Chapter 5

24 3 0
                                    

-Julian's POV

           Andito kami ngayon sa airport, wala kasi kaming nagawa para panindigan ang reputasyon namin. Nga pala ako si Julian Xerxes Seville, 17 years old and yeah alam nyo na kung ano ang nangyari saming dalawa. Dahil naiinip na ako sa pagkakahintay ng private plane, nilabas ko ang aking phone at inopen ang camera.... Hehehehe, mag vlo-vlog kasi ako para may mapaglibangan.

"Hi everyone! I am Julian Xerses Seville and now I am here with my bastard friend named Earl Andrew Eveleigh, at heto ako magbibigay alam sa inyo na ang mga dakilang cassanova sa Norn High ay mapupunta na sa Leyte! Alam kong marami sa inyo ang magrere act kung bakit. So I will tell you why, isa na dyan sa aming dahilan ay hindi namin napanindigan ang aming gusto at isa pa wala talaga kaming takas dahil parents' punishment nato. So pagbibigyan ko kayong makita at mahingi ang opinyon ni King Cassanova, bago pa man kami mawala sa academy." matapos kong sabihin ko ang mataas kong introduction, agad kong tinapat ang camera sa mukha ni Earl.

" Am..... Mr. Eveleigh, ano po ang reaction nyo sa nangyari kaninang hapon?" tanong ko habang sya naman malalim ang iniisip.

"Earl?" sabay sundot sa tagiliran nya para makuha ko ang atensyon but still. SEEN ZONE.

"Am. Guys sorry huh? Till next time na lang dahil out of coverage si Mr. Eveleigh—" di ko natapos ang farewell message ko nang biglang may bumatok sakin, alam ko na si Earl yun dahil sya lang naman ang kasama ko.

" Aray ko naman Earl! Habit mo talagang batukan ako no?!" singhal ko at ang kumag nag roll eyes lang.
"Kung di mo gustong masaktan, ibaba mo yang hawak mo!" aniya habang naglilip bite. 

Ano to? Action movie, para ibaba ko ang phone ko?

"Alam mo Earl wala tayo—"

"Isa"

  "Earl ano ba nakain mo at nagbibilang ka—"

"Dalawa, ayaw mo talagang bitawan?!"

"Wag naman yang bitawan, napaka mahal ng phone ko tapos bibitawan ko lang!" turan ko habang naka puot at hinahawakan ng mahigpit ang phone ko, nako mahirap na't makuha nya to. Skill pa naman nya ang mangsnatch...

"Wag mo ngang sirain ang mood ko!" aniya sabay talikod sakin. Huh? Akala ko ba sira na ang kanyang mood? Kanina pa kaya nakapaskil sa mukha nya ang busangot at parang papatay. 

Gusto ko mang kausapin ang haring gangis pero sabi nga nya wala sya sa mood, kaya ang magagawa ko nalang ngayon ay hintayin ang bwisit na private plane.

*10minuteslater...*

"Sa wakas dumating na rin ang hinihintay ko!" sigaw ko sabay inuunat ang mga braso, binalingan ko si Earl pero nah.... Siguro nagagalit pa sya sa mama nya. Naunang pumasok si Earl habang ako naman ang nakasunod, syempre kaming dalawa lang naman ang mapapadpad sa Leyte.

°Earl's POV°

  Ughhhh!!!! Ano ba naman yan! Bakit ko ginusto ang mapunta sa Leyte?!?!  Dumagdag pa yong sinabi ni mama!

    <<<< FLASHBACK <<<<

Matapos ang insidente, agad kaming umuwi ni mama para kausapin ako ng matino, matino naman ako kausap ah!

   "Ikaw talagang bata ka! Since sinuway mo na ako, then I will tell you what kind of punishments for my sweetheart and it's up to you how to deal with it." aniya at para bang may kakaibang aura ang lumalabas sakanya. Nananakot ba to si mama? Tsk! Di nya ako matatakot sa mga punishment nya! Spell DUHHH!!!! 

"So ang unang mong punishment titira kayo sa maliit na bahay then blah blah blah......" mother informed me about the house, tsk! Wala akong paki sa bahay na yun and to tell you honestly, nagplaplano na ako sa gagawin namin ni Julian sa bahay, gigibain ba namin o hindi.  Isa pa, sa  karami rami ba namang punishment nyang sinasabi, may maganda pa ba about non? Diba wala? Habang wala sa mood kung pinakinggan si mama, may narinig akong hindi ko ninais na marinig.

"Also habang nasa probinsya ka pa, dapat kang gumawa ng talambuhay o Biography about sa mga nagawa mo or yang nakikita mo don, basta about sa buhay mo don. Last but not the least, every Saturday and  Sunday dapat nyong tulungan ang babaeng maglilinis sa bahay or should I say ang nagmamay ari non. Okay?" ano daw?! Gumawa ng Biography?! Ano ba naman yan! Mahirap na ngang mawalay sa reputasyon ko dito sa Manila, gagawa pa nong hindi ko alam! At ano pa yung isa?? Tutulungan namin ang may ari ng bahay maglinis?! aba! Manigas sya! Di ko namalayan kanina pa ako nakabusangot...

"Anak! Wag mo nga akong bigyan ng busangot mood!" tsk! Sino ba naman ang hindi magbibigay ng busangot nyan Ma, ang daming chichi-buritchi! Tiningnan ako ni mama ng matalim sabay roll eyes at bumalik sa mga punishment nya.

         Hihintayin ko na lang si mamang matapos maglecture, so titiisin ko muna ang matinis na boses ni mama.

....................

Natapos na nalang ang labing-limang minuto, hindi parin natapos ang lecture ni mama, yan bang nasa classroom ka tapos naboboring ka na sa mga dinidiscuss ng teacher at yang nagplaplano kang mag ditching kaso nasa harapan mo ang  terror teacher nyo, ganyan kasi ang eksena namin ngayon.

Dahil naiinip na talaga ako sa nga inuutos nya about sa bahay na yun at yung tutulungan daw namin ang may ari maglinis, tsk! Iprotesta ko nga.

"Wait ma! Balik nga tayo sa linis linis sa bahay! Ma kaya naman nilang linisan ang bahay ba't isasama pa kami ni Julian?!" matapos kong sabihin yun agad akong nakadama ng sakit sa ulo. Yun pala nahampas na ako sa pamaypay nya at tingin ko kay mama, nakapamaywang na.

" Aba! Nagpapakilala ka talaga na isa kang tamad!"

"Ang sakit naman non! Ma ayaw ko nga—"  di ko natapos ang sasabihin ko nang inunahan na nya ako.

" Basta yun na ang plano ko, sa ayaw o sa gusto mo. End of conversation!"

     

         ••••End of Flashback••••

At yun ang nangyari na ikinagalit ko, ito namang kasama kong kumag walang ibang ginawa kundi manukso.  Serious talk, natatakot ako dahil malayo na ang nakagisnan kong buhay dito, at tsaka uso kaya sakanila ang cassanova or gangster. Eh sa pagkakaalam ko lang napakainosente ng mga tao don, kung curios kayo bakit alam ko. Well, nagresearch na ako para sure, hahahahaha. Di bali, andito naman si Julian para tulungan ako. At isa pa magsesecond semester na, so it means don ko na ipapatuloy?

The Journey Of Two Idiots In Isle National High School (DISCONTINUED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon