Chapter 10

16 2 0
                                    

Dedicated to Crazy_anne847

-Ashley's POV

          Mga ilang minuto ang naubos sa pagtahak namin papuntang paaralan at heto na kami ni Justine, narating din namin. Ngayon ang araw kung kelan magsisimula na ang second semester namin, nasa HUMSS kase ako at ito namang si Justine nasa ABM.  Kaya hanggang plaza nalang kami magsasama dahil nasa hulihang Classroom ang HUMSS, at malayo ito sa classroom ni Justine.

"Oh pano na yan, Ash. Hanggang dito nalang tayo as usual, sabay tayong kakain ha?" wika ni Justine na may kinukuha sa bag nya.

"O sige." sagot ko.

Matapos iyon, agad na akong pumunta sa classroom pero kailangan ko munang mag lakad sa plaza. Hahakbang na sana ako nang biglang may naghagis ng isang notebook papunta sakin at nasapol ito sa ulo ko.

"Aray!" pasigaw ko sa sarili. Napakasaway naman nitong mga junior high, heh! Mamaya nalang sila ipapatawag ko sa office ng student council, malalate na kasi ako.

Pero bago pa man ako makaiwas sa nang bato sakin sa likod may biglang sumigaw.

"Hoy babae!" teka? Ako  ba ang tinawag o may iba pang babae dito?

Inilibot ko ang paningin ko sa buong plaza kung may iba pa bang babae pero alas! Ako nalang ang babae dito, tiningnan ko ang sumigaw ng hoy babae.

Pabayaan ko na nga lang...

"Hindi mo ba ako naririnig babae? O nagbibingi-bingihan ka lang?" aniya ng empakto sakin.

Aba! Hindi nya siguro ako kilala, sa tindig ko ba naman hindi ako makilalang si Ashley Hyacinth Torregoza ako?!

Heh! Biro lang, kahit isa akong  student councilor hindi naman ako sikat sa paaralang to. Kilala lang nila ako dahil hindi naman gaano ka rami ang studyante dito pero itong lapastangang lalaki, tinawag ba naman akong 'hoy' pangalan ko ba yan?

Oras na para bigyan ng liksyon to.....

Binalik ko ang tingin sa kanya at hindi ako nagkakamali ngayon ko lang siya este sila nakita, dalawa kasi sila at ngayon ko lang napansin. Baka nawawala lang to sila, pagbigyan kong makausap tong mga lalaking to.

"Am mga kuya kung nawawala po kayo. Ito poy Isle National High School, saan ba dapat ang destinasyong pupuntahan nyo?"mukhang hindi sila natuwa sa tanong ko ah, lalo na ang lalaking tumawag saking bingi. Heh! Sino naman sya para agad kong bigyan ng pansin?

Earl's POV

     Ginagago ba kami nitong babaeng kaharap namin? Natanong nya samin kung nawawala ba kami tsaka sinabi kung saan kami ngayon, binibwisit lang talaga ako nito eh. Ito namang kasama ko kanina pang nagpipigil tumawa.

Si Julian na nga lang ang utusan kong mag tanong sa babaeng timang na nasa harapan namin.....

"Ikaw na nga lang ang magtanong sa babaeng to." Naiirita kong utos kay Julian, napakainit na kasi.

Kani-kanina lang ang lamig at ngayong sumikat na ang araw, nagsisismula na ring uminit ang ihip ng hangin. Idagdag ko pa tong wala-sa-sarili na babae.

Pagpasok kasi namin, hindi gaano matao ang paaralan sa sobrang tahimik matatawag ko na itong walang buhay na paaralan.  Di rin namin alam kung saan ang Principal's Office, kaya napilitan kaming malakad ng kung saan saan dito at mukhang pinagbigyan kami ng coincidence para tumigil sa pag iikot, nakita to naming babae eh kaso lang TANGA.

Binalingan ko kung tapos na ba ang pag uusap nila pero parang nahihirapan si Julian mag explain, panay kasing kamot sa ulo tas nakikita ko na sa mukha na naiirita na sya sa babae. Tiningnan ko kung anong oras na at nabigla ako sa nakita kong oras. Kanina pa pala kaming lumilibot libot sa bwisit na paaralan dahil sa pag kakaalam ko, dumating kami  eksaktong ala sais ng umaga at ngayon 8:39 na.

Napakalamas nga naman ng first day of school namin...

Kelan ba makukumbinsi ni Julian ang babaeng kausap nya? Kung marami lang ang tao dito, di talaga kami lalapit sa babae timang. Bwisit! Naiinip na ako dito, parang nasa traffic kami nito eh.

Puntahan ko na nga lang

"Hoy babae! Kelan mo pa ba sasabihin kung nasaan ang Principal's Office ha?! Napakahirap ba yang sagutin, sasabihin mo na nga lang kung saan!"  sa sobrang lakas ng pagkasigaw ko, emecho ito.

Inip na inip na ako dito, idagdag ko pa ang parang pagong sumagot.

"Earl kalma, ini orientation nya tayo." sagot naman ni Julian, enjoy na enjoy na nya dahil may pagkaganda rin ang babae hindi naman maipagkakait PERO na turn off ako. Tanga kasi.

"Tayo? Eh mukhang ikaw lang naman ang inaasikaso nyan eh!" bigla ko namang narinig ang sinabi ng babae sa sarili nya pero hindi iyon pinalampas ng pandinig ko.

"Sino naman ang mag-aasikaso sayo? Napaka short tempered mong lalaki."

Aba! Ako pa ang tinawag na short tempered dito, eh sino naman ang hindi mainip nito kung napakatanga mong kausap.

"Babae kung akala moy hindi ko narinig ang sinabi mo pwes nagkakamali ka. At wag mo talaga akong tinatawag na short tempered, malamang sino naman ang hindi diba?! Nako dinaig ko na ang mama ko kadaldal ko sayo—" napangiwi ako nang biglang sinipa ni Julian ang pwet ko.

Putspa!  Itong lokong to!!!

Tiningnan ko sya ng masama ngunit sya naka closed smile pa ang loko. Hinila muna nya ako palayo sa babae at kinausap ng matino...

I always notice.... Hindi ba ako matinong kausap?

"Dude, wag ka munang mainipin. Kita mo namang hindi gaano marami ang tao dito, wala na tayong matatanungan." sabi nya habang mahigpit ang hawak sa akin.

Tumango ako ng matipid, huminga muna sya ng malalim sabay utos sa akin na ayaw na ayaw kong gawin.

"Mag sorry ka sakanya, first day natin dito baka ipagkalat nya na ang mga transferee a.k.a TAYO  na walang respeto sa iba kaya magpa empress kang mabait ka. Dali na..." Aniya ng kaibigan ko.

Ba't bato nangyayari sakin? May punto naman si Julian kapag ipagkalat ng babaeng  yun na masama ako, wala akong tsansang makapogi points sa mga babae dito. Hm.... Wala na nga siguro akong tsansa nito dahil parang wala namang studyante dito. Hehehehe, pero hinila ko lang naman yun.

Okay ngayon lang naman to mangyayari Earl. Para lang naman to sa ikaalang-alang.

Tiningnan ko muna si Julian na naghihintay sa gagawin kaya huminga muna ako ng malalim bago pumunta sa kinaroroonan ng babae, ayusin ko tong eksena ko.

"Am... Sorry ah, nainip lang ako kaya ganon ang mga pinagsasabi ko sayo. Sana isawalang bahala mo lang yun, sorry ulit." paumanhin ko with matching guilty face. Para mukhang sincere.

Agad namang nanlambot ang mukha nyang kanina pang pulang pula sa pagpipigil mag alburoto. Bigla nyang tinapik ang balikat ko dahilan ng pag-igting ko.

Out of blue tong ginagawa nya...

Dahil mukha akong nakuryente sa ginawa nya, agad kong tinanggal ang pagkahawak nya sa balikat ko.

"U-um... A-ano na? Okay na ba sayong magcontinue?" pagdadahilan ko para maibsan ang tensyon.

Nabalik naman kaagad ang diwa nya kaya nagpatuloy na kami, sinapak ko muna ang mukha ni Julian bago kami pumunta sa principal office. May mali kasing hinala kahit sa mata lang nya idinadaan, buti at nakatalikod ang babae na ang pangalan pala'y Ashley Hyacinth Torregoza but I like to called her as Hya.

Nagpapakilala na rin kami ni Julian, pero bumabagabag parin sakin ang mala kuryenteng paghawak nya sa akin.

Ito ang una kong maramdaman yun, teka ano ba kasi yun?

Baka  Electric Energy Reaction?

Siguro nga....

The Journey Of Two Idiots In Isle National High School (DISCONTINUED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon