Mika's POV
It's a beautiful day and I can't stop myself from smiling! Haha! Ang ganda ng gising ko ngayon. Hindi naman ako nagkaroon ng nightmares at hindi rin bitin ang tulog ko. Maganda rin ang panahon at pagkagising ko, nakakita ako ng penguin stuffed toy sa kama ko. Kanino galing? Hindi ko rin alam eh basta ang cute cute nya! Naalala ko si Luke! Haha! Anyways may tag na nakasabit kay Luke (name of penguin) na nakalagay "T". Hindi ko rin naman alam kung bakit yun ang nakalagay at bakit pero tinanggap ko na rin!Mika: Good morning bes! Ahm alam mo ba kung kanino galing yung stuffed toy?
Ara: Hindi nga eh! Pag gising ko kanina nakita ko na yun sa kama mo! Bes ikaw ah? May manliligaw ka na pala ehh! Ayieee!
Mika: Tumigil ka na nga! Pero seryoso, sa tingin mo sino gagawa nun para sakin?
Ara: Alam mo sa tingin ko si Jeron ang may gawa nun! Sya lang naman ang may lakas na loob na bigyan ka ng regalo eh!
Mika: Malamang! Kaibigan ko yung tao eh!
Ara: Kaibigan nga lang ba?
Mika: Che! Tara kain na tayo!
Lumabas na kami ni Ara at pumunta na kami sa dining are at may nakita akong pagkain at note sa tabi.
Ara: For Mika, Enjoy your meal! H.
Mika: H? Anong H?
Ara: Ewan ko! Baka sa H nagsisimula yung pangalan niyang taong yan!
Mika: Eh kanina sa penguin T yung nakalagay eh!
Ara: Malay mo initials nya yan diba? Kain na nga lang tayo! Buti nalang at dalawa tong hinanda kundi hindi pasado sakin yang manliligaw mo!
Mika: Manliligaw agad? Ni hindi pa nga natin alam kung sino yang mokong na yan!
Ara: Wag mo muna siyang tawaging mokong hangga't hindi mo pa sya nakikilala! Pero oo manliligaw kase bakit ka naman niya bibigyan ng napaka cute na penguin at ipagluluto?
Mika: Malay mo gusto lang niyang magpakabait! Baka may malaki syang kasalanan kay Lord!
Ara: Sus! Kumain ka na nga lang dyan! Ang dami mo pang sinasabi eh!
Kumain na kami ni Ara at pagkatapos nag handa na kami para pumasok. Nang matapos na kami sa paghahanda kinuha ko na yung bag ko at lumabas na kami sa pinto. Pero ang kinagulat ko ay mayroong bulaklak na nakalagay sa lapag. Kinuha ko iyon at nakakita ako ng card na nakalagay "A". Ibang tao nanaman ba ito? Bakit niya ako binibigyan ng bulaklak? Hindi naman valentines day ngayon kase March palang naman.
Ara: Naks! Bes ang sweet naman niyang manliligaw mo! Una stuffed toy, sunod pagkain, tapos ngayon ang paborito mo namang bulaklak! Ano kaya ang sunod niyang ibibigay sayo? Baka naman sweets na! Kung sweets nga bigyan mo ako ha?
Mika: Kung sweets nga yun bakit naman kita bibigyan? Akin lang yun noh! (Belat)
Ara: Ang damot mo naman Mikang! Haay nako! Tara na nga!
Hinil- teka, kinaladkad ako ni Ara at mabailis kaming nakalato sa pinto ng dorm namin pero gusto ko sanang iiwan nalang yung bulaklak kase nakakahiya naman syang dalhin sa school.
Mika: T-teka! Hoy! Masakit! BES!!!
Tumigil na rin sya at humarap na sya sakin.
Ara: Ye mala-late na ko sa first class ko kaya please tara na! Ang bagal mo naman po kasing kumilos eh!
Mika: Sorry ah! Pero balak ko sanang iiwan itong bulaklak sa dorm eh! Kaso kinaladkad mo naman ako!
Ara: Sorry pero hayaan mo na yun! Dalhin mo nalang yan! Bakit mo ba gustong iiwan?
BINABASA MO ANG
DLSU's Archers
FanfictionThis is a story about the Green Archers and The Lady Sikers (JeMik, ThomAra, CieVan)