sigawan nya ako sa Cellphone.

"Oi! Ano ba?! Hindi naman kailangang sumigaw ka sakin!" Heh! Rereklamo rin ka pala eh! Yan rin ang nararamdaman ko kanina ma!

"Pffft!!! Sorry na ma, nag pay back lang ako-este-may gusto sana akong pabor sayo mader."

The Journey Of Two Idiots In Isle National High School (DISCONTINUED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon