Chapter 7

25 3 0
                                    



Earl's POV

Limang Araw na ang nakalipas matapos kaming mapadpad dito kaya heto napakahusay nang magbisaya. Nagulat kayo? Syempre tinuruan kami ni Aling Ebe dahil alam nyang mga fast learner kami kaya no problem sa kanya ang turuan kami, naging komportable na rin ako kay Aling Ebe. Nagtataka na nga ako sa sarili ko kung bakit naging mabait ako kay Aling Ebe. Pero di bali as long as mapagkakatiwalaan sya at habang naghihintay kay Julian na sumama kay Aling Ebe'ng mangbili ng school supply (actually, di naman yan madalas magagamit namin ni Julian dahil di uso samin ang notebook. Cutting lang ang uso saming dalawa.) Naalala ko ang mga sinabi ni mama kahapon, about sa school na papasukan namin ngayong Lunes.

..................

>>>FLASHBACK>>>



Habang naglilinis ng kisami biglang nag vibrate ang phone ko at nang makita ko ang I.D caller, si mama...

Ang galing namang tumi-ming ni mama sa unang sabado ko pa talaga tumawag at ang masaklap, napakaraming alikabok ang pumadpad sa inaalagaan kong buhok.


Sagutin ko na nga lang to.

"Oh hello? Ba't napatawag ka?"

Pagkatapos ko iyong sabihin agad bumungad sakin ang napakatinis na boses ni mama.

"Earl Andrew Eveleigh! Wala bang 'hello ma' dyan?!"

Sabi ko na nga ba! Di ko dapat kalimutan ang maging mahinhin ( tss! para namang babae kung makamahinhin)

"Eh sorry poh.... Ano po ba ang kailangan nyo mahal kong ina?" Malambot kong turan sabay roll eyes kung nakita nya sigurong nag roll eyes ako, sampal ng pamaypay ang aabutin ko.

"Heh! Di bali, ano na ang nangyari anak? Naging mabait ka ba sa may ari dyan? Eh si Julian, mabait na? Ano na ang nangyayari dya—"

"Ma wag ka ngang ano! Naging mabait na kami dito pero KUNTI lang. Tsaka wag ka ngang umasta na hindi mo alam ang may ari dito, ikaw pa nga ang nagplano nito eh!"

Di ko na sya pinatapos nang magsalita na ako. Ang rami kasing satsat kala mo na naman wala syang kaalam alam about sa may ari yun pala sya ang nag plano. Minsan matatawag ko talagang tsundere ang ina ko, o in short, napaka bipolar.

'Parang ikaw lang.'

Ayan na naman ang mga linta ng utak ko, oo. Nagkalinta na ang utak ko dahil sa frustration, isa sa mga dahilan ko dyan ay ang pagpunta ko dito at ang malaking plano ni mama na nalaman ko dahil kay Aling Ebe at ikinatampo ko iyon sakanya pero di na masyado.

Narinig ko ang pag 'hmp' ni mama, di kasi sya tumatanggap ng failure kaya ganyan. Nilibot ko muna ang aking paningin, hinahanap ko kasi ang isang abno at yun nakita ko naglalampaso sa sahig. Mahirap naman sa kisame nya ilampaso ang lampaso diba?

"Earl may sasabihin ako about sa punishment nyo." seryosong turan ni mama. Nako! Baka ito na ang chance naming makauwi. Baka kasi naawa na sya sa amin kahit ayaw kong may naaawa saakin, okay lang basta't makauwi na kami.

"Ano yun ma? Papauwiin nyo na po ba kami ni Julian?!" Natutuwa kong tanong kay mama. Mukhang narinig iyon ni Julian dahil bigla syang tumigil sa paglalampaso at pumunta sa akin. Makikita ko talaga ang tuwa sakanya dahil parang magte-tears of joy na sya.

"Ano na Earl, papauwiin na ba tayo ng mama mo? Malaya na ba tayo? Makakabalik na ba tayo sa–"

"Sshhh!!! Tumahimik ka nga muna! Hindi pa ako sigurado dahil hindi ko marinig ang boses nya ang ingay mo kasi!"

"Eh loudspeaker mo kaya para tayong dalawa ang makikinabang sa sasabihin ni tita!" sigaw nya sakin habang naka cross arm.

"Ay oo nga no?" Sagot ko sabay on sa loudspeaker at nang tingnan ko sya nakita kung pano sya nag roll eyes at nagsabit ng 'tss'. Aba! Parang na stress ata to, sino namang hindi. Eh kanina pa syang nakatuwad sa paglalampaso, baka napuno na sa dugo ang ulo nito at siguro yun ang dahilan kung bakit napakasungit.

"Tita, papauwiin nyo na po ba kami?" tanong ni Julian na tinitigilan ang pag-iyak. Mukha kaming nasa drama, yan bang kinulong kami sa isang prisento tapos naawa ang ina ko kaya pyinansahan kami para magbagong buhay. Tsk! Kala naman nila magbabagong buhay kami ni Julian.

Pero yun pala hanggang expectation lang ang mangyayari dahil sariling ina na ni Julian ang nagsabi ng.....

"Hindi! Di pa pwedeng umuwi Julian! Napatawag ang ina mo Earl dahil gusto ko na isama na sa punishment mo si Julian–"

"What?! Ma nahihibang ka na po ba?!"

"Julian Xerses watch your words! I am your mother so you should respect me!" rinig kong galit na sigaw ni tita Ayesha kay Julian, napabuntong hininga sya at nag sorry sa ina nya. Agad naman syang pinatawad .

"So I will continue what I had plan." ayan na naman, ang PLANO na naman.

"Sa sinabi ko kanina. Hindi pa kayo makakauwi dahil hindi nyo pa natapos ang punishment nyo,sinabihan kasi ako ni Alexandra na mapapawalang bisa lang ang parusa ni Earl kapag natapos na ang kanyang punishment. So I planned, ba't di ko isama ang mahal kong anak? Kaya ayon napasyahan kong itanong sa papa mo, Julian kung okay and then he said why not?" Kailangan ko na bang matawa o maawa kay Julian? Kitakita ko na kasi ang mukha nyang hindi na maipinta dahil sa gulat at sari saring emosyon, isa sa dahilan ay ang pagkabigo. Ako nga eh, nabigo.

"Ano?! Ma di yan pwede! Napunta lang naman ako dahil sinamahan ko si Earl di—"

"Tss! Why so dense anak? Napunta ka dyan dahil kasali ka na sa parusa nya. Simulat sapol pa lang!" Pinipigilan ko na talaga ang matawa. Para kasing batang nagpipigil umiyak si Julian, hahaha. Di ko kasi nasabi pa ang lahat ng punishment ko.

"Wag mo nga akong nginingiti-ngitian!" sigaw nya dahilan para mabalik ako sa realidad.

"Hehehe, peace bro." paumanhin ko. Binigay ko muna ang phone para kausapin nya at kumbinsihin ang ina sa ayaw nyang mangyari.

Matapos kong ilagay ng maayos ang ginamit ko sa pangtanggal ng alikabok, agad akong umupo sa kawayang upoan. Heh! Sinanay ko na ang sarili kong umupo ng ganitong upoan, ayaw kasing papalitan ni Aling Ebe ang nag-iisang mahalagang bagay na nanggaling sa yumaong asawa nya. Kaya bilang respeto, sinanay ko na ang sarili kong umupo sa kawayang to.

Pagbibigyan na kami ng pera ng mga magulang namin, bibilhan ko na talaga to ng foam. Nagtataka kayo kung bakit bibigyan pa lang kami? Syempre, pumunta kami dito nang walang dalang pera, advance kasi mag-isip. Habang tinitingnan ko ang kumag na kanina pang nagmamakaawa sa ina nya, bigla akong nakaramdam ng gutom. Di pa kasi bumalik si Aling Ebe, nangbili kasi sya ng pagkain namin. Halos maubos na ang dinalang pagkain ng assistant namin (yung bumalik na sa Manila), napakatakaw kasi ni Julian. Yan bang hindi nabubusog ang tyan, parang every hour kumakain sya. Tss! Di naman tumaba!

"Eeeeeaaaarrrrllll!!!!!!"

Nabulabog ako nang biglang sumigaw si Julian habang lumulundag lundag.

"Mukha kang baliw!" sigaw ko sa kanya. Bigla naman nyang binigay ang phone ko at nakita kong kakatapos lang nilang mag usap dahil wala na ang tawag. Putspa! Wala akong pera para magpaload ni kahit naman 10 pesos, pero pano ba mag unli ng autoloadmax?

Hehehe, sorry naman. Di ako fan ng unli-unli load.

Binalingan ko si Julian at nakita ko ang pagbagsak ng kanyang balikat, well kanina pa yang pabalikbalik. I-comfort ko muna nga to.

*Zzzzzzzzzz*
(ang astig ng ringtone 😅)

Ah bwisit! Kung kelan gusto kong i-comfort ang mukong, yun ang timing ng pagbalik sa tawag ni mama.

"Ma! Maya ka na tumawag icocomfort ko muna si—"

"Earl we need to talk." naputol ako sa seryosong boses ni mama. Ano na naman kaya yun? Dadagdagan na naman ang mga punishment ko? 















The Journey Of Two Idiots In Isle National High School (DISCONTINUED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon