Chapter 11

11 2 1
                                    

Dedicated to Coffe_Cat_03


-Julian's POV

Pagkatapos mag ayos ng dalawa bigla nalang tumahimik si Earl, siguro dahil ayaw na nyang bungangaan ang babae pero bakas sa mukha nya ang kalituhan o sa sobra lang siguro kalalim ang iniisip. Parang hindi na nga sya nakikinig kay Ashley sa kakaexplain nito, inaamin ko naman hindi rin ako nakikinig sa kanya.

Busy ako sa pagka calculate kay Earl, nang mapansin nya ang titig ko sakanya agad syang lumingon sa akin habang nakataas ang isang kilay. Sinagot ko lang sya ng kibit balikat, may sasabihin na sana sya nang lumingon saamin si Ashley.

"Hihintayin ko nalang ko kayo dito sa labas, pasok na ." Aniya sabay upo sa bench na malapit sa isang puno, tinanguan muna namin sya bago pumasok sa principal office.

Pagpasok namin, agad sumalubong sa amin ang nasa mid 50s na babae. Siguro ito ang principal nila.

"Mr. Eveleigh and Mr. Seville?" Nakangiti nyang tanong habang suminyas na umupo sa magkabilang upuan malapit sa table nya.

"Opo kami po yun." Magalang kong sagot. Si Earl namay ngumiti lamang.

"Ako nga pala si Mrs. Avadia Romo Santos. Ang principal ng Isle National High School, masaya akong may nagpasyang pumasok sa paaralang ito." aniya ni Mrs. Santos, alam kong kating kati sabihin ni Earl na napilitan lang sya dito pero sumagot ito ng magalang.

"Napasyahan po naming maexpercience ang paaralang to." sinabayan ko ito ng tango dahil biglang bumaling saakin si Mrs. Avadia.

Tumawa muna ito ng mahina bago kinuha ang isang maliit na envelop.

"Kung ganon, sana masiyahan kayo dito sa Isle. Isang taon nalang naman kayo hindi ba?" tumango kami sa tanong nya bago nagpasalamat.

Matapos non, agad kaming pinalabas para libutin itong paaralan. Dapat daw maging familiar na saamin ang lahat ng parte ng paaralan dahil kaunti lang ang nag-aaral dito, tama nga ang hinala namin ni Earl. Siguro tinawag rin itong Isle dahil para itong isla sa kaunting estudyante.

Paglabas namin, sumalubong saamin si Hyacinth. At nagvolunteer narin sya bilang guider namin.

..............

"Dito ang daan papuntang library, may makikita kayong isang maliit na Classroom dyan. May nakalagay na LIBRARY."

Kanina pa kami nitong paikot ikot sa maliit na paaralan, hindi naman ito mahirap i familiarize dahil nga maliit lang ito. Nahirapan lang kami Earl hanapin ang Principal 's Office.

Binalingan ko si Earl at ayun, nahuli kong nakatitig kay Hyacinth.

' Teka baka may pagtingin tong si Earl kay Hyacinth?'

Tss! Kanina inaaway away pa nya si Hyacinth tapos ngayon may pinaplano na kung paano kunin ang pagtingin ni Hyacinth sa kanya.

Hahahahahaha, nako Earl... Mukhang mahihirapan ka nito kay Hyacinth. Kahit para itong wala sa sarili, alam kong may ideal type to si Hya- Hya nalang dahil napakataas ng Hyacinth.

Bigla akong natauhan nang may pumisil sa pisngi, anak ng pusa! Napakasakit naman nitong pumisil.

"Hoy! Para kang timang sa kakatawa mo!" Tiningnan ko ng masama ang nasa kaliwa ko, kung maka pisil akala mo namay isa akong plushie.

"Masama bang tumawa!?" Sagot ko sakanya.

Heck!!! Bakit ko ba yun ginawa?

"Oo masama talagang tumawa kahit wala namang nakakatawa!" sigaw nya ulit sakin. May punto nga si Earl, mukha ngang inappropriate yun.

Aish! Bakit ba nag thinking out loud ako?

Hahahahaha, kanta po yan ni Ed Sheran, yung 'Thinking out loud'.

"Oi ano na?" tanong sakin ng ulupong pero hindi ko sya pinansin, mas nilaan ko ang atensyon kay Hya.

"Am... Hya, magpatuloy kana. Pwede mo rin ba kami ihatid sa section bago ka pumunta sa gusto mong puntahan?" agad tumango si Hyacinth, nakita ko naman kung paano dumaan ang tingin nya kay Earl bago sa akin.

" Saang section ka?" tanong nya.

Bigla kaming nagkatinginan ni Earl, nakalimutan ko kung aling section kami. Naintindihan naman kaagad ng mukong ang pahiwatag ko kaya sya na ang sumagot kay Hya.

"Section Amber."

-Ashley's POV

Minamalas nga naman, Amber sila!? Ibig sabihin non makakasama ko parin itong dalawang to, akala ko naman nasa ABM sila yun pala HUMSS. Aish, naging totoo nga yung panaginip ko na may tratransfer pero hindi ko naman to napanaginipan na magiging classmate ko sila.

Tatanggapin ko nalang... Sabagay, isang taon nalang ang school year nila gaya ko.

Bahagya akong ngumiti para hindi nila mapansin ang pagka ilang.

"Kung ganon magiging classmate ko kayo... Tara na!" matapos ko iyong sabihin agad kong narinig ang binulong ni Earl sa kanyang sarili.

Malakas kasi ang sense of hearing ko kaya di pinalampas ng tenga ang binulong nya.

"Minalas nga naman."

Heh! Akala nya masaya akong magiging classmate ko sya FYI, ayoko ring magkapareha tayo ng section!

"Ano pa ang hinihintay natin? Tara na, nasasabik na akong umupo kanina pa kaya tayong lumilibot libot dito." pagpuputol ng tensyon ni Julian. Nase sense nya kasi ang cold aura namin ni Earl sa isa't isa.

Agad akong tumalikod at nag umpisang lumakad, naririnig ko rin ang dalawa na nagbabangayan. Minsan di ko sila naiintindihan, may time na nagkakaintindihan sila sa isa't isa pero may time rin na nagbabangayan katulad ngayon.

Sana nama'y di sila dadagdag sa mga isip bata sa classroom na mapapasukan nila; ang section Amber.

Ano na kaya ang reaksyon ni Justine pagnalaman nya ito? Pag nakapasok na tong dalawa sa classroom namin, agad yang kakalat sa buong paaralan na may bagong transferee. Hehehe, marami pa namang chismosa sa classroom namin.

Kanina nga nong, itinor ko sila sa iba't ibang sulok dito sa school pinag chichismisan na sila sa mga students kahit nagdidiscuss ang guro titingin parin. Sabagay, Once in a blue moon lang to nangyayari.

Mga ilang segundo lang nakarating rin kami at nakita ko nang nagdidiscuss si Ms. Anita ang second period subject teacher namin. Tinanong ko muna si Julian kung anong oras sumagot naman sya ng '9:00 am'.

Malapit na palang matapos ang time ni cher Anita.

Di nga nagtagal nagpaalam na sya sa mga classmate ko, aakmang lalabas na sya nang makita nya akong may kasamang ulupong. Pagtingin nya lang sa dalawa agad syang suminyas na pumasok na daw kami as usual ako ang magpapakilala sa kanilang dalawa dahil ako ang nagdala nila dito. Pag apak palang ng dalawa rinig ko na ang kiliti ng baklang si Lluvias o mas tawagin nating Kiring.

"Ghorl ang hottie naman ng dalawang transferee."

Agad naman itong prinangkahan ng isa kong classmate na lalaki, si Maxime.

"Hottie mukha mo, pustahan tayo. Di yan marunong magpakain ng manok sa kinis ba naman ng balat, di natin makikitang tinangkang tukain ng manok ang mga daliri nyan."

Sinabatan naman iyon ni Dian.

"Tama ka Maxime, pagmumukha at kinis sa balat lang ang maipagmamalaki nyan. Sabagay galing Maynila eh."

Tumikhim na ako dahil pa visible na kasi sa mukha nina Julian at Earl ang galit.

"Okay guys, sorry kung late ako-"

"As usual naman Ash!" Mga punyetang bata. Di ba nila alam na nagsisikap ako na pumunta ng maaga sa paaralan para lang maging maaga. Nako chikolan ko kayo eh, di nyo alam dinanas ko.

Actually kaninang umaga lang ang pinaka first time kong maglakad ng maaga. First day of school kasi ng second semester kaya ganun, every first day lang ng semester ako maaga.

"Anyway, sila pala ang bago nyong classmate. Magpakilala kayo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Journey Of Two Idiots In Isle National High School (DISCONTINUED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon