After one year and a half. Sa wakas, nakapag update din.
Chapter 13:
The Media
A E M E R Z E L
Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan ngayon. Nakapako lamang paningin ko sa aming Principal at kahit na ba'y natapos na ang anunsyo nito sa amin hindi pa rin mahanap ng sariling dila ang mga salitang nais nitong sabihin.
Narito siya ngayon sa loob ng aming klase upang ibalita sa akin ang nangyari. At mapasa hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa lahat ng mga sinabi niya.
"Your lolo is waiting for you outside, Mr. Bloody Mere." Hindi napigilang lumandas ang aking mga luha sa dalawang dahilan.
Una, dahil sa nakuha kong balita mula sa Principal namin tungkol sa nangyaring barilan sa restaurant na kung saan si Kuya at ang kanyang kaibigan ay napahamak.
Pangalawa, matagal na rin huli naming kita ni Lolo dahil sa busy siya sa aming family business, kaya naman sobrang miss na miss ko na siya, hindi ko na mapigilan ang sariling mayakap siya ngayon lalo na sa nangyari kay Kuya Aeros.
"There's nothing for you to worry. You'll be excuse from all of your classes for today." Dagdag pa ng aming Principal.
Napakurap ako ng dalawang beses bago kaagad iniligpit ang mga gamit ko, saka isinilid ang lahat ng mga ito sa 'king bag. Lumapit na ako kay Principal Joyce upang masamahan na niya ako palabas sa room. Nagpaalam na muna ako sa aming guro bago tuluyang lumabas.
No'ng mga sandaling nasa pintuan pa lang kami, ay pasaglit akong sumilip sa gawing upuan ni Kuya Mark. Napalunok ako dahil matapos sa nangyaring engkuwentro sa aming dalawa no'ng nakaraan lagi na lang siyang absent. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang nangyari sa shower room—paano ko nagawa iyon, saan nanggaling kapangyarihan ko, ano ba talaga ako, at kung anu-ano pang katanungan na maaari niyang itapon sa akin sa oras na magkita kami.Hindi rin mawala pangamba ko na baka ipagkalat niya 'yong nangyari sa aming dalawa sa iba.
Napalunok ako sa ideyang iyon.
Emme'curst, Aemerzel! You really are a troublemaker.
Umiling na lamang ako at tinulak sa dulo ng aking utak lahat ng mga posibleng mangyari kapag nagkita kami ni Kuya Mark in the future dahil sa mas kailangan ako ni Kuya Aeros sa mga oras na ito. Siya ang need ko pagtuunan ng buong atensyon ngayon.
Habang nilalandas namin ni Principal Joyce ang daan patungo sa parking lot ng Junior Campus ng RSU ay may biglang sumakay sa aking likuran at kamuntikan na kaming bumagsak sa sahig, buti na lang at nasalo niya agad ako.
"Mah beloved browderrr!" Napalundag ang puso ko lalo na noong inakbayan niya ako sabay ginulo ang buhok ko. Amoy pa lang niya ay alam ko na siya ito!
"Misyoooww so much, bunso!" Hindi na ako nag segunda pa ng isip dahil kaagad ko rin itinapon ang sarili sa kanya upang mayakap siya nang mahigpit. "Oh 'tol, nababading ka na naman yata. Hahaha!" Hindi naman niya tinanggihan yakap ko sa bagkus ay tumugon din siya.
BINABASA MO ANG
Destroy thy FALLEN GAME
Science FictionUnlike Your Ordinary Game. Witness the Annual Game. Seven Encomium. Seven Divert Groups. ONE WAR. ONE BLOOD. ONE CHOICE. ALL MUST DIE! "I could destroy them all. But I can't and I won't. I'm willing to sacrifice myself than to end up fighting and ki...